"Huh? H-hindi. S-si Stephy." Binigyan niya ako ng mapaghinalang tingin kaya nginitian ko na lang siya. Bumalik na siya sa upuan niya. Akala ko kukulitin pa niya ako.

"Hindi siya papasok. Tumawag siya sayo kaninang umaga, Di ba?" Nilagyan niya ng emphasis ang bawat sinasabi niya at binigyan niya pa ako ng isang matalim na tingin bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Thea naman,kung hindi mo kayang iuntog ang sarili mo sa katotohanan, nandito naman ako eh. Ako mismo mag uuntog sayo sa pader para sabay Amnesia. Edi problem solved ka na."

"Napaka sweet mong kaibigan." Sarkastiko ‘kong sambit.

"I know." Mabilis na napaltan ang ekspresyon niya ng nakakalokong ngiti.

Naputol ang usapan namin ng mapunta ang atensyon ng buong klase sa isang kaklase naming naghahabol ng hininga pagpasok sa loob ng room.

"Pare, nakursunadahan yung kasama natin!" Mabilis niyang saad sa mga nilapitan niya.

"Lintek! Tara." Mabilis namang nagsilabasan ang mga kabarkada niya.

 "Tara makigulo."

"Sino daw kaaway?" bulung bulungan ng mga kaklase ko. Napatigil sila sa mga sari-sariling gawain. Marami ang nagsilabasan para maki usyoso.

"Yen, wag ka ng sumunod." Alam ko na nasa isip ng babaeng to. Hindi ko alam sakanya pero enjoy na enjoy siya pag may nakikitang nag aaway. Dream niya nga daw na magsuntukan ang dalawang lalaki para sa kanya. Seriously? Psh.

"Thea, Babalitaan nalang kita." Paalam ni Yen sabay labas ng room.

"Hoy!Teka." Iniwan niya ko. Iilan lang ang mga naiwan dito.

Maya maya’y napagdesisyunan kong pumunta ng banyo sadali. Palabas na ako pero agad din akong napa atras at bumalik sa upuan ko. Papasok kasi ng room si Ace at ayaw ‘kong magkasalubong kami paniguradong makikita niya ko.

        

Tahimik sa loob kaya malalaman mo kung may papasok. Pakiramdam ko huminto siya malapit sa likuran ko kaya lalo akong nataranta. Kung anu ano na lang ang kinutingting ko sa bag ko. Nakahinga ako ng makita ko sa peripheral vision ko ang pagdaan niya sa gilid ko. Umupo na siya at tumungo sa lamesa niya.

      

Hindi ko na napansing diretso na ang mga mata kong nakatingin sa kanya. May mga pasa siya sa kaliwang braso. May laban siguro siya kagabi. Teka? Bakit ko ba siya pinapakialaman? Break na kami. Wala na dapat akong pakialam pa. Lumabas na ako at pumuntang banyo. Pagkatapos, babalik na sana ako ng madaanan ko ang isang    Vendo machine.

"Kailangan niya ito." Naghulog ako ng barya at pumili na ng drinks tapos dumaan din ako sa clinic at bumalik na sa room.

Si Ace nalang ang natira dito. Lumapit ako sa upuan niya. Natutulog siya. Ipinatong ko yung dala kong Espresso at Ointment sa natitirang espasyo ng lamesa niya. Lumuhod ako sa tabihan niya para mapantayan ko siya. Nilagyan ko ng ointment yung mga nakikita kong sugat sa kanyang mukha at braso. Buti nalang hindi siya nagising.

Lagi ko itong ginagawa sa kanya noon. Nung una hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya iwan ang pagiging gangster at maging isang normal na estudyante matalino naman kasi siya pero sabi niya parte na daw iyon ng buhay niya.

Napunta ang atensyon ko sa talukap ng kanyang mga mata na nahaharangan ng kanyang buhok. Ang matangos niyang ilong at ang mapula't malambot niyang labi. Huh? Anong sabi ko? Inalog ko agad ang ulo ko. Ano ba itong naaalala ko. Pinagmasdan ko lang siyang matulog. Ang amo ng mukha niya. Napangiti nalang ako ng mapait kasi pinupuri ko pa rin yung taong umiwan sakin at nakakatanga kasi yung epekto niya sakin malakas pa din.

"Nasaktan mo ko pero hindi naman ibig sabihin nun wala na akong nararamdaman para sayo, Kung naririnig mo lang. Eto oh! Ganto lang ako kalapit sayo pero ang bilis ng tibok ng puso ko." bulong ko.

Tinanggal ko yung buhok na humaharang sa mata niya ng bigla niyang imulat yung mga mata niya. Ilang segundo o minuto ko atang pigil pigil ang paghinga ko sa gulat. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Yung utak ko nag hang, yung puso ko nagpatak ata sa pantog ko. Hinihintay ko siyang magsalita pero wala ni isa samin ang kumikibo. Tumayo na ako bigla at tumalikod.

"Salamat." Narinig kong sabi niya. Lumabas agad ako ng room. Kinapa ko agad ang nagwawala kong puso. Nakangiti din pala ako? At teka, Salamat daw? Posible kayang kanina pa siyang gising? Hindi baka nagkataon lang. Eh bat niya sasabihing salamat at bakit naman siya magtutulog tulugan? Ugh!

"Thea, ginagawa mo? Okay ka lang?" Sabi ng isa kong kaklase. Inuumpog ko kasi yung ulo ko sa pader.

"Ah oo, nagiisip lang ako." Tiningnan niya lang ako na parang nawi-weirduhan sakin. Inayos ko ang sarili ko at tinuloy na ang paglalakad ko. Hahanapin ko si Yen.

Loosing GripOnde histórias criam vida. Descubra agora