"hindi pwede. May iba tayong pupuntahan bukas."
Ee?
"saan naman?" tanong ko.
"basta. Malalaman mo rin." sagot niya.
"kainan din ba?" tanong ko ulit. Curios lang.
"alam mo ikaw? Ang dami mong dada eh noh! Bawal na magtanong tungkol sa date!" pagbabawal niya.
"okay. Pero pwede magtanong?"
"nagtatanong ka na." walang gana niyang tugon.
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa terminal ng jeep namin. Ihahatid niya raw ako hanggang bahay pero di na ako pumayag.
Sa huli ay napagdesisyunan na lang na ihatid ako hanggang sa terminal. Baka daw kasi gumana na naman ang pagka-clumsy ko kaya kailangan daw andon siya.
"bakit mo nga pala naisipang makipag date sa isang stranger sa loob ng isang buwan?" nagtatakang tanong ko.
"I find you interesting" mahina ngunit sapat na para marinig ko.
"anong sabi mo?" pag uulit ko. Baka kasi mali lang ang narinig ko.
"I find you weak kaya ganon." wika niya.
"aba't sinong weak? Ako?" asik ko sa kanya.
Iba kaya narinig ko. Hmpf!
Eh teka? Nagtataka ako eh!
"bakit pala sakin mo pa naisipang makipag date? Ang dami dami naman dyang iba." pagtataka ko.
"buti pala pinaalala mo yan. Dahil marami kang atraso sa akin." panimula niya.
"huh?" makahulugan kong tanong.
"unang atraso mo ay ang di mo pag tingin sa dinadaanan mo kaya nabunggo mo ako. Pangalawa naman ay ang pagtapon mo ng sabaw sakin. Pangatlo ay ang pag bunggo mo ulit sa akin sa libra---"
"tumigil ka nga! Anong pag bunggo? Hala! Hindi ba't nagkabungguan tayo nun?" angal ko pa.
"oo na! Oo na! At pang huli ay ang pagkakahulog ko sa hagdanan ng dahil ulit sa'yo." dugtong pa niya.
"kaya pala. So bakit ako nga?" tanong kong muli.
"ang kulit mo rin eh noh. Aish!" inis niyang sambit.
"kasi nga asdfghjkl"
"huh?"
"wala! Sayo na narinig mo."
Bwisit na lalaki! Hmpf!
"ang kupad mo naman mag lakad" sita niya.
"wow naman! Nakakahiya sa'yo!" sarkastiko kong sambit at saka siya sinimangutan.
"haha! Joke lang Soledad."
Teka? Tinawag niya ako sa pangalan ko? Parang di ko naman natatandaan na sinabi ko ang napakaganda kong pangalan sa kanya.
"paano mo nalaman ang pangalan ko? Sa pagkaka-alam ko, ni hindi binanggit ng dila ko ang pangalan ko." sagot ko.
"malamang, dila ko ang may sabi diba?" sabay ngisi.
→_→ ako
^ω^ siya
"tanga! Joke 'yun! Psh!"
"joke pala 'yun? Wala naman kasing ka sense sense!" sabay busangot ko.
"kasi humor lang meron." ^o^
Ako - (Glare)
Siya - (grinning)
"Dito na ba ang terminal niyo ng jeep?"
"ahh.--- oo!" tango ko.
"sige. Alis na ako. Gabi na rin kasi." paalam niya.
"sige ingat Santiago!" sabay kaway ko.
"teka Soled---"
"Sol na lang." putol ko.
"ah sige Sol. Ito pala yung perang napag usapan natin." sabay abot ng pera sakin.
Tinitigan ko muna. Medyo naiilang ako dahil mukha akong kukuha ng suhol.
"a-aahh e-eehh.. S-salamat dito." sabay tungo. Nahihiya kasi ako, dito pa talaga niya inabot. Psh!
Kahit kailan talaga 'tong si Santi! Paminsan minsan boplakss!
"sige tuloy na ako." paalam niya.
"sige ingat ka!" paalam kong muli bago sumakay ng jeep.
Pag uwi ko ng bahay ay agad akong sumalampak sa higaan. Grabe! Pagod na pagod ako.
"saan naman kaya kami pupunta bukas ng Santi na 'yon?" tanong ko sa sarili.
Nagpalit na ako ng damit pantulog para mas komportable ako.
humiga na ako at hinayaan ang sarili kong damhin ang antok na kanina pa nag aayang matulog.
A/N: sana nagugustuhan ninyo. Please vote and comment. Tatanggapin ko lahat, pati mga suggestion niyo. No foul words lang at rated super SPG. hihi! :) <3
ESTÁS LEYENDO
My 31 Dates With Him
De Todo31 dates ang hinihinging kapalit ni Santi para sa ginawang pamamahiya sa kanya ni Soledad-- ang babaeng ipinaglihi yata dahil sobrang clumsy. Well parusa niya yun at sisiguraduhin niyang puro kamalasan din ang aabutin nito sa kanya. pero kamalasan n...
Chapter 5 - Initial date
Comenzar desde el principio
