Chapter 5 - Initial date

25 2 0
                                        

March 10, 2017

Nagpunta na kami sa lugar kung saan kami mag de-date.

Tama ba 'tong nakikita ko? O nananaginip lang ako?

Nandito kasi kami ngayon sa bulaluhan.

Mamita's Bulaluhan. *O*

nakaramdam ako ng excitement at gutom dahil  sa wakas ay makakakain na rin ako dito.

Kadalasan kasi ulam na bulalo ang inuuwi ni papa para samin, kaya never pa akong nakakain sa mismong bulaluhan.

nakita kong yamot na yamot ang mukha ni Santi ng mapabaling sa direksyon niya ang paningin ko.

Eh, parang kanina lang ang lapad ng ngiti niya, pssh!

"Is there any problem?" panunudyo ko. At tinularan ang pang e-english niya

"are you mimicking me?" inis niyang tanong.

"hindi noh." at saka palihim na ngumiti.

Marahil ay iniisip niya na mas gusto kong kumain sa mga fancy at luxurious na restaurant pero nagkamali siya.

"naungusan ko na naman siya." mahina kong sambit sabay hagikhik.

"may sinasabi ka ba?" naiinis na siya.

"wala noh. Ikaw kung ano ano naririnig mo. Tara na nga sa bulaluhan, panigurado masarap ang mga nakahain dyan."

"masarap talaga." at hinigit ang kamay ko. Tila ba tumulay sa mga ugat ko ang boltahe ng Meralco dahil pakiramdam ko nakuryente ako.

Nagtungo na nga kami sa bulaluhan. Malaki ang lugar pero makikita ang kalumaan nito.

"dito kita dinala sa pag aakalang mag rereklamo ka, pero nagkamali ako." wika niya.

"luh? Adik ka ba? Pinapangarap ko ngang makakain dito eh. Dahil kadalasan uwing ulam lang ang natitikman ko." saad ko.

Tumungo tungo naman siya na animo'y naniniwala.

"madalas kasi kami dito ni mommy. Alam mo na, probinsyana always a probinsyana kaya di ako magtataka kung ayaw niya sa mga fancy na restaurant."

Ah. Kaya pala, probinsyana pala mudrabells niya.

"uhm-- baka pwede na tayong umupo Santi, hehe!" untag ko sa kanya.

"ah-- oo naman." saka ngumiti.

Umupo kami sa pandalawahang tao lang kaya naman magkaharap kami.

Ngawit na ang mga paa ko kanina eh, kung di ko pa sinabi kay Santi na umupo na ay wala pa yata siyang balak na umupo.

Um-order kami ng tig-isang bulalo with mami

Dahil sa sobrang excited ko, humigop ako ng sabaw ng hindi man lang iniihipan, kaya ang labas? Paso ang dila ko!

"aaww!" hiyaw ko sabay luwa ng sabaw.

"what's wrong?" tanong niya.

"mainit pala 'tong bulalo!" reklamo ko.

"malamang! Anong inaakala mo na naman? Kasing lamig ng yelo?" irita niyang tanong.

"pasensya haa?! Pasensya na! Excited lang!" at saka siya inirapan. Ka bwisit eh!

Madali kaming natapos sa pagkain kaya naman uuwi na kami.

"Sobrang sarap ng bulalo grabe!" sabay talon.

"tssk!" he smirked.

"doon ulit tayo bukas Santi." aya ko.

My 31 Dates With HimWhere stories live. Discover now