Nagulat ako, ano ba siya, vampire? "Bampira ka?!" sabi ko.

"Yes, I'm a vampire, kaya kung ayaw mong tagpasin ko iyang ulo mo pataas, sundin mo ako." sabi niya.

"O-oo na!" sabi ko.

Dinala ko siya sa bahay ko, at tinignan ko siya, ang hot niyang tingnan kapag maliwanag. Pinasuot ko muna siya ng malaki kong t-shirt na dapat pantulog ko, at kasya ito sakaniya.

"Ako ang matutulog dito?" sabi niya.

"Do'n ka sa sofa." sabi ko at pinilit ngumiti.

Tumingin siya ro'n atsaka ako sinamaan ng tingin, "Malawak ang kama ko kaya hindi ako sanay matulog do'n." sabi ko.

"What!" sabi ko.

"Sinisigawan mo ba ako?" sabi niya.

"Hindi po!" sabi ko.

"Diba bampira ka, bakit ka natutulog ng gabi?" sabi ko.

"Nasa mundo ako ng mga tao, malamang ay kung ano ang stilo niyo kung paano mabuhay ay malamang magiging gano'n rin ako, pero ang pagkain ko ay hindi magbabago." sabi niya.

Tumango tango ako at ngumiti sakaniya, "Ano pala pangalan mo?" sabi ko.

"Hindi ko maalala, wala akong maalala sa mundo ko, kung sino ako." sabi niya.

"Gagawan nalang kita! para may tawag na ako sa'yo." sabi ko.

Kaya napaupo siya ulit at tiningnan ako, mukhang inaabangan niya ang sasabihin ko.

"Darryll nalang! Daryll Martin." sabi ko.


Tumingin lang siya at humiga na, pinatay ko na ang ilaw at dumiretso sa small table ko para mag-aral.

Sana bukas wala na itong letseng bampirang ito, nakakainis siya pa itong natulog sa kama, wala man lang respeto sa babae!

Hindi ba siya natatakot sa bangs ko, 'yon lang, hindi masyado umbok ang boobs ko, kainis bakit kasi ganito siya? Pinag vavitamins ko naman eh, hindi parin lumalaki ang boobs ko.

Nilingon ko siya at napatalon ako nang nakadapa siya at nakatingin sa ginagawa ko.


"I can read your mind, when it's silent." sabi niya.

Nagulat ako dahil tumingin siya sa dibdib ko, "Uhmm yeah, it's flat." sabi niya at humiga na ulit.

Bastos aba! Nanlait pa, ako na nga itong pinatulog siya sa kama ko sinabihan pa ako ng flat!

-

Pagka-gising ko, nakatulog pala ako sa table ko, nagunat unat ako at tumayo upang magtooth brush.

Hindi pa ako masyado gising kaya nakapikit pa ng bahagya ang mga mata ko habang nagtooth brush.


"What are you doing?"


Napatalon ako sa gulat nang nagsalita si Darryll sa gilid ko, oo nga pala may bampira pala akong kasama rito!


"Bakit hindi ba kayo nagtotoothbrush?" sabi ko.


"No, why are you using you finger to brush your teeth?" sabi niya kaya napatingin ako sa daliri ko.

Kainis.


"Tss, flat na nga, tanga pa." sabi niya at tiningnan ako bago bumalik sa maliit kong sala.


Masunog ka sana sa araw! Hmmmp

____

Living With a Vampire | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon