Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni Papa at niyakap. I really hope he would resign and just enjoy life. I'll take care of the bills so he doesn't have to think of anything but living his best life.

"Pa, sa December ha..."

"Napano?"

"Magresign ka na." Saad ko.

"Tignan natin..."

"Papa naman eh! Bahala ka. Magta-tantrums ako kapag hindi ka nag-resign!" I pouted.

"Magpahinga ka na dun at wag mo munang masyadong isipin yung trabaho ko. Malakas pa naman ako, eh. Alalahanin mo yang sarili mo. Baka pumayat ka na niyan."

"Tss."

Mukhang ayaw niya pa talagang tumigil sa trabaho. Hinayaan ko nalang muna at pumasok na ako sa kwarto para magpahinga.

Kinabukasan, while I was having lunch with Rolan and Jenna, they began roasting me again about Treble.

Kung hindi ko daw ba namimiss....

Kung sasagutin ko na daw ba pagbalik...

At kung ano ano pa.

Minsan hindi ko na rin alam kung blessing bang maituturing na nagkaroon ako ng mga kaibigan o sumpa eh.

I dodged the questions as much as I could until Jenna dropped a heavy question and Rolan's answer came in like a wrecking ball.

"Bakit hindi na kumakanta si Treble?" Jenna asked. It was the same question I asked before.

"Two years ago kasi, nag-mini concert 'yan siya sa Bulacan." Rolan answered. "Tapos—"

"Teka," Jenna interrupted him. "Bago mo ikwento, legit ba 'yan? Sa'n mo nalaman?"

"May pinsan ako na doon nag-aaral sa Bulacan. Kung saan nag-perform si Treble. Foundation day yata nila nu'n kaya nag-invite ng guests." Ani Rolan. "Ang kwento, pagkatapos daw ng performance ay nakapila itong pinsan ko sa labas ng dressing room ni Treble para magpa-picture along with some other students nang biglang pinatigil muna ng ushers yung photo op and autograph signing dahil may nirequest daw itong si Treble na babae na pumasok sa dressing room."

"Oh em! Sino itong babae?" Tanong ni Jenna.

Tumayo ang mga balahibo ko. That was me. I can't be wrong. They're talking about me.

"Ito daw yung babae na hinarana niya sa stage during his performance. Tapos may lalake daw na nagpumilit na mag-intrude du'n sa dressing room and guess what he saw!!!"

Gusto kong maglaho o di kaya'y lamunin ng lupa. Ako 'yung pinag-uusapan niyo, uy!

"Ano??" Excited na tanong ni Jenna.

"Hinalikan daw ni Treble yung girl!!! And guess what, the intruder was the girl's boyfriend! In short, nahuli nung jowa si girl habang ka-kissing scene si Treble!!!"

"Guys, CR lang ako..." Paalam ko pero pinigilan ako ni Rolan.

"Wait lang, Denz, di mo pa naririnig yung important part!"

Meron pa? Tangina naman oh...

"The girl chased her boyfriend after giving Treble a painful slap on the cheek." Rolan continued. "But after she left that dressing room, Treble began to cough and he was coughing out blood! Nakita nung pinsan ko nung dinala na si Treble palabas ng room."

I stilled, unable to accept what I just heard. There's no way...

"Tapos anong nangyari?" Tanong ni Jenna.

"Dinala siya sa ospital and though they didn't divulge kung ano ang sakit niya, I'm guessing it was the reason why he quit singing."

"Naiihi na ako, guys..." Singit ko para makaalis muna sana at ma-proseso man lang ng utak ko ang narinig.

"Sandali lang!" Rolan stopped me again. "May karugtong pa!"

"Meron pa?" Nanghihina kong tanong.

"Oo. Sabi ng pinsan ko, ilang buwan daw pagkatapos nu'n ay nakita niyang bumabalik balik si Treble sa school nila. Hinahanap niya yung girl. Parang hindi makalimutan, ganu'n..."

Takte naman...

"Kaso yung girl din daw hindi na pumasok after ng foundation day." Rolan went on. Para akong lantang gulay na binagsak ang sarili sa upuan. How would my friends react when they find out that the girl in the story was me?

I started to tear up.

So I guess he wasn't lying when he said he looked for me after what happened. Even when he was probably under recovery, he went to look for me. Again and again.

Damn it.

"Denzel, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jenna.

No, I'm not. How can I be okay?

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nila.

"I'm just..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil napaluha na naman ako. I'm just so sorry, Treb. I thought I was the only one who suffered. I'm really, terribly sorry...

My Extra Large Girl [Completed]Where stories live. Discover now