I love my Best Friend
Empress_Cath @ 2012
INTRODUCTION
"I am so sorry, Nikko. Late na naman ako."
I smiled. Tumayo ako at humalik sa pisngi ng kararating lang na si Tanya.
"Ano ba 'yan?! Huwag kang bumeso, pawis na pawis ako o!" aniya.
You're beautiful.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at inabot ko sa kanya.
"Thank you."
Pinagmasdan ko lang siya habang inaayos ang sarili niya. Sinuklay niya ang buhok niya na nagulo siguro dahil sa hangin sa labas, pinunas ang pawis sa mukha at saka naglagay siya ng konting make-up. Gusto kong sabihin na sobrang ganda niya pero hindi ko magawa.
"Kanina ka pa rito? Sorry talaga, sobrang traffic. Bumaba na ako sa kabilang street dahil hindi talaga nagalaw ang mga sasakyan."
"Okay lang."
Kayang-kaya kong maghintay. Hihintayin kita.
"Dahil late ako, ako nalang ang taya. Okay ba?"
"Ako na," sagot ko. "Ano bang gusto mo?"
Lumingon si Tanya sa gawi ng counter. "My favorite. Alam mo na 'yon," aniya at saka kumindat pa.
"Okay. Just wait here."
Pumunta ako sa counter at nag-order ng kakainin namin. Habang naghihintay, napatingin ako sa gawi ni Tanya. She's still putting some make up on her face. Inaayos niya rin ulit ang buhok niya.
Tanya is not a typical college girl. Katulad nga ng palagi niyang sinasabi, 'I'm maarte and I hate being pangit sa harap ng maraming tao'. Dahil paulit-ulit niyang sinasabi 'yun, halos magaya ko na kung paano niya banggitin ang mga linyang 'yun.
"Thank you for waiting. Here's your order, Sir. Enjoy!" nakangiting sabi ng babae at ngumiti naman ako pabalik.
"Tama na ang pag-aayos, Tanya. Let's eat," sabi ko.
"Ang pangit ko na," aniya habang nakatingin pa rin sa salamin niya.
You're not.
"Kumain ka na."
Tanya is my long-time friend—best friend. Grade 5 nang una kaming magkakilala. We're both transferee noon at pareho kaming walang kaibigan. Dahil palagi ko siyang nakikitang mag-isa noon, ako na ang lumapit sa kanya at eventually, naging magkaibigan kami. Naging kasangga namin isa't-isa. Mula grade school hanggang ngayon na second year na kami sa college ay magkapareho kami ng school. Mula noon, hindi na kami naghiwalay. Walang nagbago sa friendship pero ang isang nagbago, nahulog ako sa kanya. Yes, I fell in love. Hindi ko alam kung paano basta isang araw nalang naramdaman ko nang siya ang gusto kong makasama habang-buhay. Sounds corny pero totoo, I want her to be my girlfriend.
"Hey, Nikko! Nakikinig ka ba?"
"What?" tanong ko. Masiyado na akong nag-iisip na nakalimutan ko nang kasama ko si Tanya.
"Lutang ka na naman. Are you in love?" tanong niya.
Oo. Sa 'yo.
"In love. Bullshit. Ano ba 'yung sinasabi mo."
"I said, malapit na ang sports fest sa university. Gusto ko ulit sumali sa pageant."
"Sumali ka na last year, Tanya."
"So? Ano naman kung sumali na ako?"
"You won, Tanya. Nanalo ka na kaya bakit ka pa sasali?"
Umirap siya. "Duh! Obvious ba? I want to protect the crown. Ayokong makuha ng iba."
"What if matalo ka?"
Muli, umirap na naman siya. "Sa tingin mo ba matatalo ako?" aniya at saka hinawi hawi ang buhok niya. "Ano Nikko? Matatalo ako?"
Hindi lang siya maganda, confident din siya sa sarili niya. Isang dahilan kung bakit lalo ko pa siyang nagugustuhan.
"You don't need that crown, Tanya. Kilala ka na sa school. With or without that crown, your popular. Not just being maganda but because your smart and talented."
"Sus! Pinapalaki mo naman ang ulo ko. Okay, hindi na ako sasali."
Matapos kumain ay nagsimula na kaming mag-aral. Every Saturday, nandito kami sa coffee shop para mag-aral. Nasa study routine na namin ito ni Tanya mula pa noong High School kami. Matalino siya at inaamin ko na hindi ako ganoon kasipag mag-aral noon but because of her, sa kagustuhan ko na hindi mapahiya sa kanya, nagsipag ako sa pag-aaral.
"Nikko, matanong ko lang, okay ba 'yung course mo?"
"What do you mean?"
"Naisip ko lang na Business Management is not enjoyable anymore. Baka pwede ako sa BS Bio?"
Pinitik ko siya sa noo. "Huwag mo ng isiping lumipat ng course."
"Masakit yung pitik mo ha!" aniya. I smiled at saka inilapit ang mukha ko sa kanya. Nakita ko naman siyang ngumiti at saka niya pinitik ang noo ko. "Okay, happy na me!" sabi niya.
Kasalanan ba na magustuhan at mahalin ko siya—si Tanya? Masama ba na magustuhan ko ang best friend ko? Hindi ko na alam ang tama at mali pagdating sa nararamdaman ko. Alam kong may magbabago sa amin kapag nalaman niyang gusto ko siya. Ayokong masira ang friendship na meron kami. Ayokong lumayo siya sa akin. 'Di bale ng masaktan ako. 'Di bale nang mahirapan akong itago ang nararamdaman ko, kaysa naman mawala siya, mas masakit at mas mahirap 'yon. Hindi ko kaya.
-----------------------------
Author's Note: ILMB is back. Edited version. Enjoy reading!!! Mw
![I love my BEST FRIEND [Editing]](https://img.wattpad.com/cover/1592793-64-k136395.jpg)