"Nasaan na si Thirdy?" Kiefer asked her.

"I'm here Manong." Si thirdy na nakangiti ng nakakaloka sa akin. Napakunot noo ako sa kanya pero hindi na lang siya pinansin. Kiefer asked him to get some plates dahil kakain na daw kami.

"Babe parang masyadong marami naman apat lang tayo ah." Sabi ko paglapit sa kanya. Kiefer marinated a porkchop tapos nag-ihaw din siya ng bangus. Kanina nagluto din ako ng adobo.

"It's okay Babe. Kaya natin yan ubusin. Maniwala ka sa akin." Sabi niya at nilagyan na ang plato ko ng pagkain. Kung kanina nagtatalo si Bea at Thirdy ngayon naman sweet na sweet na sila. Talaga tong dalawa na to.

"Sayang wala si Danielle malamang nauna na yon kumuha ng ulam. Napakatakaw pa naman non." Sabi ni Thirdy.

"Kaya kayo laging nag-aaway ni Dani eh lagi mo siyang binubully." Kiefer said tapos sinubuan niya ako.

"Aww. Manong so sweet." Bea said. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Anyways Manong since mukhang wala naman yung gamit ni Ate Ly doon sa isang kwarto so nag-assume na ako na magkatabi kayo at magkatabi kami ni Bea."  thirdy said.

"Yes! Hindi na ako sanay na hindi kami magkatabi ng ate mo. Pero kung hindi sanay si Bea pwede naman silang magtabi dalawa." Kiefer answered.

Pare-pareho kaming napatingin kay Bea na patuloy lang sa pagkain. Maya maya lang humagalpak ng tawa si Thirdy. "Manong don't mind Bea. Gustong gusto niya pa ngang tabi kaming matulog eh. Kaya no problem sakanya yon. Baka nga kapag nagtabi pa sila ni Ate Ly magkaroon ng problema eh." Paliwanag ni thirdy.

"Baliw ka talaga Thirds kaya kayo nag-aaway ni Bea eh. Masyado kang mapang-asar." Sabi ko.

Nagpahinga muna kami after namin maglunch at nakipaglaro sila Kiefer  sa mga bata dito.

"Ate Alyssa. Ate Alyssa." Si Boknoy at may kasama siyang babae. Tumayo naman ako at sinalubong sila.

"Bok? Wala ka yata kahapon ah." Sabi ko at ngumiti sa kasama niyang batang babae.

"Ah, ate nasa bayan po ako sinamahan ko siya." Sabi niya at tinuro ang katabi niya na nakangiti sa akin. "Ate ito po si Tinay, siya yung babaeng sinasabi ko sa inyo nung dumating kayo dito. Tinay si Ate Alyssa ang kasintahan ni Manong Kiefer."

Kumaway siya sa akin at ngumiti naman ako. "Tinay mabait yan si Ate Alyssa. Huwag ka ng mahiya."

"Bok, maganda pala talaga siya at ang tangkad tangkad niya." Bulong ni Tinay.

"Hello Tinay. Ako si Ate Alyssa. Kinukwento ka palagi sa akin ni Boknoy. Buti nagkita na tayo dito." sabi ko hinawakan ang kamay niya at naglakad kami palapit kila Kiefer. "Bok kumain na ba kayo?" I asked him.

"Ha.. Ah.. Opo Ate Ly kanina po." Sabi niya at umiwas ng tingin. Kilala ko tong bata na to alam ko din na nahihiya lang siya.

"Tara samahan niyo ako." sabi ko pumasok kami sa loob at naghain ako ng kakainin nila.

"Hala ate okay lang po kami. Nakakain na po kami." Sabi niya pero ngumiti lang ako at sinamahan na sila dito.

"Kapag hindi kayo kumain magtatampo ako." Sabi ko at nagsimula na silang kumain dalawa.

"Ate Ly did you see my lotion? Kanina ko pa hinahanap eh." Si Bea at nginitian ang mga bata. "Hello kids." Sabi niya.

"Bei ito si Boknoy at si Tinay. Si Ate Bea niyo ang kasintahan ng Kuya Thirdy niyo." Sabi ko.

"Ate ang deep naman masyado ng tagalog na yon. Hello kids kain lang kayo ha." Sabi niya at tumabi ng upo sa akin.

"Yung bag na may laman na mga lotion?" I asked Bea tumango naman siya sa akin. "Nilagay ko doon sa kwarto namin paano kasi nakita ko na lang doon sa labas. Ikaw talaga gamit mo hindi mo itabi." Sermon ko sa kanya.

The Beauty in You (COMPLETED)Where stories live. Discover now