Caput 1

443 12 41
                                    

*The Hierarchy *

-----

Inisang lagok ng babaeng nakasuot ng itim na contact lense ang kanyang hawak-hawak na cocktail. Para siyang ihing-ihi na hindi mo mawari habang inikot pakaliwa at pakanan ang ulo, tila ba may hinahanap ito.

"Agent Black . . . "

Napalingon ang babae sa tumawag sa kanya, nanlaki ang kanyang mata saka mabilis na inilagay sa tray ng dumadaang serbedora ang kanyang hawak na baso. "He . . . hehe! Agent Red!"

Ang babaeng may suot na pulang contact lense naman ay napailing na lang, "Agent Black. We shouldn't be drink—"

"Kinakabahan ako!" pag-amin ng babaeng may alyas na Agent Black. "B-baka kasi . . . dumating sila." pabulong lamang ang kanyang pagkakabigkas sa huling dalawang salita.

Ang babaeng kanina'y tinawag na Agent Red naman ay umarko ang kilay, magsasalita na sana siya nang biglang may tumakip sa kanyang dalawang mga mata. Sa pagkakaalam niya ay iisang tao lang gagawa nito. "Agent Violet." walang kaemo-emosyong saad niya.

Nakangising kinurot ng babaeng may suot na lilang contact lense si Agent Red. "Come on girls! Let's party! Umuulan ng gwapo ngayong gabi!"

Nagkatinginan sina Agent Red at Agent Black, iniisip nila kung gaano ka-party freak si Agent Violet. Wala na silang nagawa na dalawa nang hilahin sila nito papunta sa kung saan.

"Ladies nakikita niyo ang naka-itim na iyon?" sabay turo ni Agent Violet sa may kanan, "Siya na raw ang bagong lider ng Detective Rangers! Gosh. Ang gwapo no?"

"Ok lang." walang ka-amor amor na pahayag ni Agent Red.

"Mas pogi pa rin si Oasis.", bulong naman ni Agent Black.

"And that girl over there." turo ni Agent Violet sa kaliwa, "Umalis na siya sa Sassy Sossy Agents because gusto na niyang magpakasal. Like OMG. Inuna niya ang boylet niya kesa sa kanyang agent career."

Nagsalubong ang kilay ni Agent Red, "Eh anong ginagawa niya rito?"

"She's here as a guest."

Tila ba nagningning ang mga mata ni Agent Black habang nakatitig sa babaeng tinuro ni Agent Violet, "Love conquers all." natigilan ang dalaga nang maramdaman niya ang nang-uuyam na tingin ng dalawa, "What? A hopeless romantic here."

Vindicte GratiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon