"Agent Red, Black, Violet! Over here!"

Nakangiting lumapit ang tatlo kay Agent Gray, isang babaeng may suot na abong contact lense.

"Where have you been?" tanong ng babaeng may alyas na Agent Gray.

"Handsome hunting." sagot ni Agent Violet saka kumindat sa isang lalaking agent na nakatitig sa kanya.

"Sila lang." inosenteng tinuro ni Agent Black sina Agent Red at Agent Violet.

Agent Red almost rolled her eyes, "Siya lang." sabay turo kay Agent Violet.

"Seriously Agent Red? Why so serious?"

Ang kaninang nakapoker face na mukha ni Agent Red ay napalitan ng isang duck face, "Bakit ba? Bawal ba maging cool paminsan?"

"Mas bagay sa'yo maging cute." saad ni Agent Black.

"Agree." pahayag din ni Agent Violet at nakipag-hi five pa kay Agent Black.

Natatawa na lang si Agent Gray sa kakulitan ng tatlo saka inilibot ang kanyang paningin sa buong venue. Kasalukuyan kasi silang nasa Annual Agents Hierarchy Ceremony, isa itong taunang pagtitipon-tipon ng mga Secret Agents Organization. At sa araw din na ito kinikilala ang nangungunang tatlong organisasyon. "Sa tingin niyo darating sila?" out of the blue na tanong ng dalaga.

"Hindi."

Napalingon ang apat na dalaga sa nagsalita, si Agent Plum.

"Where's your guitar?" tanong ni Agent Gray. Himala kasing wala itong dalang gitara.

"May naputol na string." sagot ni Agent Plum kay Agent Gray, "And as usual, hindi na naman sila pupunta." taon-taon kasing hindi nagpapakita sa naturang piging ang nangunguna sa Hierarchy. Kaya iniisip niya na malamang, hindi na naman dadalo ang mga ito sa gabing ito.

"Hindi magkakapareho ang araw Agent Plum. Who knows?"

"Oh Agent Black, ipapa-OLX.com ko ang gitara ko kapag dumating sila."

"Ok! Ipapa-ayosdito.ph ko rin ang tatlo kong tablet na puno ng Android Games kapag hindi sila dumating!" pagmamalaki ni Agent Black.

"At ibebenta ko sa ebay ang puting contact lense ko kapag hindi sila dumating."

Napalingon ang limang dilag sa huling nagsalita. Si  Agent White.

"Yay! Me and storm! 2 versus 1." kumapit pa sa braso ni Agent White ang hyper na si Agent Black.

Vindicte GratiaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin