Chapter 32

104K 2.6K 191
                                    

Chapter 32
Kinakabahan at Nagtatampo


"Opo ma uuwi kami ng maaga," katawagan ko si mama sa cellphone habang nasa bahay kami nila Ruru.

Alas singko na nang hapon at nagluluto siya ng tinolang manok. Ako naman ay nasa sofa at tumatawag kay mama.Hindi na ako pinauwi ni Ruru sa bahay.Dito nalang daw ako magbibihis at may mga dress pa naman daw siyang hindi pa naisusuot.

"Sino pa ba ang kasama niyo? si Damon?" Tanong ni mama. Nasa trabaho pa daw siya at alas otso pa nang gabi ang uwi niya.

Huminga ako ng malalim. Speaking of Damon, walang text kahit tawag.' Ganon din ako hindi ako nagtitext or tawag sa kanya. Nagsawa na yata siya sa kakatawag sa akin.

"Hindi ma nasa ibang bansa e.."

"Okay pero magpaalam ka anak. Boyfriend mo iyon dapat alam niya."

"Opo ma." but honestly , wala akong balak ipaalam. Bahala na.

"Zand! Halika na! Luto na!" Sigaw ni Ruru galing kusina. Napatayo ako at tinungo ang kusina. Langhap ko na agad ang mabangong amoy ng tinola. Nakakagutom!

"Wow! ang sarap naman niyan.."

Ngumisi si Ruru. "Ako pa!" Tinulungan ko siyang ihanda ang pinggan at kubyertos.

Habang kumakain ay nagtitext ito. Ewan ko , sa tingin ko kasi dapat ko nga itong bantayan mamaya. Masyado nang napapariwara itong si Ruru e. Gusto ko siyang pagsabihan para kahit siya ay matanto ang kamalian niya.

Pagkatapos naming kumain naghugas kami ng mga pinggan.Marami din kaming napag usapan tungkol sa aming pag graduate sa college kahit matagal pa iyon.

Gusto niya daw mag tayo nang sariling Fashion Botique niya,magbebenta daw siya ng mga trend clothes ,bags at cosmetics.

Pareho kaming nakatapis ng tuwalya habang basa ang buhok namin. Naghahalungkat kami sa kanyang walk in closet ng mga 'pwedeng isuot.

Nakakita ako ng jeans at puting t shirt dahil komportable ako dito. Wala naman akong balak magpaka lasing doo.Ang totoo ay babantayan ko itong malanding kaibigan ko. Inangat ko iyon at kukunin na sana..

"Ano yan?" pigil ni Ruru sa akin.

Napataas ang kilay ko. "Ito 'yong susuotin ko,bakit?"

Umirap siya at kinuha sa aking kamay iyon. "Hindi yan 'pwede! Bar ang pupuntahan natin Zands! Jusko!" naghalungkat ito sa closet niya at may inangat mula doon.

"Here." nakangisi siya.

A red tube dress na maikli. "Ayoko niyan!"

"Oh please! come on!" anito at hinagis sa akin iyon.Naku! kung hindi ko lang talaga kaibigan to.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakasuot na si Ruru ng black turtle neck dress. Nakaponitail ang buhok nito.

"Ayoko nang may kasamang lalaki Ruru ha?" Humalakhak ito habang binoblow dry yung buhok niya.

"Yes! Promise!"

"Good.."

Si Ruru ang nagmake up sa akin. Mild lang iyon at liptint lang sa aking labi. Habang siya ay dark red na matte lipstick.

Habang nasa biyahe ay kinakabahan ako. Siguro dahil sa ngayon lang ulit ako pumunta sa bar. Matagal na din kasi na hindi ako nakapag bar.

Nangunot ang noo ko nang lumagpas kami sa magkakasunod sunod na Twilite bar at Alcobar. Malapit lang sa University namin ang mga bar na napuntahan kona noon.

"Saan tayo?" binalingan ko si Ruru..

Ngumisi ito. "May bagong bar ngayon diba? Prime Nite! Hindi mo alam?"

"Hindi.."

Umiling ito. "Lapit ka sakin!picture tayo!" Aniya at tinutok ang camera ng cellphone niya sa amin.Ngumiti ako habang siya ay naka akbay sa akin at ngumiti din.

"Iuupload ko ito maganda ang kuha natin dito.."

Nang huminto ang taxi sa harap ng Prime Nite ay madami nang tao. Meron sa labas na naninigarilyo at may naglalampungan pa.May namataan akong bulto nang katawan ng lalaki na pamilyar.

Radleigh And Clinton naka upo sila sa nguso ng isang itim na sasakyan dito lamang sa labas ng bar mukhang nag uusap ng seryoso.

Pero nang tinapon ni Radleigh ang kanyang sigarilyo at natagpuan ang mata ko.. ay napangisi ito at sumipol.Napatingin din si Clinton dahil doon.

Siniko ako ni Ruru. "Si Rad at Clinton!"

Kinabahan ako ng sobra. 'Yung tipo na nakita ka mismo sa akto ng pag nanakaw! Ganon yung feelings ko!

Yumuko ako at tumingin sa kanila..nakita kong may tinawagan si Rad at hindi na sila nakatingin sakin kaya napahinga ako ng maluwag. Sana hindi nila ako namukhaan..

Pag'pasok namin ay naghehead bang na ang mga tao sa dance floor. Nakakita kami ng mga kaklase at pamilyar na mukha.Pumwesto kami ni Ruru sa pinakadulo at medyo tago na pwesto.

Sumalampak kaming dalawa sa pulang sofa na paikot sa mesang babasagin sa gitna.

"God! Ang saya!" pate siya nag heheadbang nadin at may sinenyas sa waiter.

"Anong sayo Zand?" Tanong nito.

"Uh tubig.." napangiwi siya sa sagot ko at binalingan ang waiter.

"Anim na smirrnoff at dalawang shotglass! Thank you!"

I gasped. "Ayokong uminom.."

"Iinom ka! Tig tatlo lang naman tayo!"

I cross my arms at humilig sa sofa. "Basta uuwi tayo agad."

"Oo! Pag nakasayaw na tayo?" Humalakhak ito habang medyo nag heheadbang.

"Fuck!" Nagulat ako ng napamura ito at saktong naglapag ng inumin nmin ang waiter.

"Bakt?" tanong ko.

"Nandito si Alex! What the heck!" Tinuro nito ang malapit na mesa sa amin at nakita kong mataman na nakatitig si Alex kay Ruru.Mas mabuti din na nandito si Alex para mahiya si Ruru na lumandi. Medyo napanatag ako.

Naubos kona ang dalawang bote ng smirrnof habang si Ruru ay nag dagdag pa nang tatlo sa kanya.Nakaramdam na ako nang init at hilo sa katawan.

"Lets go home.." Nakahilig lamang ako sa sofa at walang ganang minasdan ang dancefloor sa gitna.

May humihinto dito sa aming mesa para makipag kilala pero pinakitaan ko lamang iyon ng walang ka interesan.

"Sayaw muna tayo!" Tumayo ito at hinila lang ako kaya halos malaglag ang bote sa mesa ng masagi ko.

Oh my god! Ayokong sumayaw!

"Ru! Ikaw nalang!"

"No! samahan mo ako.." medyo pa ekis ekis na ang aming mga paa habang patungong dancefloor.

Sa huli ay naenjoy ko din sa dancefloor. Simple akong kumembot at nagheadbang ganon din si Ruru. Kapag napapansin niya na pinapaligiran na kami ng mga lalaki ay hinihila niya ako palayo sa kanila.

"Whooh!" Sigaw ni Ruru at tumalon talon.

Napahalakhak ako pero nagulat nang makita si Alex sa likod ni Ruru..
Sumayaw parin ako para hindi ako mahalata ni Ruru.Sayaw rin ito ng sayaw ng pinulupot ni Alex ang kanyang bisig sa katawan ni Ruru.

I saw how Ruru's face became paper white. Namutla ito at napahinto sa sayaw.May binulong sa kanya si Alex pero tinulak lamang siya ni Ruru.Parang nanonood ako ng lovers quarrel sa gitna ng dancefloor.

Tinignan naman ako ni Alex at ngumisi. Hindi sakin iyon dahil lumagpas iyon sa aking likod.

May humila sa aking baywang..Oh my...his smell.

"D-Damon?" Nang tignan ko si Ruru ay nawala na sila ni Alex.

"Alam mo bang gusto kitang parusahan ngayon? Alam mo bang galit na galit ako?" Sabi nito sa tainga ko at hinalik halikan ako doon.

Hindi ko na pinansin ang nakakatusok na tingin ng mga babae sa paligid dahil lunod na lunod ako sa presensya ni Damon..

Kinakabahan ako at nagtatampo.

MistakesWhere stories live. Discover now