Chapter 37 - Searching

9.8K 101 3
                                    

-----

Rey Jr.'s POV

Ilang araw na ring nawawala sina Alyssa at dennise. lahat nalulungkot na at may mga nawawalan na ng pag asa. pero ako hindi! alam kong isang araw, makikita namin uli si princess at makakasama, darating din yung araw na makikita na namin si dennise, at makikilala.

marami na rin ang nakikiramay at nananalangin para sa kanila. nag trend nga minsan yung #prayforAlyDen and etc. sobrang pinag uusapan talaga yun sa mga networking sites at pati sa media.

sana makita na namin sila. sana makasama na namin sila..

"kuya.. kuya" pag tawag sa akin ng isang bata

umupo ako at tinanong siya "hi, bakit? anong maitutulong ko sayo?"

"please find tita dennise and tita aly. I wanted to see them again together, I really miss them" sabi nung batang nakikiusap at umiiyak na

"hala bata.. okay ka lang? oo sige. hahanapin ko sila. pero sino kaba?" tanong ko habang pinapatahan ko yung bata

"ako po si sherwel, tita ko po si tita den" sabi niya habang nakasandal sa lap ko.

"ahhh. kaya pala.. oo sige, wag kang mag alala, mahahanap na namin sina tita den mo at si tita aly" pag papagaan ko ng loob kay sherwel

"talaga po kuya? kaylan ko po uli sila makikita?" tanong niya habang nag pupunas ng luha

"basta malapit na" sagot ko

"sherwel!" sigaw ng isang babae..

si.. si Dannica? o_O

"mommy!" sigaw ni sherwel tapos tumakbo papunta kay dannica

teka! mommy?! o_O

"junior?" tanong ni dannica na napahinto pa sa pagbuhat kay sherwel.

ano ba to?! bat andito siya? bakit may anak na siya? teka! ang gulo!

"anak mo?" tanong ko

"ahh eto. oo, anak ko" sabi niya ng makarga na niya si sherwel

"teka. pano? kasal ka na?" gulat kong tanong

"oo nama..." ... "Dannica!" sigaw ng isang lalake.

pareho naman kaming napatingin duon.

"uyyy pare! long time no see ah!" sigaw ni angelo

"daddy!" sigaw uli ni sherwel tas nagpakarga kay angelo

"daddy?" agad kong tanong..

"oo pre. anak namin ni dannica" pagmamalaki niya

"ahh. c-congrats pre. bat di niyo manlang ako imimbita nung kasal niyo?" ako

"wala kasi kaming contact mo. di namin alam kung san ka hahagilapin. ikaw nga sana gagawin kong bestman eh" pag papaliwanag niya

"nakakainis naman kayo eh! bestfriend ko kayong dalawa tapos sa kasal niyo hindi niyo manlang ako inimbita?!" tampo kong sabi sa kanila

"hahaha. sorry na pre!" tawang sagot ni angelo. kahit kelan talaga -___-

"tapos etong unang anak niyo di din ako ninong? nakakatampo kayong dalawa ha!" pag tatampo ko uli.

tapos nagtawanan kami. sila kasi ang bestfriend ko sa palawan, sila yung lagi kong kasama pag nag biBeach at sa mga kalokohan. may resthouse kasi kami sa palawan, at dun din ang fav. rest house namin kasi sobrang ganda sa lugar na yon. kapitbahay namin sina angelo duon at si dannica. si angelo dun na talaga nakatira, pero itong si dannica, ang alam ko rest house lang din nila yung sa palawan. at taga makati siya..

The Reality - AlyDen FanFictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon