“Aminin mo na kasing konti na lang ay main-love ka na sa akin, Sinta ko.”

“Barbie.” Pagtatama nito.

“Sinta.”

“Whatever!” Hindi na nakipag-argue si Elvin.  Malapit na kasi sila sa kanilang destinasyon. Nagsisimula ng kabahan si Elvin. Ano ang magiging reaction ng kanyang Mamang at Papang? Mga kapatid niya, at si Kathryn, ano kaya ang magiging impression nito sa kanyang mga magulang.

“Kinakabahan ka ano?”  Nakita niya kasing biglang nagseryoso si Elvin. Papasok na sila sa Toril.

“Yeah. I hope everything will be alright.”

“I’m sure it will. Wala ka namang itinago sa mga magulang mo, hindi ba?”

“Wala nga, kaso, I didn’t tell them that we will do the pamanhikan ASAP.”

“Come what may na lang, Sinta.”

*******************

Kinakabahang ipinakilala ni Elvin si Kathryn sa mga magulang niya.

“Mang, Pang, this is Kathryn Piamonte, fiancée ko po.”

Nakaplaster naman ang ngiti ni Kathryn. Nagmano siya sa mga magulang ng kanyang Sinta. “Nice meeting you po, Mang, Pang.”

Pak! Maka Mang at Pang naman itong Kathryn na to! Uber feeling close. Ngumiti na lamang si Elvin..

“Sigurado ka bang girlfriend mo ito?” Hindi makapaniwalang tanong ng Papang ni Elvin.

“Opo. Kaya nga po pala kami narito, kasi po..

“Ako na, Sinta ko.” Putol niya sa sasabihin ng dalaga. “Mang, Pang, mamanhikan po pala tayo sa kanila. Nakausap ko po ang mga magulang ni Kathryn kanina at nakapangako akong pupunta tayo sa bahay nila.”

“Ano! Bakit naman ganun kabilis?” Tanong ng Mamang niya.

“Mang, hayaan mo na, kahit pa mamaya yang pamamanhian na yan, gagawin natin, basta ba mag-aasawa ng babae ang anak mo.”

“Pang.” Tinignan ng Mamang niya ng masama ang Papang niya. Naintindihan naman iyon ni Kathryn.

“Naku! Okay lang po yun, Mamang, alam ko po ang lahat ng tungkol sa Sinta ko, at tanggap ko po siya. Mahal na mahal ko po si Elvin at kaya kong tanggapin kung sino talaga siya.”

Aw! Ang sweet talaga ni Kathryn. Kung sana kaya niya lamang suklian ang pagmamahal nito sa kanya.

“Salamat, anak. Pero, hindi ba masyadong mabilis ang lahat? I mean, kakauwi lamang ng anak ko. Kailan ba kayo nagkakilala?” Tanong ng Papang niya.

“Matagal na po kaming magkakilala ni Elvin, Pang. Kaibigan po kasi ako ni Candice Manlotoc.” Career to the max na talaga ang Mang and Pang niya, feeling anak na talaga siya ng mga magulang ni Elvin Sinta.

“Candice Manlotoc, siya ba yung pinakilala mong nobya mo sa Mati, Elvin?” Tanong ng Mamang niya.

“Mang, hindi na natin dapat pag-usapan ang mga nakaraan ng ating anak.”

“Oo nga, basta mag-aasawa si Elvin ng babae ay okay na.”

Bakit ba laging ene-emphasize ng mga magulang niya ang salitang babae?

“Sandali, kukuha muna kami ng meryenda ni Kathryn ha. Tulungan mo ako anak ha. Kayong dalawa, mag-usap kayo ng Papang mo tungkol sa pamamanhikan natin.”

Kinakabahan si Elvin, halata kasing gusto lamang masolo ng Mamang niya si Kathryn. Ano kaya ang itatanong nito sa kanyang Sintas? O baka kung anu-ano ang sasabihin ng Mamang niya. He worriedly looked at Kathryn.

“It’s okay Sinta.” Bulong nito bago sumunod sa Mamang niya.

**************

“Ang ganda mo naman, anak.” Tinutulungan ni Kathryn ang Mamang ng Sinta niya sa paggawa ng sandwich.

“Salamat po, Mamang.”

“May itatanong ako sa iyo ha, sana hindi mo mamasamain.”

“Sige po.” Mukhang alam naman niya ang itatanong nito.

“Si Elvin kasi. Ah, yung anak ko, alam mo bang ano siya.”

“Bading po?” Siya na ang nagtuloy.

“Ah, O-oo.”

“Yes, Mamang. Alam ko po ang preference ni Elvin.”

“Bakit? I mean, papaanong pumayag ka na magpakasal sa kanya? Dahil ba sa mamanahin niya?”

“Kung pera lang po ang dahilan, hindi po sa nagmamayabang, hindi ko po kailangan nun dahil meron kami. Ewan ko po kung maniniwala kayo pero talagang mahal ko ang anak ninyo. Hindi ko nga alam bakit, ni hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kahit po nung akala ko ay sila ng kaibigan kong si Candice, may gusto na ako sa kanya. Lumala nga lang.”

Hhindi ba parang ikaw ang dehado, anak?” Nag-aalalang tanong ng ina ni Elvin. Anak niya ang binata pero nakikita niyang mabait ang babaeng kaharap. At alam niya rin kung sino talaga ang binata niya.

“Alam nyo, Mamang, alam ko pong panandalian lamang yung pwede naming maging relasyon. Alam naman po ninyo ang sitwasyon ng anak ninyo. Sabihin na nating may makukuha siya sa akin, dahil kapag pinakasalan niya ako, matutupad ang gusto ni Lola. Pero, sinamantala ko rin po ang sitwasyon, umaasa kasi ako na mamahalin niya ako sa huli.”

“Paano kung hindi ka niya natutunang mahalin?Paano kapag sa huli ay ganyan pa rin siya? Walang pagbabago.”

“At least po sinubukan ko, ganun naman ang pagmamahal, di po ba? Isang sugal, hindi mo alam, baka sa huli, nasa sa iyo ang huling baraha.”

“Gusto kita para sa anak ko.” Nakangiting sabi ng Mamang ni Elvin.

“Gusto rin po kitang mother-in-law.”

Nagkatawanan silang dalawa, dinig na dinig iyon sa labas.  Nagkatinginan sina Elvin at ang Papang niya.

“Umamin ka ngang bata ka, lalaki ka na ano?”

“Juice colored, Papang! Baka tamaan ako ng kidlat sa pinagsasasabi mo!” 

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now