Chapter 3: The REAL Game Starts

Magsimula sa umpisa
                                        

"Girls!! Wala daw si Sir. May meeting sa department nila. Tara uwi na tayo." --Lex

"Paano mo naman nalaman?" --Dana

"Nakasalubong ko kasi si Sir nung pabalik nako dito, sinabi niya yun, magreview na lang daw tayo para sa quiz bukas. Sinabi ko na kay JC para i-announce niya sa class natin, kaya tara na!!" --Lex

"Pinapapunta pa ako ni Jasper sa theater eh. Samahan niyo muna ako." --Me

"Anong meron?" --Dana

"Hindi ko din alam eh. Punta na tayo dun since wala na namang class." --Me

Pumayag sila kaya tinext ko na si Jasper na papunta na kami kasi nga walang klase.

Papunta na kami sa theatre. Simula nung lumagpas kami sa mga rooms may mga petals na naglelead ng daan namin papunta sa theatre. Anong meron ba talaga??

"Naks naman girl!! May surprise ata para sayo si Jasper!!" --Lex

"Tss. Asa ka pa. Yun? Magpprepare ng ganto? A-S-A yun!!" --Me

"Malay mo magsisimula na siyang maging sweet sayo. Gagamitin na niya ang kanyang powers para mahulog ka sa kanya!!" --Lex

"Lex, andami mong alam eh noh!! Tigilan ha. Tara na ng makauwi na din agad tayo." --Me

Nandito na kami sa entrance ng theater. Hindi kami pumapasok kasi wala naman siyang sinabing pumasok kami. Aba masunurin kaya ako.

5mins...

10mins...

15mins...

20mins...

"I'm done here. Pinagttripan lang ata ako ni Jasper eh!! Kanina pa tayo nandito!! Kung umuwi tayo edi nasa bahay na tayong tatlo!" --Me =____=

"5minutes pa. Sayang kung may surprise nga siya sayo." --Dana

"Haaaayy nako, kung gusto niyo kayo maghintay aalis nako dito!!" --Me

Tatayo na sana ako nang biglang lumabas sila Carl at Hans na hingal na hingal.

"May humahabol na sa inyo?" --Lex

"Wala. Rinig kasi sa loob yung sigaw ni Cassie kaya pinagmadali kami ni Jasper para pigilan siyang umalis." --Carl

"Nasa loob si Jasper, pumasok kna. Kanina kpa hinihintay nun." --Hans

Grabe, habang sinasabi niya yun, tinutulak nila akong dalawa papasok ng theater. Pagtapak ko pa lang sa loob ng theater, sinarado na nila agad yung pinto. Ang creepy kaya, ang dilim masyado. Pagabi na din kasi. Tapos hindi man lang nagbukas ng ilaw ang magaling na si Jasper. Pag ako nadapa dito kakalakad, patay sakin yun. =____=

Lakad...

Lakad...

Lakad...

Bukas ng pinto...

Nandito nako sa pinaka loob talaga. Kasi may hallway pa bago 'tong pinaka-theater. Pumunta ako sa pinaka unahan malapit sa stage.

 *clack*

(Ms. A: tunog po yan ng spotlight na bumukas. Yung parang sa stage play. Sarry, Hindi ako marunong gumawa ng sound effect. XD Back to Cass.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Only Exception (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon