First Part

1 1 2
                                        

At kahit mahal kita
wala akong magagawa
tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita ...

Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga sa damuhan at marahang umupo

ramdam na ramdam ko ang preskong simoy ng hangin na dumadapo sa aking balat
hindi ko mapigilang lamigin ng bahagya

"Haayyss bat ba ganyan ka?" mahina kong bulong ng may ngiti sa mga labi sabay sandal ng ulo ko sa katawan ng punong Narra

Di ko mapigilang muling mapangiti sa aking nakikita ,isang katamtaman ang katawan na lalaki,maaamo ang kanyang muka,at ang nakadagdag pa sa paghanga ko ang galing nya sa pagtugtug ng gitara  , alas kwatro palang ng hapon pero para bang ang lamig lamig na sa ganda ng kanyang boses ..

Araw araw ko syang nakikitang nakaupo sa mismong veranda ng ikalawang palapag sa likod ng kanilang malaking bahay ,bitbit ang gitara ay kumakanta sya tuwing alas kwatro ng hapon o di kayay nagmumuni muni na para bang malalim ang iniisip

Heto namang si ako hahaah palagi syang pinagmamasdan Oo pinagmamasdan  ..
Mula rito sa pwesto ko ay kitang kita ko sya ngunit nakakasiguro akong di nya ko napapansin dahil sa may puno itong bakuran namin at sya ay nasa taas samantalang ako'y nasa baba..pero kahit papano ay naririnig ko naman sya marahil sa napaka payapa ng lugar na ito ,tanging mga dahon lamang na sumasayaw sa tugtog ng hanging at awit ng mga ibon ang maririnig.

Ilang taon ko narin syang pinagmamasdan simula noong lumipat sila siguro ay mga limang taon na ang nakalalipas ..

FLASHBACK

"Oy Proxima pupunta ka bang bakuran? Pakuwa namang ng brief kong nakasampay ha? "
bahagya akong nagitla sa pagsulpot ni kuya sa likuran ko

"Ano ba kuya! anong Proxima?! Max nga! wag mo kong tatawaging Proxima anu ba at isa pa ,.brief? kadiri ka brip mo yun bahala ka kunin mo dun"
=,=

"Luh sige na Proxima kpatid kong cute hahahahah! tinatamad ang kuya mong pogi eeh"
sabi nya sabay salampak sa sofa

"Pinagsasasabi mo Orion?! M-A-X nga! " pinaghahampas ko na sya ng bitbit kong libro oo cute nga ako pero tsk hays

"A-arawch ko oo na xixi! haha pero kukunin mo na? *-* ooyy cute"
sundot sundot nya pa saken matapos magiiilag sa hampas ko loko talaga tong kapatid ko

"Anong gagawin mo pag hindi? sige nga? ililibre mo ba ko ng shake dun sa kanto ha?!"
tanong ko habang nakangiti

"Aish ano ba yan parang pakuha lang naman eeeeehhh!"
parang batang sigaw nya na ikinatawa ko ng mahina

"yun na nga e 'lang' di mo pa magawa tanda tanda mo na wala ka paring silbi tsk tsk" pailing iling ko pang banat

"Tinatamad na kong magsalita Max kaya lumayas ka na at kunin yon plsss di kita ipagluluto ng ulam sige " pagbabanta nya naman

0-0

"Aba'y ang galing mamblackmail tsk.. ona! "
:3

"Hahah! wag kang magalala kapatid pag napagtripan ko ililibre naman kita hehe go na don't talk to me na  hwahaha!"

loko talaga banas =_=
lumayas na ko at pumuntang bakuran,balak ko kaseng tumambay sa tabi ng Narra tree at palagi ko yung ginagawa habang nagbabasa ng libro
Aabutin ko na sana ang hanger ng may brief ni kuya ng ...mahagip ng mata ko ang iilang tao na nasa veranda ng likod bahay ,nakakagulat na may tao doon dahil ang pagkakaalam ko ay minsan lang may tao sa bahay sa iyon
Dahil sa kuryusidad ay pinanood ko muna silang sandali ,mayamayapay umalis din sila ngunit natira ang isang batang lalaki na mga kaseng edad ko din lamang yata may hawak syang gitara at biglang pinatugtug ito..
Tila bay nanliwanag ang mga mata ko
masyadong napakagaling ,,nakakamesmerize tinamaan yata ako ..ang cute niya pa..ang galing nya kumanta at tumugtog na animo'y  siya lang ang bida, nakakahalina,bago lamang sya rito pero parang dito na sya nakatira dahil sa feel na feel nya ang musika habang nakaupo sa veranda at tinatanaw ang langit ...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Star GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon