Buwan

181 4 0
                                    

Unspoken 1
Buwan,

-📖✍-

Nakaupo sa gilid ng bintana nakatingin sa kawalan,
iniisip kung papaano kita malalapitan ng hindi mo nalalaman.

Nakatingin sa itim na kalangitan, ang kalangitan na nagsasabing tumigil na sa pag-iisip ng mga posible, at puwedeng mangyari.

Nakatingin sa itim na kapaligiran ang maliwanag na kalangitan dulot ng mga bituwin at buwan.

Nakatingin sa perpektong bilog na buwan, iniisip kung sasabihin ba ang nararamdaman o sosolohin at magtitimpi.

Nakatingin sa kawalan na parang hindi alintana ang pamimigat ng talukap sa mata.

Nakatingin sa kawalan hanggang sa makatulugan.

-- To Ris --
ha...

Hindi ko alam kung saan patungo ang pagiging torpe ko sa'yo.

Magsusulat na muna ako, baka sakaling mahanap ko ang motibasyon para sa sarili kong desisyon.

Handa ako sa kung ano mang kasadlakan ng aking damdamin.

Kailangan kung tanguhan ang iyong nais para sa akin.

Asahan mong ano mang magiging reaksyon ay malugod kung tatanggapin.

Sa ngayon kailangan ko munang maghanap ng lakas at determinasyon.

                                        -- Treze --

Unspoken Words, A Poem For HerWhere stories live. Discover now