PROLOGUE

0 0 0
                                        

Sa Kaharian ng MALIABERIAN nagmamadaling makarating sa trono ng hari at reyna ang tagapagbalita ng kaharian at siya ay si batis.

"MAHAL NA HARI!!! MAHAL NA HARI!!! Mayroon akong  masamang balita!"sa sobrang bilis ng kanyang pagtakbo ay muntik na siyang madapa bago siya lumuhod at yumuko para magbigay galang.
"Ano iyon batis?"salita ng Haring Salermo.
"Ang mga kawal ng Firanian, sinusugod tayo! Nasa may tarangkahan na sila ng kaharian!" hingal na panimula ni batis.
"Huwag kang mag-alala, mas malakas ang ating kapangyarihan kaysa sa kanila dahil lakas natin ang tubig at ang kanila ay apoy."pagpapakalma naman ni Reyna Malianna.
"Subalit mahal na hari't mahal na reyna kumampi na sa kanila ang Kaharian ng Boltarian at ang iba pang kaharian. Tayo na lamang at ang ilang kaharian ang natitira."salita ni batis na halatang nalungkot.
"Hindi iyon maaari!!! Hindi kakampi ang Kaharian ng Boltarian sa kanila pagkat hangad nito ang kapayapaan at isa pa napakalakas ng kapangyarihan ng hari nilang si Espino!!!"gulat na gulat si haring Salermo sa narinig napatayo pa ito sa kanyang trono,pati si Reyna Malianna ay nagulat.
"Ang huling balita ko po lamang nakuha mula sa pinagtalagahan kong bayan na ang Kaharian ng Firanian, nakuha na nila ang Tungkod ng Matandang Yamaon! Na nailibing na sa tagal ng panahon... At ginamit nila ito upang buhayin ang noon nilang hari ang nagbigay ng kaguluhan sa ating mundo! Ang Demon Flame Bearer . Si Haring Morpio!!!"walang pag asa ang bakas sa mukha ni Batis.
"Kung gayon ipatawag mo ang lahat ng pinakamagaling na mandirigma ng ating kaharian at papuntahin sa mundo ng mga tao. Ipahanap mo ang Tagapagligtas. Ang tanging makakatalo kay Morpio. Ang Heaven Flame Bearer !!!"
"Kung mawawala po ang mga pinakamagaling na mandirigma, paano po tayo makatatagal sa kalaban?"nagtataka si batis sa sinabi ng hari.

"Wala ka bang puso ng isang mandirigma? Magsasakripisyo tayo ng ating buhay para sa kaligtasan ng daigdig pati na rin sa mundo ng mga tao!"salita ng hari bago nagtungo sa armory ng palasyo.
"Subalit maaaring mamatay at pahirapan ang lahat ng nasa kaharian!!!"ayaw magpaawat ni batis.
"Alam mo batis, mas maganda ang sumugal ang ilan para sa kaligtasan ng marami kaysa mamatay ang lahat ng walang pag-asa."salita ni Haring Salermo bago nagpatuloy sa paglalakad.

Wala nang nagawa si Batis kundi sumunod. Makalipas ang ilang oras nakatakas na ang mga mandirigma sa mundo ng mga tao. Nakapasok na rin ang mga kalaban sa Kaharian ng Maliaberian. Nagtuos ang dalawang kaharian subalit sa kakulangan ng magaling na mandirigma natalo ang Maliaberian. Nilabanan ni Salermo si Morpio.

"HAHAHAHAHA!!! Nagkita nanaman tayo pero ngayon hindi na darating ang tagapagligtas mo!!!"

Biglang nagpakawala si Morpio ng napakalakas na buga ng apoy na kulay itim na mapula na sumi simbolo sa kasamaan. Naiwasan ni Salermo ito pero sa lakas ng buga nalapnos pa rin ang kalahati ng kanyang mukha. Nagdala rin ito ng malakas na hangin na nagpalipad kay Salermo. Pinatalsik siya nito sa bangin na napakalalim na sa ilalim mayroong ilog na may matutulis na bato. Hindi na ito tiningnan ni Morpio dahil kampante na siyang patay na ito dahil sa lalim ng bangin. Ilang oras pa nasakop na ang Kaharian ng Maliaberian....

"HAHAHAHAHAHA!!! WALA NANG MAKAPIPIGIL SA AKIN!!!"


THE ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now