"Ts! Goodnight kiss ko kako?" PagUulit nito.

Waaahhhh! Ano ba? Kiss ko na? "Ikaw na lang magKiss saakin." Sagot ko. Hindi maganda sa mata ng iba kung babae ang unang hahalik. Halos mabaliw ako sa kilig pero shempre hindi ko pinapahalata.

"After kita ikiss gusto ko i-kiss mo din ako." Tumayo ito ng kaonti para abutin ang mga labi ko.

Gagawin niya talaga. Kinuha ko yung unan ko atsaka ko hinampas sa mukha nit. "Tumigil ka nga." Hindi ko kaya Te. Puro na lang halik hyp! Ang arte mo talaga Alex.

Napano to? Kahampas ko sakanya hindi na ito gumagalaw.Napalakas ata. Dahan-dahan kong inalis yung unan sa mukha nito para tignan siya. Tulog ba siya o ano? Nakapikit na kasi ang mga mata niya. Siguro tulog na siya. Kung hindi ka lang maniac malaking turn on ka saakin. Goodnight Lac.

****

"Yaaaaawww!" Nag-stretch muna ako ng katawa bago buksan yung mga mata. Umaga na at agad ako tumingin sa gilid ko para tignan ang katabi ko kaso hindi ko na nakita si Lac. Maaga siguro siyang nagising. Tumingin muna ako sa salamin bago bumaba. Nagmumog na din ako atsaka naghilamos.

Si Lac agad hinanap ko pagbaba ko ng hagdan. Agad ko naman itong nakita sa harap ng pintuan ng bahay niya habang nakatingin sa labas at umiinom ng kape. Napangiti na lang ako ng makita ko siya. Luh? Anyare saakin?

Ang saya pala ng ganito. Yung gigising ka ng walang problema tapos bubungad agad sayo yung taong gusto mo. Hayst! Tama ba tong nararamdaman ko kay Lac? Gusto ko siya? Wag siya Alex.. Ughh!

Agad ako lumapit kay Lac ng hindi niya namamalayan at mabilis na yinakap ng makaLapit ako sakanya.

"Good morning Dak." unang bati nito saakin.

"Anong Dak?" Nakakunot na noo kong tanong.

"PanDAK." Sabay ngumisi siya saakin.

"Dami mong alam,Goodmorning din Jutay." Bati ko dito. Natawag niyakong pandak dahil matangkad siya saakin. Hanggang braso lang ako nito dahil matangkad siya pero hindi ako pandak!

Umalis ako sa pagkakayap niya at pumunta ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Pag pasok ko sa malaki nitong kusina may nakita akong lutong ulam kaso wala akong gana kumain ng kanin.

Bumalik ako kung saan nakaTayo si Lac para samahan siya.

"Pinagluto kita ba't hindi ka kumain ng kanin?" NakaKunot ang noo nito saakin.

"Ayokong kumain, mamaya na lang." Sagot ko. Uuwi na siguro ako pamaya-maya para makapagpalit na din ako ng suot.

"Aalis ako ah? Tutal hising ka na din. Iche-check ko lang yung mga nagtaTrabaho pero kung gusto mo ng umuwi pahatid ka na lang kay Manong." Seryosong wika nito.

Kaya pala ang ayos ng suot nya.Tumango na lang ako sa lahat ng sinabi nya. Hindi na ako magtatagal sa bahay nito dahil uuwi din nako para makapagpalit. Wala din naman akonh gagawin dito.

Binaba niya yung tasa na hawak nito sa lamesa atsaka pumunta sa wrangler nito. Kinawayan ko siya bago pa ito makalayo.

Ako na lang magIsa sa bahay na'to. Mabuti pa umuwi nako. Anong oras na ba? Linibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay para hanapin yung orasan nito.

Halos mahulog yung panga ko ng makita ang Oras. 10:00Am na, ganoon bako katagal natulog?  Akala ko maaga palang.

Kumuha ako ng plastic at linagay ko lahat dkon ang mga damit ko. Lumabas nako para magpaHatid kay Manong sa bahay.

Sold By Mr.ManiacWhere stories live. Discover now