Ayos kana ba? Inom ka ng madaming tubig tas wag kang yuyuko. Lalo kang mahihilo niyan" sabi ko sa kanya at hindi siya sumasagot sakin. Hilong hilo siguro. Haha. Ang epic kasi ng pagmumukha niya kada bumababa kami sa mga rides na sinasakyan namin.
Habang tumitingin tingin ako sa paligid may nakita akong tao na alam kong nakita niya din ako. Bakit andito sila? Bakit sa dinami dami ng pwede makita bakit sila pa? Masyado bang maliit ang mundo namin para sa iisang amusement park lang kami magkita? Tsk
At maya-maya nakita ko na lang na may tao sa gilid namin ni Xavier kaya tinignan ko at nakita ko na lang sila Xander. Tsk.
Xandra " sabi niya at tinignan ko na lang silang dalawa ng kasama niya.
Ah, si " pero bago pa niya matuloy yung sinasabi niya pinutol ko na.
Sandy. Kilala ko siya kaya di mo na siya kailangan ipakilala. Anong kailangan mo?" sabi ko sa kanya at nakatingin lang siya sa kamay namin ni Xavier na magkahawak.
Xander, kung wala kang sasabihin mauuna na kami sa inyo ng boyfriend ko. And by the way nice seeing you again, Sandy" sabi ko at ngumiti sa kanila ng peke tsaka umalis. Wala ako sa mood makipag-usap kay Xander ngaun. Ayoko sirain yung araw namin ni Xavier ng dahil lang sa kanila.
Xander's POV
Nakatingin lang ako kela Xandra at Xavier na naglalakad palayo samin. Ganun ba siya kagalit sakin para iwasan na lang ako ng ganun ganun? Ganun ba talaga kalala ang ginawa ko? E wala lang naman tong si Sandy eh.
Xander, tara na. Hayaan na natin sila Xandra. Tinarayan ka lang naman niya eh. Tsk. Buti na lang nakapagpigil ako at di ko siya nasabunutan" sabi ni Sandy at agad ko siyang nilingon
Sandy, subukan mo lang galawin si Xandra makikita mo kung pano ako magalit sayo. Kaya wag na wag kang magkakamali na galawin siya -_-" sabi ko sa kanya at mukha naman siyang natakot kasi napabitaw siya sa braso ko. Tsk. Dapat lang naman siyang matakot kasi seryoso ako sa mga sinasabi ko -_-
Xandra's POV
Nag iikot ikot kami ni Xavier pero napansin ko sa kanya na parang tumahimik siya simula nung nakita namin si Xander. Tsk. Sabi na magiging panira yun sa date namin eh -_- Sana di na lang siya nag pakita sami edi sana hanggang ngaun nag eenjoy pa din kami -_-
Pumasok kami sa loob ng shop dito sa amusement park. Bibili kami ng shirt eh. Haha. Tas sakto may nakita akong couple shirt *o*
Xavier~ ang ganda ng shirt oh. Bilihin natin tas isuot natin to pagkabili ha? *o*" sabi ko sa kanya a ngumiti lang siya sakin. Ang cute talaga ng shirt. Kasi ang nakasulat dun sa shirt "born to love him" tas yung isa "born to love her" Ang sweet diba? *o*
Binayaran na niya yung shirt na kinuha ko tas nag punta agad kami sa CR para magpalit. Hihi. Ang cute cute talaga. Si Xavier na siguro yung para sakin. At kapag nawala pa siya sakin di ko alam gagawin ko. Siya lang ang nagtiis sa ugali ko at siya lang ang dahilan para makalimutan ko si Xander dati.
Lumabas nako ng CR at nakita ko si Xavier na nag iintay sakin sa labas. Hihi. Ang cute niya dahil sa shirt na suot niya *o*
Xav~ picture tayo *o* Ang cute ng suot natin eh. Haha. " sabi ko sa kanya.
Haha. Sige, mag picture tayo" sabi niya at agad ako naghanap ng staff at agad naman ako nakahanap kaya binigay ko agad yung phone ko dun sa staff atsaka uli ako lumapit kay Xavier at inakbayan niya ako agad. Hihi.
Game na po. 1, 2, 3. Smile" sabi nung staff at ngumiti naman kami agad at pagkatapos kinuha ko yung phone ko sa kanya at tinignan yung picture.
Ang cute no? Haha. Gagawin kong wallpaper to. Gusto mo ng copy?" sabi ko kay Xavier at tumango lang siya at binigay niya yung phone niya sakin.
Xavier's POV
Nagsasaya kami ni Xandra ngaun, ginawa ko lahat para maging masaya kaming dalawa ngaun. Pero alam kong may katapusan din tong kasiyahan nato. Mahal ko siya. Mahal na mahal at di ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala siya sakin. Pero kung mangyayare yun kakausapin ko si Xander at sa kanya ko ipagkakatiwala si Xandra.
Alam kong mahal pa din ni Xander si Xandra kaya siya ang kakausapin ko kung may mangyayare man.
----------
-Isha
Chapter 16
Start from the beginning
