WHY ME?

24 13 0
                                        

May mga panahon na kahit gaano mo kagustong intindihin ang sitwasyo, kapag nasaktan ka ng sobra hindi mo na alam ang tamang gagawin. At may mga panahon na feeling mo mag isa ka na lang sa buhay at gusto mo ng tapusin ang buhay mo dahil sa mga problemang dala dala mo.

Akki's POV

Two years na pala simula noong pinagdaanan ko ang isang bagay na akala ko ay hindi ko malalampasan. At one year na pala simula noong na in love na ako ng tuluyan dito sa kasama ko. Ang bilis ng panahon!

Nandito kami ngayon sa cemetery, lagi kong dinadalaw si mama at pala dito simula ng mawala sila. At si Miggy o kaya si Mara lagi ang kasama ko. Si kuya Tan kasi nasa US.

"Babe, hanggang ngayon hindi mo pa rin sakin sinasabi ang dahilan kung anong nangyari sa parents mo." Sabi ni Miggy.

Hanggang ngayon kasi, di ko pa rin sa kanya sinasabi kahit na one year in a relationship na kami. Nakakatakot kasi.

"Will you stay kapag nalaman mo?" Tanong ko.

"Of course. Trust me!" Sagot niya at ngumiti.

Siguro, ito na yung time para ikwento sa kanya, matagal na rin naman ang nakalipas simula ang nangyari.

***

It was my 18th birthday that time. February, 16, 2016. Akala ko yun na yung pinaka masayang araw sa buhay ko, yun pala yun na yung pinaka worst na araw!

Lumaki kasi ako na si kuya Tan ang kasama, si Mama at Papa nasa US, kailangan nilang magtrabaho para samin ni Kuya. At dahil 18th birthday ko, pinagbigyan nila ako na uuwi silang dalawa dito.

"Pa, saan na po kayo? Malapit na magstart yung event. Gusto ko nandito na kayo." Pabebe kong sabi.

"Anak, Akki malayo pa kami ng mama mo. Baka late na kami makarating kasi sigurado traffic pa." Paliwanag niya.

"Sige na, simulan niyo na yan kahit wala pa kami ng mama mo. Hahabol naman kami." Dagdag pa ni papa.

Ayaw ko pa sana simulan yun, pero ang kulit ni papa at kailangan na rin kasi lumalalim na ang gabi.

It was my last dance, supposed to be my dance with my father, when Kuya Tan frustatedly run towards me.

"Akki, si mama at papa, naaksidente." Nagmamadaling sabi ni kuya.

Hindi agad pumasok sa isip ko ang sinabi niya. Ilang minuto pa bago ako nakapag react, at umiyak lamang ako.

"Car accident, Tan. May nagmamadaling nag overtake sa kasalubong na truck ng mama at papa mo. Nawalan ng control ang truck kaya bumangga ito sa sasakyan niyo." Paliwanag ni tito kay kuya.

"Nasaan si mama at papa!!!" Sigaw ko.

"Almost half an hour na silang nasa loob ng ICU akki." Sabi ni tito.

Napa face palm na lamang ako at iyak ng iyak habang pabalik balik na lumalakad sa labas ng ICU.

"Kayo po ba ang relatives ng patients?" Tanong ng doctor.

"Yes doc, kamusta na sila mama at papa?" Tanong ko.

"I'm sorry. Pero ginawa na po namin ang lahat ng makakaya namin. Pero both are dead on arrival." Sabi niya.

Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.

"Masyadong madaming dugo ang pumasok sa utak kaya hindi na kinaya ng patient. Excuse me." Dagdag niya pa.

Hindi pa nakakalayo si Doc nun ng sumigaw ako.

"KUNG GINAWA NIYO ANG LAHAT SANA BUHAY SILA!!! MAGKANO BA KAILANGAN NIYO NG PERA!?" Wala sa sarili akong sumigaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHY?Where stories live. Discover now