TADHANA MADNESS

258 15 3
                                        

ALEEYA's POV

Tadhana <3 (341 pics)

"Halos ikaw na laman ng gallery ko, ah." nakangiting kong sabi sa harap ng cellphone ko. Baliw na kung baliw, pero aminin mo gawain mo rin 'to. Hindi lang ito ang nagawa ko para masilayan si, Tadhana. Stalker din ako, pero sa Facebook lang. Gumawa pa ng ako ng ibang account para lang lubos-lubusan kong maipahayag ang walang kamatayan kong pagsinta sa kanya.

Nagtataka siguro kayo dahil sa dami ng endearment na nauuso ngayon sa mundo, eh Tadhana pa ang napili ko. Ewan ko nga rin kung paano at bakit yun pumasok sa isip ko. Siguro dahil kami talaga ang para sa isa't-isa. Hep! Ang kumontra, pangit. Whehehe~

Actually kapitbahay ko lang siya. Kaso hindi kami ganun ka-close o nagpapansinan. At may bali-balita rin ngayon na nililigawan daw niya yung pinsan kong si Grantlyn, kasing edad ko rin. How sad 'di ba? Close kami ni insan pero hindi ko siya tinatanong tungkol dun. Sasaktan ko lang yung sarili ko. Pero hindi parin ako susuko, hindi pa naman sila eh. Pagsubok lang ito! Fighting!

"Yee, nagde-day dream ka na naman dyan. Si Tadhana ba?" speaking of, andito pala si insan Grantlyn -yung nililigawan daw ni Tadhana. Agad kong itinago yung phone ko na puro picture ni Tadhana. Mahirap na, baka mabuko.

"Uhh... Oo siya nga." sabi ko sa kanya.

"Ano bang real name niya? Nahihiwagaan na ako sa kanya, eh." nakangiting tanong niya. Kung alam mo lang, insan. Kilalang-kilala mo siya.

"Secreeet..." sabi ko sabay ngisi. Hindi niya pwedeng malaman 'no.

"Bahala ka na nga. Basta ako masaya rin sa love life ko." kinikilig niyang sabi.

"Huh? What do you mean? Anyare?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Huwag niyo sabihing, sila na?! It can't be. Not my, Tadhana!

"May boyfriend na ako!" kinikilig na sabi niya sakin. Inalog-alog pa niya ako habang tumitili.

What the?! Did she just said na may boyfriend na siya? So meaning.... HINDI!!!!! Ayaw kong bigyan ng meaning. Huhubells~

"Kelan pa?" I manage to ask. Ayaw kong tanungin kung sino at baka ikamatay ko. I just fake a smile para kunwari happy ako kahit feeling ko sinasaksak ako ng ilang libong beses.

"Last week lang, grabe ang saya palang magka-love life insan!" sabi niyang nagniningning ang mata at abot tenga ang ngiti.

"Oo nga eh, halata naman sayo." biro ko na lang sa kanya. Pero ateng! Gusto ko nang maglumpasay at ngumawa.

"Ikaw ba kailan mo ipapakilala si Tadhana? Kayo na ba? Double date tayo ah." pag-uusisa ulit ni insan Grantlyn. Tae lang paano magiging kami, eh sila na nga 'di ba? Kakabanas lang eh 'no? Double date daw? Ano yun isang lalaki lang date namin?

"Malapit na." sabi ko na lang. Bigla namang tumawa si bruha.

*~*~*~*~*

TADHANA MADNESS (One-Shot)Where stories live. Discover now