Ch. 26//Alipin

Magsimula sa umpisa
                                    

“Sai, seryoso na. Sumama ka na sa amin, ngayon lang naman ‘toh. First time din kasi umattend ni Zen sa ganitong event.”

Ang tinutukoy nyang event ay yung mini ball sa bayan na toh kung saan sasayaw ka lang naman at sasayaw. Well, may pagkain rin naman siguro. But I don’t even care. -,-

 “Bakit ba kelangan kasama pa ako?”  

“Kasi kasama si Zy.” Mabilis nyang sagot. Tss.

“Ayaw ko sumama.”

Ano naman ba gagawin ko dun? I’m not interested to that kind of thing. Ni hindi pa nga ako uma- attend sa mga party and JS Prom namin last year and what’s gonna change kung kasama si Zy? We’re not in good terms yet. Baka amagin lang ako doon kung sasama ako. Hindi ko rin inaasahan na interesado si kuya sa ganitong bagay.

“Alam kong mahihirapan akong makumbinse kang sumama sa mga ganito at hindi kita pinipilit sa mga bagay na ayaw mo but this time, hindi kita titigilan Kaye hanggang mapa- oo kita.”

Tiningnan ko ang ekspresyon ng mukha nya. Ngayon nya na lang ulit ako tinawag na Kaye. Ibig sabihin lang nun, seryoso sya sa sinasabi nya at desperado syang gawin  ang gusto nya.

Ganun ba ka- big deal ang hindi ko pagsama?!

At bakit ba over protective sya kay Zenaiah? All I know is, she’s fragile but I don’t know the reason why.

“You’re doing this for Zenaiah, don’t you?” I said in a cold tone while I’m looking at him as serious as he is.

“Para kanino pa ba? Sai, may sakit kasi si Zen at advice ng doctor nya sa kanya wag syang magpapagod at mai- stress. Tuwing magkakaroon ng ganitong event dito sa bayan nila, palagi lang syang naririto sa bahay at pinagmamasdan ang mga tao habang nagsasaya. Pero ngayong araw, kahit alam nyang mapapagod lang sya pinilit pa rin nyang sumama at gusto nyang maranasan din ang sayang nararamdaman nung iba. Kaya ngayong gabi, gusto rin nyang maranasan sumayaw kasabay ang ibang tao at maisayaw ko. Magiging posible lang yun kung sasama ka dahil gusto nya kasama kayong dalawa ng kapatid nya na first time lang din aattend ng mini ball.”

“…”

Pinikit ko ang mga mata ko at tumingala saka nagpalabas ng hangin sa bibig ko. Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari kay Ate Zen. I felt guilty dahil ako, wala akong deperensya sa kalusugan ko pero hindi ko ini- enjoy ang mga bagay na pwede kong gawin na syang hindi nya pwedeng gawin.

Tss. Mukhang tinamaan na talaga tong siraulo kong kuya.

“Mahal mo talaga sya, ano?”

Nung itanong ko yun agad syang napangiti, tss. “Di ah.”

Ako ba’y pinagloloko nito?! -_-+

“Hindi ko sya mahal. Mahal na mahal lang.” *smile*

“Guess it can’t be help.” Tumayo ako at lumabas ng kwarto para pumunta sa kwarto ni Ate Zen.

***end***

That’s the story behind this scenario. Kelangan ko na naman magtiis. -_-

After ko magbihis, lumabas na rin ako ng kwarto. Hinayaan ko na lang ang buhok ko na naka- lugay. Bumaba na rin ako sa sala dahil malamang nandun sila pero mali ako. Walang tao dito. Tss. Nasaan na mga yun?

“Umuna na sila.”

My body stiffened nung may magsalita sa may likuran ko. Haharapin ko pa sana sya nung naglakad na sya palabas ng bahay kaya sumunod na lang ako.

That Kind of a Girl: When Ms. Gangster Meets her Mr. Gangster[S2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon