"Hindi ko alam kung nasaan ang tatay ko at wala akong paki-alam sa kanya." Mahina ngunit matatag ang kanyang tinig. "Huling beses ko siyang nakita ay noong labing dalawang taong gulang ako at may kasama siyang ibang babae. Akala ko, pinagtataksilan niya si nanay, pero ganoon nalang ang galit ko ng malaman kong kami pala ang ikalawang pamilya."

Inilahad niya dito ang istorya kung bakit hindi nagtangkang habulin ng kanyang ina ang kanyang ama at sa halip ay inangkin nito ang responsibilidad ng una. Hirap na hirap siyang tanggapin noong una ang nangyari sa kanila ngunit kalaunan natauhan siya at inako na niya ang responsibilidad bilang taga-taguyod ng kanilang pamilya.

Nakita niya ang pagkabigla sa mukha ni Kim dahil sa mga sinabi niya. "Kung makikita mob a siya ngayon, mapapatawad mo pa ba siya?"

"Hell, no!" nang mapagtantong tumaas ang boses niya ay agad niyang kinalma ang kanyang sarili. "Hindi ko siya mapapatawad matapos ang lahat ng hirap na dinanas namin. At iyon din ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong nakakakita ng mga batang walang mga magulang, partikular na ang isang ama. I know how it feels like to have one but doesn't feel like you have."

Hinawakan ni Kim ng mahigpit ang kamay niya marahil ay para ipaalam sa kanyang kasama niya ito and he appreciated it. Nagsunod-sunod pa ang mga tanong nito na magiliw naman niyang sinagot.

"Bukod sa trabaho dito sa hacienda, ano pang pinagkakaabalahan mo?"

A sly smile broke his lips, "you."

She blushed. "Silly. I meant businesses o kaya ay mga hobby mo."

"I'm working as a sort of a negotiator for a distillery company and Hacienda Azuela. Ang Hhcienda ang supplier ng mga produkto mula niyog na ginagawang iba't ibang inumin. You should meet Mr. Arevalo sometime, he was a very nice man and he had a very nice daughter. Sa tingin ko magkakasundo kayo. " Nginitian niya si Kim saka niya nilapit ang kanyang mukha sa mukha nito. "And as for my hobby, let me show you what it is."

In an instant, he covered her mouth with his.

KINAPA ni Kim ang kanyang damdamin ng makita niyang papasok sa loob ng restaurant si David. Kahapon ay tinawagan siya nito at nagtatanong kung maaari silang magkita para magkausap. Pinaunlakan naman niya ang paanyaya ng binata dahil wala siyang nakikitang dahilan para tanggihan iyon. Afterall, they were still friends after what happened between them. Ito ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan simula noong bata pa siya kaya alam niyang sooner or later ay kailangan din niyang kausapin ang binata upang magkaayos sila.

Nang dumako sa kanya ang paningin ng binata at ngumiti ito doon lang niya napagtantong wala na ang sakit na ilang linggo lamang ang nakakaraan ay iniinda pa niya. She smiled widely at him when he stood beside the table and looked at her.

He smiled at her. Ngunit hindi kagaya ng dati, wala ng epekto iyon sa kanya. She suddenly missed that certain hypnotic smile she was used to seeing for days now. "K-Kim..." Tumayo siya sa kinauupuan at niyakap ang binata dahil mukhang naiilang pa ito sa kanya.

"How are you Dave?" Sinsero niyang tanong ng parehas na silang maka-upo ng binata.

"I'm good," mataman siya nitong tiningnan. "How are you, Kim? I..I'm really sorry—"

"Cut it out, Dave." putol niya sa sinasabi nito. "I told you to be happy, right? That's the least thing you can do for me." Nginitian niya ito. Masyado niyang kialala ang binata na kahit na may ankikita siyang guilt sa mga mata nito aya alam niyag masaya ito. His eyes would always give him away. "And by the way, you're not the only one who is happy."

"You are," David stated. "You are not only happy Kim, I think you have a lot to tell me too. I can see it in your eyes. "

She smiled in return at bago pa niya namalayan ay ikinuwento na niya sa binata ang tungkol sa isang lalaking dahilan ng mabilis na pintig ng kanyang puso at ang rason sa kanyang mga ngiti. It really felt good talking to him like this again. Para lang silang bumalik sa panahon kung saan matalik na magkaibigan ang turingan nila sa isa't isa. Well, they still are, aren't they?

Ang Buhay Ko (A Buko Love Story) [ COMPLETE ]Kde žijí příběhy. Začni objevovat