CHAPTER 1

16.9K 288 18
                                        

Magkaibigan ang pamilyang Romualdez at Gallego!kaya naman kung may mga mahahalagang occasion ang bawat pamilya ay hindi pwedeng mawala ang bawat isa sa mga ito!

Kasalukuyan namang nasa pamamahay ng mga Gallego sina Isabella kasama ang mga magulang nito!inanyayahan kasi ng mga ito na doon magsalo salo ngayong gabi!hindi na sana sasama si Isabella dahil alam nitong maa -out of place lang siya sa mga ito!

Hindi tulad ng dati na mi nakakausap at nakakasama siya!si Marcus!

~~~~

Nakatayo si Isabella sa may sala malapit sa pinto at nakangiting pinanonood ang mga magulang nitong masayang nakikipagkwentuhan!

Rinig na rinig naman kasi nito ang pinag uusapan ng mga ito at natatawa na lamang din si Isabella sa tuwing maririnig nito ang malutong na tawanan ng mga ito!

Hanggang sa mayamaya pay nawala ang mga ngiti nito ng marinig nito ang pangalan ni Marcus!narinig nitong kinakamusta ng mga ito ang binata!

Sa tuwing mi okasyon o kung may get together man ang kanilang pamilya tulad nito ay madalas sumasagi sa isipan nito si Marcus!

"kamusta na kaya siya?"napabuntong hiningang si Isabella!

Tila naglakbay naman ang isipan ni Isabella!naalala nito ang masasayang araw na kasama nito ang binata!halos sabay kasing lumaki ang mga ito!simula pagkabata at hanggang sa sila ay magkolehiyo ay kasa kasama nito si Marcus!

Hanggang sa isang araw bigla na lang nagbago ang lahat!

Napatingin si Isabella sa mga larawang nakahilera sa mesa malapit sa kinaroroonan nito!natuon ang paningin nito sa isang larawan kung saan naroon si Marcus!

Kuha ang larawan isang taon ang nakararaan!nang minsang magpunta ang mga magulang nito sa states!

Ang laki ng pinagbago nito!ni halos hindi  namukhaan ni Isabella si Marcus sa larawan nung una nitong makita!

Ibang iba sa dati nitong stilo ng pananamit! na animoy papasok sa seminaryo dahil sa suot nito!!idagdag pa ang one sided niyang buhok at makapal nitong salamin!pero kahit ganon ay hindi maikakailang gwapo ito at mi mala-anghel na mukha!

Napabuntong hiningang muli si Isabella!

Oo ngat halos nasa kanya na ang lahat!pagmamay-ari lang naman kasi ng pamilya nito ang pito sa naglalakihang mall sa buong bansa!mayaman,maganda,sexy, taklesa at lahat ng gustohin nito nakukuha nito!Ganun din siya pagdating sa lalaki!kahit pa sabihan siyang flirt o mang-aagaw ng mga babaeng inagawan daw niya kuno ng boyfriend!

Pero bakit pakiramdam ni Isabella tila mi kulang pa rin!tila mi bahagi sa pagkatao nito ang nawala!

Hanggang sa mayamaya pay narinig na naman muli nito ang pangalan ng binata!

"Marcus!"masayang tawag ng mga magulang at mga tita at tito nito!nakatingin ang mga ito sa kanyang likuran!

Kinabahan at tila nanigas sa kinatatayuan nito si Isabella!ang bilis din ng tibok ng puso nito!

Agad din namang napalingon si Isabella sa kanyang likuran!

Pagkalingon nito ay ang titig na titig na si Marcus!nanunuri ang mga mata nitong nakatitig sa kanya!

Nasiyahan si Isabella pagkakita nito kay Marcus!apat na taon din niyang tila  pinanabikang makita ang binata!

Akma sana itong  magsasalita para kamustahin ito ng walang ano anong nilagpasan lang siya nito!nawala ang mga ngiti ni Isabellla!

Pilit na lang itinago ni Isabella ang pagkapahiya nito at lumingon sa kinaroroonan ng binata!kasama ang mga magulang nito!masaya ang mga ito na nagkakamustahan!

LOVE AND HATE [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now