CHAPTER 1

27 2 0
                                    

Ethan's POV

"Uy! Paano isolve 'to? Nahihirapan na'ko Ethan." parang nagmamakaawa pang tanong ni Peejay habang nasa loob kami ng classroom at nahahighblood nanaman ang professor namin na si Ma'am Pat. Na nasa harapan namin ngayon. "Uy! ano ba! sige na naman Ethan, tulungan mo na'ko. Mayayari ako ne'to kay Pating." halos lumuhod na siya sa pagmamakaawa sakin dahil talagang malilintikan siya kay Ma'am Pating. Natawa naman ako.

"Tutulungan kita pero sagot mo mamaya yung lunch natin ah." tugon ko at nagliwanag naman ang mukha niyang kanina pa nakanguso.

"Ok fine. Basta please help me." aniya at sinimulan ko na siyang tulungan sa pinapasolve ni Ma'am Pating este Ma'am Pat sa Math.

Matapos naming masolve yung problem ay mabilis niyang ipinasa ito kay Pating at halos pabato na niyang ibinigay.

'Gusto kong humagalpak sa tawa'

"Mukhang nagpatulong ka nanaman sa pinsan mo Jaypee ha." gusto ko na talagang matawa.

"Ah... Peejay po Ma'am." sagot ni Peejay.

"Yun narin yon!" sigaw ni Pating kaya patakbong bumalik sa kinauupuan si Peejay.

'BWAHAHAHA!'

*Lunch Time*

"Ang init talaga ng ulo sakin ni Pating no. Walang araw na hindi ata kumulo dugo sakin non." ngumuso pero naiinis na tugon ni Peejay.

Papunta na kami ngayon sa cafeteria para magmeryenda at ang mas nakaka excite. Libre nya hahaha!
Pagdating sa cafeteria ay umupo agad ako sa madalas naming pwesto ni Peejay. Pina order ko na siya sa counter habang ako naghihintay.

'Ako nga pala si Ethan Zic Hidalgo, 16 at si Peejay Ramos naman, 17, pinsan ko slash bestfriend. Nag aaral kami sa Cross International School dito sa Tarlac City. Sa amin nakatira si Peejay since 1st year high school, dahil nasa Saudi yung parents niya at nagiisang anak lang siya. Halos magkasundo kami ni Peejay sa lahat ng bagay lalo na sa kalokohan. Tinuring na namin siyang kapatid ni Ate Nathalie. Fourth Year high school na kami ngayon ni Peejay at di kami mapaghiwalay ng section. Lagi rin naming napapa highblood ang terror teacher namin na si Ma'am Pat slash Pating dahil daw sa pagiging wild niya kapag nagagalit. BWAHAHAHA!

"Oh Ethan" nabalik ako sa wisyo nang iabot ni Peejay yung tray. "Yan na yung libre ko ah. Wala na'kong utang." turo niya sa pagkain at nagulat na lang ako nang biglang nagvibrate yung phone ko. Sinenyasan ko si Peejay at tumango naman siya. Tinignan ko kung sinong tumatawag.

Faye's Calling...

"Hello?" sagot ko.

"Oh babe! Hi! Free ka mamaya?" tanong niya at nangunot naman noo ko.

"Hmm. Siguro. Kasi may group project pa kami mamaya nina Peejay." sagot ko at biglang natahimik ang kabilang linya. "Babe? Are you still there?"

"Ah ok. So mas importante pa pala yung group project niyo kesa sa kung anong meron ngayong araw na'to?" naging mataray ang boses niya. Mas lalo akong nagtaka.

Bigla kong inisip kung ano bang araw ngayon. At halos mapamura ako nang maalala ko.

"Ano? naalala mo naba?" galit na siya.

"Sorry babe. I forgot"

"It's ok. I used to it. Di naman ito yung unang beses na nakalimutan mo yung special day nating dalawa Ethan." napabuntong hininga nalang ako sa pagkapahiya.

"Babawi ako babe. I'm so sorry."

"Ok lang."

"Hmm. Let's go to the mall. Let's have a date babe! pinilit kong maging masaya para maalis yung galit niya.

"Sige sunduin moko. 8pm" sagot niya saka ibinaba ang linya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

'Bakit ko ba kasi nakalimutan!'

Napahilamos ako sa sobrang pagkapahiya at saka bumalik sa pagkain.

"Nakalimutan mo nanaman ano?" si Peejay.

"Tss. Nawala sa isip ko. Sunod sunod kasi pinapagawa sa'tin ni Pating ih."

Nakaramdam ako ng inis dahil totoong sunod sunod ang pinapagawa ni Ma'am Pat sa'min.

'Kailangan kong makabawi kay Faye mamaya'

Pagkatapos naming mag lunch, napagdesisyunan namin ni Peejay na wag munang pumasok para magpasamang bumili sa kanya ng regalo para kay Faye.

'Si Faye ay 4months ko ng girlfriend. Naging girlfriend ko siya dahil... dahil sa argh! Ah basta girlfriend ko siya. Mahabang kwento at ayokong isipin sa ngayon ang nakaraan'

Napapikit ako dahil nagfa flashback ang lahat! Umiling iling nalang ako para di ko na muling maalala pa.

Pumunta kami sa SM TARLAC para bumili ng ireregalo kay Faye. Matagal bago ako nakabili ng regalo para sakanya.

'Perfume'

Habang naglalakad na kami papalabas ng mall ay may nabangga akong babae. Bago pa siya matumba ay nasalo ko na siya.

"Sorry Miss." napalunok ako at sobrang nanlaki ang mata ko nang magtama ang paningin namin ng babaeng nabangga ko. Di ako namamalikmata.

'Siya nga..'

'To be continued...'

Fall Back [ON GOING] Where stories live. Discover now