"Sige isang tagay pa, last na to ha". Nilagyan ko ng yelo ang baso, binuhos ang alak at inikot ikot ang yelo gamit ang daliri. Huminga ako ng malalim sabay shot sa basong punong puno ng alak. "bottoms up mahmen". Pinilit kong lunukin kahit alam kong masusuka na ako any moment.
Ganyan madalas ang eksena sa twing broken hearted ako. Laging laman ng mga inuman. Mabilis makaladkad kung saan saang gala. Iinom, magpapakalasing magvivideoke hanggang mapaos. Sinusubukang lunurin yung sakit na di mawalawala.
Ako si Rein 24 years old taga sampaloc manila. Isa akong callcenter agent sa makati. Oo tama ka sa iniisip mo bakla ako pero wag ka maingay sa tatay ko ha, di niya kasi alam.
So ayun na nga, lasing nanaman ako kagabi. Peste kasi yang ex bf ko, aba niloko ako. Nahuli kong naglalandi sa isang gay dating app. Tsk tsk sobrang nakaka asar, naglive pa kamo. Pero ewan ko baka nga ganun talaga ang buhay. Sabi nga nila kung hindi para sayo hindi talaga mapapasayo.
Lunes nanaman ng umaga ang sakit ng ulo ko, kelangan bumangon kasi may pasok pa ako. Lagot nanaman ako pag nalate ako. Nakaka ilang lates nako for sure Bi-BINGO nako sa TL ko neto.
"Tok tok tok" May kumakatok sa pinto ko, malamang kapated ko to. Bumangon ako sa pagkakahiga ko, nag tanggal ng muta sa mata at pinunasan ung laway sa kaliwang pisngi ko. Dahan dahan kong binuksan yung pinto. Tama ako, kapatid ko nga yung kumakatok. Kinakalabog yung pinto ko na para bang excited na excited ako makita.
Apat kaming magkakapated pangalawa ako sa panganay. Lahat kami puro lalaki, este sila pala. Ang kuya Andrew ko ay isang successful business man, may ari siya ng isang gasolinahan sa ortigas. Kasal na sya pero wala pa siyang anak. Yung sumunod sakin ay si Cidel 7 years old palang siya. Makulit, bibo at sobrang close ko. Yung bunso naman ay si Lemo 3 years old. Special siya, meron siyang Down syndrome. Sobrang mahal ko ang mga kapated ko. Sila ang pinaka masasabi kong mahahalagang tao sa buong buhay ko.
"Lemo..Lemo... goodmorning!" Sabay karga sa bunso kong kapated na si Lemo. Malaway laway pa yung bibig nya nung biglang humalik siya sa pisngi ko. Yumakap at sumesenyas na itaas ko daw sya. "You want to fly?" tanung ko sa kanya. Sabay tango nya na pasagot sakin. Paborito niya to. Tuwang tuwa siya sa tuwing naghaharutan kami ng ganito. Itinaas ko sya na parang lumilipad, hinagis hagis nang di masyadong mataas. Ang saya saya niya, mga tatlong beses kong pinaulit-ulit yung ganung pagbubuhat ko sa kanya.
"Ambigat mo na baba kana ah?" Sabay tango ulit sya. Binaba ko na sya ng dahan dahan at hinayaang maglaro ulit. Dagli dagli siyang tumakbo sa mga laruan niya at naglaro. Nakakagaan sa pakiramdam yung ganung eksena, nasesense niya lagi pag wasak ako. Lagi niya akong pinapasaya.
Lumakad ako ng dahan dahan habang naka tingin sa tv sa sala. Showtime na pala. Nang makarating ako sa banda kung saan nandun ang hapag kainan namin ay huminto ako para tignan kung anung ulam. Wow! Salad! Lakas maka sosyal. Nagmamadali ako ng dumampot sa ng piraso ng lettuce na nakalagay sa plato nang biglang "Hoy hoy akin yan!" saway sakin ng daddy ko. "Kainin mo yung tocino wag yang salad".
Siya ang daddy ko may edad na din siya, mga nasa 56+ ata hindi ko sure. Pero aktibo parin sya sa sports. Kasal sya sa step mom ko. So napaisip ka no? Oh eto na, dalawa kaming lalaki sa unang asawa which is biological mom ko tapos dalawang lalaki ulit sa stepmom ko. Gets? Oh okay sige move on tayo wag kang masyadong chismoso.
"Bakit late kana umuwe kagabi?" tanung ni daddy. " Ah eh kasi trapik tapos kumain pako sa labas" sagot ko sa kanya kahit hindi, ang totoo naginum talaga ako. "Ah ganun ba... Nako punyeta yang mga trabador jan sa labas sinukahan yung kotse sa gulong" sinabi nya nang may halong gigil sa pagsasalita. Nanliit bigla ang mata ko at kumunot ang aking mga kilay. Iniisip ko, teka suka? Sa gulong? Hahahaha ako yun ha! Na alala ko suray suray pala ako umuwi kagabi tapos pag dating ko sa garahe namin eh di ko na napigilan yung bag baliktad ng sikmura ko sa sobrang kalasingan. Sumuka ako....."uwwwwwaaaakkkk" . Alam nyu na yan tinawag ko ang mga uwak.
YOU ARE READING
LUNES
RomanceIsa itong story ng isang beki na lagi nalang nasasaktan dahil sa pagmamahal. Isang beki na lalaban kahit sa anu mang ihampas sa kanya ng buhay. Halika at kilalanin naten ang mga naging otoko at awra nya at kung paano niya nalagpasan ang bawat pagsub...
