Chapter 30

2.9K 80 3
                                    

-----

*LANCE CARL HAYTON*

Nabalitaan ko yung nangyari kagabi. Sinabi sakin ni Sasha. Tumawag kasi siya eh. At balita ko din na may date si France at Tyler ngayon eh. Kaya nandito ako sa palasyo, gagawin ko lang yung alam kong tama.

"Oh Lance? Nandito ka?" kabababa niya. Nakaayos siya. Ang ganda talaga ni France.

"Pwede ba tayong mag-usap France??" tumingin siya sa relo niya.

"Naku. Pasensya na, may lakad kasi ako ngayon eh. Next time nalang ha?" tinapik niya yung balikat ko saka nagsimulang maglakad.

"Nabalitaan ko yung nangyari kagabi." narinig kong tumigil siya sa paglalakad. Humarap ako sakanya, medyo nakalayo na pala siya. Pero hindi padin siya lumilingon sakin.

"Alam mo bang.... wala na siya?"

"A-anong ibig mong sabihin??" bakit ayaw niyang humarap? Ayaw niya bang makita ko na umiiyak siya? Oo. Alam ko, umiiyak siya.

"Nasa Pilipinas na si Luke. And he's staying there..... for good."

"T-that's good for h-him..." sabi niya bago maglakad ulit, pero hindi ko siya hahayaang umalis hangga't hindi ko nasasabi ang isang bagay na natutunan ko... hinabol ko siya at saka iniharap sa akin. There, I saw her tears.

"Sobra kang mahal ni Luke, France. He treasured you all his life. He's always there beside you, everytime you cry. Yung sakit na nararamdaman niya ngayon, diba yun din yung sakit na naramdaman mo noon? Nung mga panahon na binabalewala ko lahat ng sakripisyo mo?" humagulgol siya,

"Alam kong mahal mo si Luke, kaya nga ako nagparaya. France, hahayaan mo bang pagdaanan ni Luke yung mga sakit na pinagdaanan mo noon?"

"Twing iiyak ka noon ng dahil sakin, lagi siyang nandyan para yakapin ka. Pero, naisip mo ba, na ngayong nasasaktan siya, walang nagpapatahan sakanya?" niyakap ko siya, at hinayaang umiyak. Pati ako, napapaluha, kahit pagbaliktarin ang mundo, KAIBIGAN ko padin si France at Luke. At responsibilidad ko ang i-comfort sila, sa paraan na alam ko.

"Don't be so selfish France. Luke gave up everything for you. He gave his all of him, for you. I'm just wishing and hoping that you'll do the same thing too." kumalas ako at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"Don't make the same mistake I did." I kissed her forehead. Sana, marealize niya lahat ng sinabi ko. Sana, maisip niya, na tama ako.

-----

-----

Author: Paiksi ng paiksi ang UD. HAHAHA! :D

THE END IS NEAR!

Keep on supporting! ❤❤❤

~Strawbelle ❤

The Lost Princess (Luke Hemmings FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon