Chapter 13 -Back

Magsimula sa umpisa
                                    

Natawa naman yung mga kaklase ko. Inirapan naman ako nito.

"Tsk. Ms Saxon you may take your seat." And I did.

Natapos yung kalahati ng araw na hindi ko man lang nasilayan si Wheyi. Ano na kayang nangyari sa kaniya? Hindi man lang ako kinontact buong bakasyon.

Dahil lunchbreak at wala si Wheyi ay napagdesisyonan ko na lang kumain sa main cafeteria. Habang papunta ako roon ay nakasalubong ko si Kurt with his girlssssss. Note the many s at the ending dahil hindi lang lima kundi higat sampu ang mga babaeng nakapalibot sa kaniya. He smirked at me when he saw me. Inirapan ko naman ito. Back to his old habit, wala naman akong pake.

Back to our normal life. Hindi nagpabago ang pagpapakasal namin para magkalapit kami ng tuluyan. Hindi rin kami naging close ng dahil doon. Nilagpasan ko lamang ang mga ito at ganun din naman ang mga ito sa akin.

"Margo." Napalingon ako sa tumawag sakin

Nahigit ko naman ang hininga ko nang makita siya. Chad is handsome as always. May ngiting sumilay sa labi ko at hindi ko 'yon napigilan.

"Chad." ako

"Vacation seemed to changed you a little. You look prettier Margo." Emergherd! Hindi ko alam pero alam kong nag-iinit ang pisngi ko dahil sa komplimentong iyon. Oh Chad you don't know how much effect you has to me.

Naudlot lamang ang kilig ko ng may tumawag dito.

"Bunch!" Yung ngiti ko agad nabura nang makita ang babaeng feelingera. Gusto kong umismid dito pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Bunch nagluto ko para sa lunch natin tara doon tayo sa may field." May ngiti sa labi nito na gusto kong alisin. How dare she interrupt our moment? Argh!

"Ah nga pala Sabby si Margo , remember yung sa party?" The bitch remembered me.

"Of course, Margo." And she smiled at me. That smile I know is the most plastic thing I've ever seen in my entire existence.

Kung plastik siya eh mas plastik ako. I smiled at her that almost made my jaw ache.

"Maybe I should go ahead." Alam ko ang tingin sa akin ni Sabby o scratch that bitch na gusto na akong paalisin. "See you around Chad."

Ngumiting tumango naman si Chad. Nilagpasan ko na ang mga ito at nang lumingon muli ako ay nagtama ang mata namin ni bitch. And I freakin saw that evil smirk on her face like showing me that she won. Plastik!

Padabog akong dumiretso sa cafeteria at umorder na.

"Hamburger nga po then fries." Inabot naman sa akin yung order ko at inabot ko na yung bayad dito. Pagkatapos non ay naghanap na ako ng mauupuan.

Wala na kong makitang bakante kaya nagsimula na kong maglakad palabas.

"Hey here!" narinig kong may tumawag sakin

Napalinga-linga pa ako hanggang magtama ang tingin namin. Paanong nandito yan eh kanina nalagpasan ko siya? Yung totoo ninja?

Siya lang mag-isa sa lamesa at kahit ganoon ay wala akong balak na umupo doon.

Nagpangap akong 'di ko siya nakita at naglakad papalabas pero agad din akong napatigil ng may humawak sa akin sa balikat. Lumingon naman ako kaagad at nagtama ang tingin namin.

"What?"

"What what? I'm offering you a seat." May galit sa boses nito.

"Thanks but no thanks. I'm having my lunch alone." Tinabig ko pa ang kamay niya sa balikat ko.

"What's wrong sharing seat with your husband?" I rolled my eyes heavenwards at agad siyang hinila malayo sa mata ng mga tao roon.

"Listen Kurt, alam mo namang iniiwasan kong maungkat ang kung anong meron sa atin. Ano sa tingin mo ang iisipin ng iba pagnakita tayong dalawa na magkasama? Did you even think of it?" naiirita ko namang saad dito.

"And do I need to care? We all have our own opinion. They can say things about us having relationship but Margo I'm just being kind to offer you a seat."

"You're not!" akusa ko rito.

"I am." Parang nauubusan na ng pasensyang saad nito. " Fine. You win. You'll have your lunch in peace, alone." Him and his sarcastic remarks.

"Thanks for the consideration." I smiled fakely.

"But remember you're my wife, and a wife obeys her husband." May kakaiba ng ngiti sa labi nito.

"Tama na sa kakahusband at baka masapak na kita."

"Chill wife." Natatawa nitong saad na kabaliktaran naman sa masamang tingin na tinapon ko sa kaniya. "And I will not be home early. I'll have to finish a group project."

"Bahala ka!" Naiinis ko pa ring saad.

Pinapatay ko pa siya sa tingin ko ng may babaeng lumapit sa amin and what surprised me was when she kissed him in front of me. In front of my very eyes! Napaiwas naman agad ako ng tingin.

Walanghiya! Harap-harapan ang pagtataksil. Pero ano namang pakielam ko? Ano ngayon? Oo Margo, ano ngayon?

Bumaling naman ako muli ng tingin dito ng husto na akong kumalma. " Kahit 'wag ka nang umuwi!" And I stomped my feet walking away from them. Damn the leech! Damn you Ferrer!

I swear I'm seeing blood right now and this feeling is not right. I should not be affected by him!


Marrying Mr. StupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon