"Cesca.." Banta ko rito.



Gosh! Palagi nalang ba ako nitong tutuksuin?



"What!? I'm serious kaya, sige na have fun with baby girl.. Puntahan mo nalang ako sa place ko after. Mwuah!" Depensa nito bago binaba ang tawag.



I know mali itong ginagawa ko. Una may Asawa't anak na ako, pangalawa kahit saang anggulo mali ang makiapid sa iba at pangatlo isa na siyang parte ng kompanya malamang sa malamang papagalitan ako nila Mama lalo na si Ate sa oras na malaman nila ang estado namin ni Cesca. Fck buddies.


Hindi ko nga alam kung anong nakain ko at hindi ko ako maka "Hindi" kay Cesca, plus the fact na siya mismo na rin ang lumalapit sa akin. Minsan.


"Uy.. Diana, Matagal ka pa ba dyan? Nababagot na kami ni Ysabelle dito" Saad ni Awit nang makalapit ito sa akin.


"Ahh.. Yeah, tapos na sorry kung natagal" Sagot ko bago binulsa ang cellphone ko, at sumunod sa kanila.



Focus Diana! Mag-focus ka sa Anak mo.


"Hmm.. So saan tayo magsisimula?" Masiglang tanong ko pa sa kanila.


"Sa Toy Store po muna tayo Mama" Sagot ni Ysabelle.


"Tara na pala, nasa 2nd floor lang naman yun" Aya ko sa kanila.


"Ehh, Anak may naisip ka na bang gusto mo pa para sa birthday mo?" Tanong ko ulit habang papunta kami sa toy store ng mall.


"Mama ang kulit mo naman po, ang gusto ko lang naman ay simpleng birthday party at kapatid, yun lang" Medyo naiinis na sagot nito.


Napakamot naman ako ng kilay sa sagot nito. Hindi ko na maalala kung nasabi ko na ba sa kanya na magkakaroon na ito ng kapatid sa Mommy nito o sadyang gusto na niya makakita mismo ng sangol mula sa amin.


"Mommy Awit pwede mo ba akong bigyan ng kapatid?" Inosenteng tanong nito kay Awit.


"Nakakagulat naman yang tanong mo Baby, but to answer your question, Yes pwede kitang  mabigyan ng kapatid" Tugon naman ni Awit.


"Talaga po, bibigyan niyo po ako ng kapatid!?" Namimilog mata nitong tanong.


"Awit ano kaba baka umasa yung bata" Mahinang bulong ko naman rito.


Baka umasa si Ysabelle na mabibigyan talaga siya ng kapatid ni Awit in just a snap.


"Oo naman, basta mahanap muna ni Mommy Awit mo ng magiging katuwang niya sa pagpapalaki sa kapatid mo" Sagot naman ni Awit.


"Bakit hindi nalang po si Mama?" Inosenteng tugon naman nung isa.


"Anak.." Tawag ko rito. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na hindi madali yung hinihingi niya sa amin. 


"Gutom lang yan, kumain na lang muna tayo" Pag-iiba ko ng usapan. Natatawa naman habang umiiling si Awit sa naging palusot ko.


"Pero Mama hindi pa po ako nagugutom" Kontra nito.


"Ako baby gutom na, tara na muna" Pilit ko naman.


I'm not the only one (ToLine) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz