Chapter 4: Blood and Guns

Start from the beginning
                                    

My eyes widened as I stared far into the dark road. May nakita akong isang lalake na nakatingin sa akin with scary red eyes. Pumikit ako ng mga 5 seconds. Sana imagination ko lang iyon. Unti-unti kong minuklat ang aking mga mata. Nawala ang lalake pagkadilat ko.

Sa sobrang takot ko agad akong pumara ng taxi. Bakit ang malas ko ngayong araw na ito. Kanina isang Gangster na may Baril, ngayon naman isang red-eyed someone sa gilid ng kalsada. 

"Manong sa diyan lang po sa bar", sabi ko sa Taxi driver. Gutom na gutom na talaga ako. Kung saan saan pa kasi ako dinala ng basketball player, ay este, gangster na si Kevin Ravena.

Huminto ang taxi sa isang bar. Buti nalang at dala ko ang aking purse. May mga 5000+ pa ako. Sapat na ito para maka survive sa isang gabi. Naloko namin ni Cheska ang mga bad gangsters kahapon. Akala nila may pera talaga yung mga ibinigay namin.

Agad akong pumasok sa bar. Gutom na gutom na talaga ako. Punong puno ito ng mga lalake, pinaulanan ako ng mga tingin habang dumadaan sa gitna nila. Ang masaklap pa ay maliit ang skirt sa Vampire University. Sino ba kasi ang Principal ng University. Sinunod pa talaga nila ang Japan sa school uniforms.

"Witwew"

"Miss upo ka dito"

"Virgin ka paba?"

"Ang sarap mo"

"Tabihan mo ako dito"

"May boyfriend kana?"

Iyan na nga ang sinasabi ko eh. Boys will always be boys. Iyan ang hindi ko gusto sa mga lalake. Mga walang modo. Iniwasan ko nalang ang mga catcalling nila at pumunta sa cashier.

"Good Evening Ma'am, what's your order?", tanong ng cashier.

Napatingin ako sa mga menu nila. Picture pa lang ng mga pagkain ay masarap na. 

"Mmmm... Pa order nga po ng isang-"

Di ko na naituloy ang sinabi ko ng may lasenggerong umakbay sa akin. Amoy na amoy ko pa ang alak sa kanya. Walanghiya. Tinadyakan  ko siya. Natumba siya at napahawak siya sa kanyang tagiliran sa sakit.

Agad na lumapit ang apat niyang mga kasama at tinulungan siyang tumayo. Pinalibutan ako at tiningnan ako ng masama. Nako naman. Bakit ang malas ko ngayong araw na ito.

Napatingin ako sa cashier. Yumuko lang siya. Mukhang wala siyang magagawa para tulungan ako.

"HAHAHAHAH! Ako ang nagmamay-ari ng Bar na ito bata. Bilang kapalit sa ginawa mo sa akin, magiging akin ka ngayong gabi", sabi ng walanghiya saka nag smirk. Unti-unti na silang lumalapit sa akin.

I  tried to land a punch. Mukhang wala itong epekto sa kanya. Hinawakan ng dalawang kasama niya ang mga kamay ko. Pinilit kong pumiglas. Napakalakas nila.

Tiningnan ako ng bar owner mula ulo hanggang paa. I can see the lustful intent in his eyes.

"What a cute hottie, siguro wala pang nakakagalaw sa iyo"

"Pervert!", sabi ko sa kaniya habang tinitingnan siya ng pinakamasamang tingin na matatanggap niya sa buong buhay niya. 

Nag smirk ang bar owner. "Ok boys, dalhin na yan sa taas, may overnight session pa kami mamaya"

Napakalakas nila. Nilabas ko na ang buong lakas ko. Kahit na napakahina ko para sa kanila. Pinilit ko pa ring pumiglas. Nakasalalay dito ang pagkatao ko ngayon. Hindi ako papayag na abusuhin lang ako.

Pumikit ako. Sana makatakas ako dito. Malaki ang expectations nila mama at papa sa akin. Ako ang kanilang pag-asa para maiahon ko sila sa hirap. Hindi ito maaari.....Dito na kaya magtatapos ang mga pangarap ko?

Vampire UniversityWhere stories live. Discover now