"HOY ATHENA! BUMANGON KANA D'YAN ABA! ANONG ORAS NA! WAG KA NGANG MAG PILING SLEEPING BEAUTY, DAHIL WALA KA NAMAN BEAUTY! SLEEPING LANG! WHAHA!" Umagang-umaga bwiset talaga 'tong tita ko. Kung makasigaw wagas na wagas.
Akala mo kung sinong maganda. Hiyang-hiya naman ako sa mukha niyang tadtad ng Butas! Eewee!
"Tita, naman ang aga pa e." Pagrereklamo ko saka bumalik sa paghiga.
"Ah, ganun ba? o sige, wait lang." Sagot naman niya saka umalis. Buti naman at lumayas na ang kontrabida kong tita! Whahaha! Natakot sa beauty ko teh.
"Makatulog na nga lang ulit." Naputol kasi yung maganda kong panaginip. Badtrip kasi si tita e. Hahalikan na ako ng Prince Charming ko e. Nandun na. konting push nalang sa mga labi ko na e!
"Hindi na nga ako ganun kaganda-wait, ako hindi maganda? Hindi kaya." tapos ipagkakait pa nila ang first ever kiss ko. Don't tell me, pati si panaginip tutol magkaroon ako ng gwapong fafa? Letse naman oh! Mga bitter ba sila o inggit lang sila dahil may extraordinary akong ganda? Pfft! Natatawa ako kapag naiisip ko yun. As if namang may panama sila sakin?
Asa!
Pipikit na sana ako para matulog muli kaya lang bigla nanaman dumating ang kontrabida ng buhay ko! Naku, naku, naku! kung hindi ko lang tita 'to. Tss. Tiyak nakahandusay na yan sa sahig at punong-puno ng dugo. Mabuti na lang mapagtimpi akong tao.
"Hindi ka talaga babangon diyan?" Tanong nanaman sakin ni KB(kontrabida) para siguraduhin kung tatayo ba ako o hindi.
"Hmmmm.."
"Aba't may pa-HMMMM-HMMM ka pang nalalaman diyan! Di ka talaga babangon? Bibilang ako ng tatlo! kapag 'di ka pa tumayo diyan sa kinahihigaan mong gaga ka, asahan mong may masayang mangyayari sa'yo!" pagbabanta nito na halata mo sa pananalita niya.
Pagkarinig ko nung huling sinabi ni KB ay agad akong nagtalukbong ng kumot. Ahihihi. May masaya raw na mangyayari akin kapag di ako bumangon.
Ahihihi!
Excited na ako.
Pabor pa sakin yun noh!
Tignan mo kasi, makakapagpahinga na ako, tapos may masaya pang mangyayari sakin! Aba matinde! 2-in-1! LAB IT! Hart-hart ka sakin!
"Sige na po tita, magbilang na kayo. Ahihihi." excited at medyo kinikilig kong sabi sakanya.
"O,sige ha. Ayaw mo talagang bumangon diyan? Magbibilang na ako."
"OO NGA! PAKIBILISAN ANG PAGBIBILANG HA!? TAGAL-TAGAL! IPAPAALALA KO LANG SAYO NA WALA TAYO SA CONTEST PARA MAG PABITIN EFFECT KA DIYAN! WALA KANG FUTURE KAPAG NAG EMCEE KA! DI BAGAY! LETSE!" Ayan nasigawan ko tuloy, ang bagal kasing magbilang parang shunga!
"Bastos na batang 'to!" angal nito at mabilisang nagbilang ng 1 to 3.
Pagkarinig ko nung 3, bigla akong kinilig.
LITERAL na kilig na halos manginig na ako.
"Ay, PUT*NGHE*A! GRR! ANG LAMEEEEEEEEEGG! LETSE KA KB! ANG LAMEEEG!! DEPOOHTA KANG ANIMAL KA NA NANGGALING PA SA BASURAHAN!!" Napabangon ako dahil binuhusan ako ng WALANGHIYANGKBNAHINDINAMANKAGANDAAHANKALAMOKUNGSINO! ng nagyeyelong tubig!
"Ano ba naman yan tita! Gusto niyo ba akong magkasakit? Ang lamig na nga ng panahon, NOT TO MENTION umuulan pa anong trip niyo't binuhusan niyo ako ng nagyeyelong water? Abamtinde ka!" Inis na inis kong talak sa HINAYUPAKNASIKB! pisting yawa!
"Buti nga sayo! BOOMBASA! ayaw mo pa kasing bumangon diyan sa banig mo. NOT TO MENTION DIN! na nakaharang sa pintuan. At saka napapansin ko lang mukhang napapadalas ata ang pagsagot-sagot mo sakin!?" anito saka itinukod ang isang kamay sa bewang niya. "Aba Athena! baka nakakalimutan mong Tita mo ako!" Halos magtayuan lahat ng buhok ko sa takot.
ESTÁS LEYENDO
Epic Lovers
HumorA story that is full of epic scene. Meet Athena hindi kagandahan pero pinagpala sa pagiging mabait at puno ng kalokohan. Silipin mo na ang storya niya. Isang basahan lang naman ito. Enjoy
