CHAPTER 28.1: Tyrone's Birthday

Začať od začiatku
                                    

"UWAAAAA~ TYRONE, PLEASE... KAHIT ISANG I LOVE YOU LANG MAG-TEXT KA NAMAN! T^T" kausap ko ngayon yung picture ni Tyrone dito sa cellphone ko. "Hindi ka ba mag-te-text man lang ha? Huy! Tyrone!!! Isang text lang, please!! Ang sweet sweet ko tapos ganyan reply mo sakin? Naknangtokwanamanoh." Kausap ko pa rin yung picture ni Tyrone.

ARGHHH!!! BAKIT AYAW NIYA MAGSALITA??!!! щ(ಠ益ಠщ)

*****

October 30. Wednesday. Tyrone's Birthday.

Dahil halos umaga na ako matapos sa ginagawa ko, hindi na ako nakakain ng breakfast at diretsong lunch na ang kain ko. Paggising ko ay para akong mangkukulam sa gulo ng buhok ko. May bed lines pa nga na nag-marka sa mukha ko eh. (_ _)"

Pinalinis ko yung kwarto ko kay Nanay Lisa. Luckily, nagawa ko namang tapusin ng supeeeerr ganda yung regalo ko. Nilagay ko rin iyon sa isang kahon at binalutan. Aba naman, kung hindi pa talaga ma-appreciate ni Tyrone itong gift ko masasakal ko na talaga sya. ( ̄へ ̄)

Mga bandang 4 PM ay nag-ayos na ako. Mamayang 6 PM kasi ang start ng party ni Tyrone. Simula kanina ay hindi pa nagpaparamdam si Tyrone, siguro busy lang talaga sa pag-aayos ng party niya... pero si Rick naman daw bahala dun eh? Ay ewan.

I'm now wearing a denim dress. It's actually a dress na hanggang legs lang ang haba at ang tela ay denim. Naglagay ako ng black waistband belt para naman hindi masyadong plain. I also folded the sleeves hanggang sa may elbows ko. Inayos ko yung collar nitong dress at naglagay na rin ng isang simpleng necklace at ear rings.

I look nice! Simple lang yung damit ko pero maganda namang tingnan!!~ ^-^

Nung ayos ko na yung damit ko, nagsuot naman ako ng tamang kataasang black heels. After that, I sat down on my vanity and face the mirror. Ready na akong mag-apply ng light make-up on my face and do loose waves to my hair. I did it for almost an hour. For the finishing touch, I decided na maglagay ng hairpin sa isang side. Oh, diba? Simple pa rin pero ang ganda ng dating. ;)

Nagdala lang ako ng isang black pouch para sa phone and wallet ko. Syempre, hindi ko kinalimutan yung present ko for Tyrone. Grabeng puyat at hirap ang dinanas ko dito. Huhu! T^T Dahil nagpaikot- ikot pa ako, 6 PM na rin ako nakaalis ng bahay. Pero hindi ako dumiretso sa party ni Ty, I asked Manong Jose na dumaan muna kami sa bahay nina Charisse at Aira. Sabay- sabay kasi kaming pupunta sa party since di nila alam kung saan yung apartment ni Tyrone.

"Yun! Ang tagal niyo naman!!" si Charisse yung huli naming sinundo. Kasama ko na ngayon si Aira, dito sya naupo sa may right side ko.

"Ito kasing si Aira! Hindi pa ayos nung dumating ako!" Pag-susumbong ko kay Cha. Aira kasi eh, nag-aayos pa lang sya ng make-up niya nung dumating ako. Tinulungan ko pa para mapabilis.

"Sorry na nga eh. Nakatulog kasi ako~ Hehe!" sabi niya. Haynako. Aira talaga! Halos kalimutan niya yung birthday ni Tyrone, tinulugan pa, tuloy di sya nakapag-ayos agad. (-___-)7

Loving a 'G'Where stories live. Discover now