Sound Check

49 0 0
                                    

Chapter 00

                “Sir Billy! Good afternoon po!”, pabati ng limang hayskul na estudyante sa akin nang pumasok sila sa computer laboratory kung saan ako nagoopisina. Ang limang ito, apat na lalaki at isang babae, ay ang bumubuo ng banda na nagrerepresenta sa paaralang pinagtuturuan ko ngayon.

                “Oh, bakit? Naparito kayo?”, tanong ko sa kanila habang naghahanda ako sa paguwi ko dahil natapos na rin ang maghapon na mga gawain at oras na ng uwian. Nagtatabi na ako ng gamit at nagsasara na ng mga computer.

                “Sir, parang ang lungkot ninyo ngayon.”, tanong ng drummer nila sa akin na nakahalatang may itinatago akong sama ng loob. Hindi agad ako sumagot pero nangulit sila.

               

                “Sir?”, ika ng gitarista.

                “Sige na. Sa totoo lang, masakit palang mamatayan ng isang katropa sa pagbabanda.”

                “Sino po, Sir?”

                “ Basta…”, natahimik ako dahil ito na naman ang pagsikip ng dibdib ko dahil nagpipigil ako ng lungkot na kumawala sa mata ko, “siya yung… tumulong sa pagbabanda naming noong high school pa kami.”

                “Sir, pwede po ba kayo magkwento ng tungkol sa pagbabanda ninyo?”, ika ng drummer.

                “Eh, pauwi na rin ako, totoy.”, sagot ko.

                “Sige na po, Sir.”, pagmamakaawa ng dalawa sa kanila.

                “Hay naku. Sige na pero kahit konti lang, ha? Pauwi na rin ako eh”

                “Ayan na si Sir. Go, Sir!”, nakangiti nilang sagot. Lumapit na sila lalo sa akin sa table namin ng mga co-teachers.

                “Pero paalala ko lang, iibahin ko mga pangalan nila dahil ayoko rin na ikwento sila ng basta-basta.”, sambit kong mahinahon nang bigla akong magsimula ulit, “Nagsimula iyon noong…”

Sound CheckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon