“Call us Mama and Papa, anak. Congratulations to both of you. I’m happy that Kathryn had finally met the man of her dreams.” Naiiyak na sabi ng Mama ng dalaga.

“Huwag na huwag mo lang papaiyakin ang anak ko, Elvin. Kahit saang lupalop ka pa ng mundo magtatago, hahanapin kita.”

“Papa! Hindi pa nga kami naikakasal, tinatakot mo na ang Sinta ko.”

“Sinta? You mean you call your boyfriend Sinta?” Natutuwang tanong ng Mama ni Kathryn.

“Yes! Ang cute, Mama ano?

“Makaluma pero sige na. Iyana ng gusto nyo eh. Aalis na kami ng Papa mo ha, mukha kasing may lakad pa kayong dalawa.” Tinignan nito ang asawa na seryoso pa ring nakatingin sa dalawa.

“Akala ko ba buong..”

“Honey, may lakad ang mga bata, baka magpaplano pa sila para bukas.”

Napilitang tumayo ang Papa ni Kathryn. “Sige na nga, siguraduhin mong darating kayo bukas, Elvin.”

“Yes, Sir, I mean, Papa.”

***************************

“OMG! OMG! OMG! Kathryn! What are we going to do! Hihimatayin yata ako!” Nagpapanic na sabi ni Elvin nung nakaalis ang mga magulang niya.

“Alam mo ang mangyayari kapag hinimatay ka, Sinta.” Kathryn smiled.

“Stop it! I’m not joking here! Nakikita mo na ngang ngarag na ako! Imagine, bukas kami mamamanhikan sa inyo? We don’t have enough time!”

Kathryn still smiled, kapag pala nape-pressure ang baklitang ito ay nagiging tunay na lalaki. Ni hindi mo mababakasan ng pagka bakla, nakakatuwa at mas lalong nakaka in-love. Ano kaya at lagi niya itong tarantahin?

“What are you smiling at!”

“Pag ganyan ka, mukha ka talagang lalaki. Wala namang problema, Sinta, eh di pumunta tayo sa bahay ninyo ngayon at sabihin natin sa mga magulang mo at kamag-anakan na kailangan na nilang mamanhikan bukas.”

“Oo na, wala tayong choice but to go to our house at nang maipakilala na kita sa aking mga oldies. We could not let my other relatives know you at this time dahil uber layo ng Mati from here, we don’t have time, so sa Toril na lang muna tayo.”

“Okay, Sinta! Gorabells!”

“Weyt! As in weyt! Can you change that Sinta please..pleeeeeeeaaaseee, call me other name but not Sinta.”

“Nakakaimbiyerna ka naman.” Papalabas na sila ng unit nito. “Ikaw na nga ang mag-isip.”

“Thanks! Right now, I’ll call you Kathy. Kotse ko ng gagamitin ha.”

“Oo na, eh anong itatawag ko sa iyo?” Ang arte naman kasi ng baklang ito, ayaw ng Sinta.

“Hmmm. Kathy sa iyo, Barbie na lang sa akin.” Then tumawa ito ng malutong.

Nakatingin lamang sa kanya si Kathryn, aware ba ang baklang ito na lalaking-lalaki siya kung tumawa ng ganito?

“Bagay ano? Bethlehem ko ang Barbie.”

“Tumigil ka, halikan kita jan, makita mo.”

Natigil si Elvin dahil nasa labas na sila at may mga tao. “Direcho na tayong Toril ha, tatawagan ko na lang si Mamang at Papang. Be ready Kathy, magtatanong silang tiyak, alam kasi nila na isa akong conalei (bakla), siyempre, umamin na ako no. Hirap kayang maging closet king.”

“What was your parents’ reaction nung sinabi mong bakla ka?”

“Hay! I saw disappointment really. But you know what, naniniwala pa rin sina Mamang at Papang na magiging lalaki ako. Lakas ng fighting spirit ano?”

“What if sabihin ko sa iyong ganun rin ang nararamdaman ko?”

“Stop me! Hay nako! Nakakaimbiyerna na. Mag radio tayo ha, okay lang ba?”

“Sure!”

Naghanap ito ng okay na radio station. Pampatanggal inip dahil sa traffic. Sinabayan ni Kathryn ang kanta. Maganda ang boses nito.

“Kumakanta ka ba, Sinta Ko?”

“Barbie, not Sinta.”

“Sira ka talaga, sige, tatawagin kitang Barbie Ko kapag kinantahan mo ako.”

Elvin rolled his eyes. Pacute talaga ang mujer na ito. “Bahay Kubo lamang ang knows ko na song.”

Kinikilig si Kathryn na hindi niya alam. “Then sing it for me.”

“Are you sure?” May naiisip na kalokohan si Elvin. Akala ng babaeng ito ha.

“Sure na sure!” Tumitig pa sa kanya si Kathryn. “Kantahan mo na ako, Barbie ko.”

“Okay! Bahay Kubo, beki version.” Tumikhim pa ito.

Valer kuberch, kahit jutey

Ang julamantrax denchi,
Ay anek-anek.
Nyongkamas at nutring,
Nyogarilyas at kipay.
Nyipay, nyotaw, jutani.
Kundol, fyotola, kyupot jolabastrax
At mega join-join pa
Jobanos, nyustasa,
Nyubuyak, nyomatis, nyowang at luyax
And around the keme
Ay fulnes ng linga.

Tulala si Kathryn!

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon