Chapter 42: Evil Witch

Magsimula sa umpisa
                                    

“I’m really happy Xander at nagising ka na din sa katotohanan. Alam mo wala ka naman talagang magandang makikita diyan kay Louise. Princess nga pangalan niya pero hindi naman bagay sa kanya, para siyang katulong.”

Kanina pa satsat ng satsat si Megan habang kumakain kami. Ayoko mang makasama siya, hindi ako pwedeng umayaw dahil alam ko kung ano ang magiging kapalit non.

“Pwede ba Megan huwag kang magsalita ng ganyan kay Louise?”

“Bakit Xander? Kinakampihan mo ba siya? Ako ang girlfriend mo hindi siya.”

Hindi ko na pinatulan si Megan at nagpatuloy nalang sa pagkain.

“By the way Xander, narinig ko na nasagasaan daw si Louise. How true?”

“Dahil iyan sa Tatay mo Megan. Paano niyo ba nakakayanan ang mga ganyang bagay? Paano kayo nakakatulog sa gabi gayung alam niyong may mga tao kayong sinasaktan.”

“Huwag mong pagsalitaan ang Daddy ko ng ganyan Xander mabait siyang tao.”

“Kung tama nga iyang sinasabi mo, hindi na niyasanaako pinilit sa bagay na hindi ko gusto. Megan nakipagkita ako sa’yo hindi para makipag date sayo.”

“Anong ibig mong sabihin Xander?”

Hindi ko masasabi kung may alam ba si Megan sa ginawa ng tatay niya sa’kin.

“Gusto ko lang linawin sayo ang lahat. Kaya mo lang ako kasama ngayon dahil pinilit ako ng Tatay mo. Hindi kita mahal Megan, kahit na tayo ang magkasama ngayon naiwan parin ang puso ko kay Louise.”

Napatigil na lang sa pagkain si Megan at parang naiiyak na.

“Xander, kahit mahal mo pa si Louise ngayon alam kong matututunan mo din akong mahalin balang araw at hihintayin kung dumating ang araw na iyon. Hindi ako magsasawang hintayin ka kahit gaano katagal. Gusto ko lang na makasama kita.”

Gustuhin ko mang maawa kay Megan, hindi ko magawa dahil kung tutuusin ako ang pinakakawawa dito.

“Ayokong paasahin ka Megan. Ikaw lang din naman ang masasaktan. Kung talagang mahal mo ako pakawalan mo na ako at hayaan mo na kaming maging masaya ni Louise.”

Alam ko hindi ko kayang labanan si Raven pero alam ko kung ano ang kahinaan niya at si Megan iyon.

Akala ko na papayag na si Megan sa gusto ko pero bigla nalang siyang tumayo mula sa kinauupuan niya. Napatingin tuloy ang mga taong nasa paligid namin kay Megan. Galit na galit ang mukha niya.

“Hindi mangyayari iyan Xander. Pinapangako ko sayo na magiging masaya ka sa piling ko kaya huwag kang mag-alala.”

“Pero Megan…”

“Nawalan na ako ng gana umalis na tayo.”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon