Prologue:

1.5K 37 0
                                    

"Alex, please don't do this to me" umiiyak na sambit ng babaeng mahal ko at pilit na inaabot ang kamay ko na agad ko ding iniwas.

Kailangan ko itong gawin. Kailangan ko maging matatag.

"Believe me it would be best for both of us. For you." sagot ko na hindi makatingin sa kanya dahil konti na lang maiiyak na ako. Isipin ko palang na mawawala siya sa akin hindi ko kaya.

"No! baby please wag kang sumuko agad. Kaya natin to." sagot niya at lumapit sa akin.

Umiwas ako ng tingin at tumingala para pigilan ang luha na nagbabadyang tumulo sa mga mata ko.

"I don't need what's best for us baby, All I need is you" she said at tuluyan ng lumapit sa akin. Hinawakan ang pisngi ko at marahang iniharap sa kanya at nagkatinginan ang aming mga mata.

Namumula na ang kanyang mga mata at panay ang hikbi.

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko bibigay na ako.

Damn! Hindi ko kaya makita siyang ganito!

"Don't you love me anymore?" She asked at doon lang ako tumingin sa mga mata niya at nakita ko ang luhang pumatak sa mata niya.

"Kilala ko si dad baby, hindi ako papayag na may gawin siyang hindi maganda sayo."

"Hindi ko kakayanin." Dagdag ko pa at hindi ko na napigilan ang mga luha sa mata ko.

"I am asking you. Kaya ba hindi mo na ako kayang ipaglaban? Akala ko ba walang bibitaw?" At napahagulgol na siya.

Shit hindi ko na kaya!

Niyakap niya ko at para akong nanigas sa kinatatayuan ko. No! Hindi pwede!

Inalis ko ang mga kamay niya na nakayakap sa akin at nakita ko ang sakit, galit at lungkot na dumaan sa mga mata niya.

Kaya agad na akong tumalikod at naglakad patungong pintuan. Hawak ko na ang door knob nang magsalita siya.

"Subukan mong lumabas ng pintuan na yan at makikipagbalikan ako sa kanya! At hahayaan ko kung ano man ang isipin ng ibang tao at magpapahalik ako kahit kanino!" Sigaw niya

Agad akong napalingon sa kanya at mabilis na naglakad papunta sa kanya.

"Damn you! Hindi mo ba naintindihan na para sayo to kaya ko to ginagawa. Kasi mahal na mahal kita!" Sigaw ko at isinandal siya sa pader.

"Mahal din naman kita Alex please" at hinalikan niya ako.

Hindi ko namalayan na tumutugon na ako sa mga halik nito. Mahal na mahal ko ang babaeng to.

-------

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

I do not own any of the picture that has been used or I will be using. Credits to the owner of the pictures.

Plagiarism is a crime.

All rights reserved

pinkroses_025 😘

This Kind of Love [GirlxGirl] {ON HOLD}Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ