Like Violence, It Kills Me

Começar do início
                                    

Tumango ako.”Puntahan ko lang si Kristine. May problema daw e.”

Nagpaalam rin ako agad para kumuha ng ilang pares ng damit. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero pansin ko kasi na parang pinapakiramdaman kami ni tita kanina. Ganun rin si mama kapag may kasama akong babae kasi.

Kahit nasa kwarto ay naririnig ko pa rin ang pag-uusap nila.

“Yung Kristine ba yung napapabalitang girlfriend ni Ara?”

“Di ko alam. Hayaan mo na nga siya mama. Matanda na yan si Ara alam na niya ang ginagawa niya.”

Humiga muna ako sandali habang hinihintay ang reply ni K. Nakakahiya namang biglaan akong sumulpot sa bahay niya nang walang pasabi. Naging mas mabuting magkaibigan kami after ng break up namin. Weird set up pero mas napabuti pa ito para sa aming dalawa.

Napaangat ang tingin ko sa pinto nang bumukas ito. Pumasok si Mika na nakapameywang at nakatungo sa akin.

“Bakit?”masungit niyang tanong.”anong pag-iinarte yan Ara? Bakit kayo magkikita ni K?”

“Catching up lang.”Kahit hindi pa nagrereply si K ay tumayo na ako at hinigit ang bag ko.”Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita hihilain sa mahirap na sitwasyon e. Puntahan mo na si Tita baka maghinala pa siya e. text ako kapag kasama ko na si K.”

Pinigilan niya ako sa braso nang lalabas na ako ng kwarto. “Best, sorry.”

Marahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako tuluyang umalis.

---

Naka-off ang phone ko. Hinihintay ko pa rin si K sa 7 eleven. Anglabo mo Ara! Gusto kong pektusan ang sarili ko. Nakadukdok ako sa mesa nang may dumagok sa akin.

“Aray naman!”reklamo ko.

Nakangiti si K na hinigit ang bag ko.”Huwag dito baka sugurin ako ng mga fans niyo.”

Kahit papano makikinig yan hanggang sa mapagod ako sa kakakwento tungkol kay Mika.

“Akala ko ba solid Mika Reyes ka? Bakit ako ang kasama mo ngayon? taksil mo.”

Kinwento ko sa kanya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

“So? Takot ka niyan kay tita Baby?”

Tumango ako.”anglakas kaya ng kabog ng puso ko kanina. Parang lalabas na nga sa ribs ko e!”

“Tapos ginawa mo pa akong excuse huh? Baliw ka talaga. parang gusto mo na talang magalit sa akin ang mga fans niyo. Matapang ka diba? Kausapin mo si tita.”

Sumubo ulit ako ng hipon.”Hindi kasi ikaw ang nasa sitwasyon kaya ganyan ka magsalita.”

Laking pasalamat ko sa kanya kasi pumayag siyang tulungan ako para maiiwas ang atensyon ng karamihan. Siguro sa ganitong paraan naman mabawasan ang pagdududa ni Tita Baby.

“Sure ka dito ha? Maiisyu ka sa school mo.”paalala ko sa kanya.

Tumango naman siya.”Sanay na ako kapag kadikit kita Issue na agad yan. Sikat e.”

Pagkapost ko ng picture naming ay pagkarami-rami nang interaction sa twitter at mabilis rin itong kumalat sa iba’t-ibang fan pages. Nakatanggap na rin agad ng pamababash si K sa personal account niya.

“Anghirap rin kapag sikat ang ex e no?”natatawa niyang inilapag ang phone niya.

Pati naman ako nakaricib ng mga texts ng team. Nanghihingi ng paliwanag. Pati si Mela, sandamakmak na mura ang natanggap ko pero iniignore ko na lang.I-noff ko na lang ulit ang phone ko the whole time na magkasama kami ni K.

--

Hinatid rin naman niya ako sa dorm. Wala daw siyang balak iuwi ako sa bahay niya dahil baka umagang-umaga e papuntahin na ako ng mga magulang niya sa bahay nila. See? Boto sa akin ang pamilya niya pero sadyang hindi kami compatible.

Mag-8:00 na nang makarating kami sa dorm. Bumaba kami pareho ng kotse.

“Sigurado ka na ba diyan?”tanong na naman niya.

Tumango ako.

“Pero diba? Ikaw na rin ang nagsabi na kakayanin mo?”

Malamyang ngiti lang ang naging tugon ko sa kanya.”Hindi ko gustong mag-away sina Mika at tita dahil sa akin. Ganito ako e. alam mo yan.”

 Mahina niyang pinitik ang noo ko. ”Sa sobrang pagmamahal mo kaya mong makita siyang masaya kahit hindi ka na parte ng buhay niya, ganun?”

“Huwag mo nang ulit-ulitin baka maging selfish na ako.”

Niyakap niya ako saka tinapik sa likod.”Pakatatag ka kung ganun. Tawag lang kung kailangan ng kausap ha?”

Pagkapasok ko pa lang ng dorm na kaabang na si Mika. Titig na titig sa akin habang nakahalukipkip sa sofa.

“Buti umuwi ka pa…”

“May bisita siya hindi ako pwede sa bahay niya. Bakit nandito ka? Akala ko uuwi ka sa inyo.”

Tumayo siya saka nagtungo sa harapan ko. Nakatingala ako sa kanya dahil di hamak na mas matangkad siya sa akin.

“Nananadya ka ba Ara? Bakit magkasama kayo ng ex mo?”

“Dahil gusto ko siyang kasama. Wala namang masama dun diba?”

Anglaki mong sinungaling Ara! Bakas na ang galit sa mga mata niya pero ramdam ko rin na may hinala na siya kung bakit ako nagkakaganito.

“Matutulog na ako.”

Lalampasan ko na sana siya nang pinigilan niya ako.

“Sinubukan kong magsabi ng totoo kay mama kanina pero hindi ko magawa.”

“Naintindihan ko naman.” Hinarap ko siya.”Baka pareho na tayo ng iniisip ngayon.”

Nabalot kami ng katahimikan. Sa sobrang kilala ko na siya parang alam ko na ang susunod niyang gagawin kaya inunahan ko na siya ng yakap. At hindi na nga niya napigilan ang paghikbi niya. samantalang ako, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi umiyak.

“Sorry Ara….”

Hinaplos ko ang likod niya para mapagaan ang loob niya. kunware okay lang Mika. Kunware matatag ako para hindi ka maguilty.

“Tahan na. matulog na lang tayo. Bukas okay na tayo diba Bestfriend?”

Hindi siya umimik bagkus ay tuloy-tuloy lang ang paghikbi niya. basing-basa na rin ang shirt ko sa mga luha niya.

Tang-inang bestfriend label to!

--

AN: alam naman natin na nagstart na ang SY 2014-2015. hindi ko na gaanong nahaharap ang mag-update gawa ng adviser ako ng grade 3 at angdaming bago sa k-12 curriculum. medyo nahihirapan ako though i am keeping it cool. ahe.

slow update sa lahat ng stories. sensya na po. i may not reach your expectations. :/ pouts like a kid.

goonight po

Five Words For YouOnde histórias criam vida. Descubra agora