KABANATA ISA- BAGONG KAIBIGAN

155 9 14
                                    

Lumusong ako sa dagat at daladala ang sakit sa aking dibdib. Masyadong malungkot ang buhay ko!

bakit kailangan danasin ko ito!

Sa aking paglusong siya namang nag unahang tumulo ang aking mga luha.

Ganito ako palagi pag may dinadamdam pakiramdam ko kasi tanging dagat at bituin lang ang dumadamay at nakakaintindi sa nararamdaman ko.

Madilim man ang paligid hindi alintana sa akin iyon, huminto ako sa paglalakad ng maramdaman kong hanggang dibdib ko na ang tubig

"Bakit ganon? bakit hindi nila ako kayang mahalin lahat sila ayaw sa akin" Lumuluhang ani ko, tumingala ako sa langit at kitang-kita ko ang ganda ng mga bituin ang dami nila. Itinaas ko ang aking kamay na wari kong maabot ko sila

"Si Papa--lagi niyang sinasabi na mahal na mahal niya ako pero lagi naman siyang wala sa bahay, h-hindi ko maramdaman ang pagmamahal na lagi niyang sinasabi sa akin" Ani ko na nagpakirot ng puso ko

Oo lagi niyang sinasabi na kung gaano niya ako kamahal at kung gaano siya kasaya dahil dumating ako sa buhay niya, lahat ng gusto ko 'ay naibibigay niya dahil ako lang daw ang prinsesa niya. Ganon pa man nakukulangan parin ako dahil hindi ko maramdaman ang sinasabi niyang pagmamahal. Nakukulangan ako sa pagmamahal ng isang magulang--lagi siyang wala sa bahay, sa isang buwan isang beses lamang siya kung umuwi.

Napabuntong hininga nalang ako at wala paring tigil ang pag tulo ng aking mga luha

"Lagi nilang sinasabi na ang nanay ko daw 'ay isang bayarin" Mapait na ngiti ko at tumitig muli sa mga bituin "Ganon pa 'man hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila dahil hindi naman ganoon ang kwento ni Papa" Malungkot na sabi ko

Ibinaba ko ang aking kamay at pinahid ang aking mga luha

"Hanggang ngayon sinasaktan parin ako ni Mama Melissa, t-tapos ayaw niya pang tatawagin ko siyang mama dahil hindi naman daw niya ako anak. Anak daw ako ng isang salot kaya salot din daw ang pagkatao ko" Natatawang ani ko pero andoon parin ang kirot sa aking dibdib

Lagi naman niyang pinamumukha sa akin iyon bakit ba hindi na ako nasanay!

"Tapos si Francine hindi ko alam pero nararamdaman ko na iniiwasan niya ako a-at hindi ko naman alam kung ano ang nagawa ko" At hindi ko maiwasan na masaktan dahil siya lang naman ang nag iisang kaibigan ko "Talaga bang wala ng tao na mag mamahal sa akin--at tatanggapin ang kung ano ako? kasi nakakasawa na ang laging ganito, lagi nalang ako ang kawawa nakakapagod na" Buntong hiningang sabi ko

Nanatiling nakatitig lang ako sa mga bituin, malamig ang simoy ng hangin na lalong nagparamdam ng lungkot sa akin

Inay kung nasatabi siguro kita--hindi ko siguro mararamdaman ang mga pang-aapi nila

Nasan ka kaya ngayon?

Masaya kaba?

Kasi ako hindi!

"S-siguro nga hindi mo ako mahal Inay! kasi kung mahal mo ako hindi mo hahayaan na mapalayo ako sayo, ni minsan hindi ko man lang kita nakita o nakilala kahit ang pangalan mo ay hindi ko alam! ganon ba kadamot ang mga nasa paligid ko at kahit pangalan mo manlang ayaw nilang sabihin?!" Tanong ko habang nakatitig sa mga bituin at hindi ko na napigilan pang humikbing muli

"N-nakakasawa na ang ganito! ayoko na----GUSTO KO NA MAMATAY!" Sigaw ko sa langit at humagulgul ng malakas

Sa tahimik na lugar tanging alon at hagulgul ko lamang ang aking naririnig

Ang Bestfriend kong SirenaМесто, где живут истории. Откройте их для себя