babae! Magdahan dahan ka nga jan! at pwede ba? tumingin ka sa dinadaanan mo!" galit na wika ng lalaki nang naapakan ko ang sapatos niya habang pumipila sa canteen.
"Aii, sorry po!" paumanhin ko habang mabilisang tinanggal ang sapatos ko at yumuko na rin ako sa harapan niya sandali
"Di-dilaan mo ang sapatos ko? O di-dilaan mo?" seryosong wika niya.
Wait! Tama ba 'yong narinig ko? Di-dilaan ko raw?
"Sorry lang maibibigay ko sayo... Excuse me!" mala-anghel na wika ko bago tumalikod.
lalakad na sana ako nang nadama ko ang isang nakakapangilabot na haplos niya sa buhok ko. At dahan dahan niyang hinila ang kaliwang braso ko.
"Ano?" Inosenteng tanong ko.
Bakit niya ba ako ginaganito? Hindi pa ba sapat ang paumanhin ko?
Panay lang ang titig niya sa mga mata ko ,.. Blue elegant eyes! Yun ang meron siya na wala sa iba!
"Hindi mo ba talaga gagawin?" seryosong tanong niya ulit
"Ano ba'ng tingin mo sa kanya, pusa?" halos mapatalon ako sa gulat nang narinig ko ang boses ni drake.
*Si DRAKE ang best friend ko. 19 years old, ka-klase ko rin katulad ng arroganteng nandito sa harapan namin.*
''Wag kang makialam drake, inapakan niya ang mamahaling sapatos ko!" galit at may halong kayabangan na wika niya.
" 'di ko naman inapakan eeh, naapakan ko lang." mahinhin na wika ko
"Magkano ba, bibilhin ko." galit na rin na wika ni drake habang binubuksan ang wallet niya.
Dahil isang hambog din itong bestfriend ko, syempre pumapatol iyan sa kayabangan.
"8,000 ba? 10? Or 20,000" tanong ni drake, nasa tinig niya na naman ang kayabangan.
"Drake naman." at 'yon di ko na rin naiwasang makisambat.
"Hindi ko kailangan ang pera mo Mr. Drake Greynard, " bakas sa tono ng pagsasalita niya ang labis na pagkairita.
"Eh, ano ba ang kailangan mo Mr. Clark Greynard?" tanong niya sa kapatid habang isinasauli ang wallet niya sa kanyang bulsa.
YOU ARE READING
Chasing him
VampireJust read. Just trust me, I will let the flow of this story memorable.
