Ako si Rizhelle Iya Alrada. Isang witer ng romance story. Wala pa naman akong experience sa love pero sa tingin ko naman, naideliver ko ng maayos ang mga sinulat ko. Pilit kong pinapasikat ang sarili ko. Pinapatrend ko pa ang mga novels at minsan ay ang username ko sa twitter.
Dalawa na ang published novels ko. And now, Im working on a new story. Medyo marami na ang nagbabasa kahit iilang pages pa lang. Unti unti nang sumisikat ang username kong Ms.Famous.
Tinitignan ko ang notifications ko sa wattpad nang may makita akong comment ng isang hater.
Julianesankana: ‘’Ang panget ng story kung baga sa pagkain walang lasa. Lalo na yung author na famewhore. Halatang halata na gustong sumikat. Pangalan palang Ms Famous? Mas bagay ang Ms. Famewhore.’’
Kinomment niya yon sa latest story ko. Honestly wala talagang akong pakielam sa mga bashers and haters. Hindi ko naman makakain ang pangungutya nila. Binasa ko din ang replies ng mga readers ko.
Lovelovelove: ‘’Hoy miss mag-ingat ingat ka sa mga sinasabi mo.’’
Baklangdaynasour: ‘’Oo nga tsaka wala namang nagsabi sayo na basahin mo to. Bakit mo pa kailangang magcomment ng ganyan?’’
Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong pakielam pero ayoko naman ng may nag-aaway kaya naisipan kong magrely doon.
Ms.Famous: Guys tama na. Hayaan niyo na siya.
Julianesankana: Famewhore na plastik pa.
I sighed again before logging out.
‘’Kuya pa-out na po nung number 9.’’ Sabi ko dun sa nagbabantay ng computer shop bago ako nagbayad ng 15pesos. Uuwi na muna ako.
Nabasa niyo naman yung nasa taas diba? Famewhore daw ako at plastic. Hindi naman ito ang first time na may nagsabi sakin ng ganyan. I wonder. Bakit nila kailangang magcomment ng ganoon samantalang hindi naman nila ako kilala. May ilang readers din na nagagalit na minsan dahil sa tagal ng update.
Oo wala akong pakielam pero deep down inside, masakit. Yung pagsalitaan ka ng ganoon pero hindi ka naman nila binabayaran para magsulat. Being judged by others because of the fame you get by writing. Kahit isa sa kanila wala akong pinatulan. Wala namang mangyayari kung lalabanan ko pa sila. Basta mapublished lang ang gawa ko,okay na. Kaya nga sabi rin nila nasa loob daw ang kulo ko.
Mahirap maging isang writer. Kailangan pag-isipan mong maigi ang mga mangyayari. Dapat marunong kang magdeliver ng emotions. 5 years na akong nagsusulat at sa tagal na iyon, itinuturing ko ito bilang isang part time job at hindi isang hobby. Naging inspirasyon ko na din ang mga readers at nagpapasalamat ako sa kanila dahil natulungan nila akong mapublished ang gawa ko. Hindi alam ng readers ang estado ko at wala akong balak na isulat ang talambuhay ko para maawa sila sakin.
Pero bakit nga ba ako nagsusulat? Writing is really not my hobby. Hindi rin ako nagsusulat dahil gusto kong sumikat. Im also not like other writers who dreamed of having their novel published. Bakit gusto kong mapublished ang gawa ko? Dahil kailangan ko ng pera.
Kapag kasi naging mabenta ang published book ko, mas malaki ang profit na pwedeng ibigay ng company. Marami akong problema sa buhay. Anim kaming magkakapatid. Ako ang panganay. Tatlong babae at dalawang lalaki. Labandera si Nanay si Tatay naman ay sumakabilang buhay na. Kaunti lang ang kinikita ni Nanay kaya dalawa ang part time jobs ko.
6:00am-4:30pm cashier ako sa isang restaurant. 4:30pm-8:00pm yaya ako. Marami rin akong iniisip. Saan ako kukuha ng pangdagdag enroll ng mga kapatid ko? Maibibili ko ba sila lahat ng gamit sa eskwela? Idagdag mo pa yung pag-iisip ng plot, Ang pressure ng mga demanding readers, ang mga haters at bashers. Hindi na nga ako nakatapos ng pag-aaral dahil sa mga problemang ito.
Ayoko kasi ng nahihirapan si mama. Ayokong magmukhang kawawa ang mga kapatid ko. As much as possible gusto kong ibigay ang mga kailangan nila. Lahat ng kinikinita ko, pinambabayad sa kuryente, tubig, pambili ng pagkain at sa pang-araw araw na kailangan. Tapos eto pa nga at mag-eenroll na sila. I don’t want them to stop from studying. Ayokog matulad sila sakin. Lahat ng pagod at hirap ko ay para sa kanila. Para maabot nila ang mga pangarap at mithiin sa buhay.
Nadiscover ko lang ang wattpad sa katrabaho ko. Madalas siyang nagbabasa kaya minsan ay nakikibasa na rin ako. Hanggang sa dumami ang published book na galling sa wattpad at naisipan kong gumawa nalang din para dagdag sa kikitain ko.
Wala na akong pangarap sa buhay at hindi ko na naiisip pa yon. Basta makapagtapos lang ng pag-aaral ang mga kapatid ko masaya na ako. Sino ba kasi ang nagpauso ng panghuhusga? Nagtanong pa ako eh ang dami ko pang kailangan intindihin kaysa diyan.
YOU ARE READING
Point of View of a Writer
RomanceAno nga ba ang kwento ng isang writer na nakakakuha ng maraming votes,comments at followers? Anong nararamdaman niya sa tuwing nakakatanggap siya ng mga rude comments?
