THE RIGHT TIME

55 28 1
                                        

Prologue

          Ang love-life daw ay di dapat hinahanap, dahil ito ay kusang dumarating Kaya naman dapat Ikaw ay palaging handa sa anumang oras o panahon. Dahil darating din ang tamang panahon para dyan.

             Lahat ng Tao ay may sari-sariling love-life sa buhay..oo Sabihin nalang natin na Ito ay nagiging masaya, nakakabaliw, at nakakakilig at umaabot pa sa puntong halos ibigay mo na ang lahat-lahat sa kanya maipakita mo lang kung gaano mo sya ka Mahal at kung gaano Siya kahalaga sayo. Pero Hindi lahat ng nagmamahalan ay mauuwi sa kasalan o sa happy ending, dahil kung minsan ay may mga bagay talaga na dumarating sa buhay usapang subukin ang inyong pagmamahalan o bigyan lamat ang inyong pagsasamahan. Pero sana ay hindi ito ang maging mitsya nang tuluyang pagkasira ng inyong relasyon, sa halip ito'y maging pondasyon at sandigan upang mas maging matatag ang inyong pagsasamahan. At higit sa lahat ay magkaroon kayo ng tiwala sa isat- isa upang hindi lamang ang inyong pagsasamahan.

.............

          By the way, ako nga pala si Ralph Reyes at eto ang storya ng high school life ko.
            
           Sa kasalukuyan, ay nasa senior high pa lamang ako. Isa akong simpleng estudyante, oo aaminin ko na minsan ako'y  magulo din sa klase. Mahilig din akong mang-asar kahit na medyo namemersonal na at syempre mahilig din akong magpatawa sa lahat ng pagkakataon, pero kahit na ganito ako ay meron din akong perception sa buhay na hinding-hindi ako manloloko ng babae at gusto ko ring magkaroon ng girlfriend na siguradong mamahalin ko at mamahalin ako.

            Isa pala akong transfery sa aming school, syempre bagong kaklase at bagong mukha ang akong makikita at makakasalamuha. Nung una ay medyo naiilang pa lamang dahil nga sa Wala pa akong kilala, mabuti nalang at mayroon akong kaibigan na dati nang nag-aaral dito na naging kaklase ko rin nung kami ay nasa elementary pa lamang, at Siya si Angelo Gomez, may katangkaran, kayumanggi, tahimik at syempre gwapo rin katulad ko??.."hahaha"..parehas din kami ng strand na pinasukan, dahil sa katunayan ay may balak kaming kumuha ng engineering.

           7:00am in the morning magsisimula ang aming flag ceremony at 7:30am naman nagsisimula ang aming klase.

            "Prit-prit" ang tunog ng whistle na aming naririnig tuwing umaga na nagmumula sa aming guard upang kami ay magtuhog sa aming ground upang umattend ng flag ceremony.

"Ralph tara na Bago pa tayo mahuli"

  Ang sagot sa akin ni Angelo, dahil bali-balita ko ay may pagkama istrikto daw ang aming principal. Salita dun salita dito, tawa dun tawa dito ang tanging naririnig mo Mula sa mga estudyante habang naglalakad papunta sa kanilang mga pila.

           At nang matapos na nga ang aming flag ceremony, naglakad kami ulit pabalik Saming magiging room. At dahil nga kasama ni Angelo ang kanyang mga kaibigan at iisa din lang naman ang klase na aming papasukanb ay pinakialala naman niya ako sa kanila.

"Siya nga pala mga pre Bago nating  classmate si Ralph... Ralph ang mga kaibigan ko nga pala". (Shake hands)

          At nang nakarating na kami sa room, nagkaroon kami ng orientation upang mas makilala pa namin ang isat-isa.

Few minutes later..

"Hmm..hi ako nga pala si Red Ramirez at sila naman sina Alfred at Yugin ang aming mga kaibigan... gusto lang sana naming makipag kaibigan sayo kung ok lang Sayo"

           At ang sagot ko naman ay "oo naman bakit hindi". At dun na nga nagsimula ang aming pagkakaibigan.

           Masaya kaming naguusap at nagkwemwentuhan sa oras na kami ay walang klase at sabay sabay kumakain sa labas. Masaya rin kaming apat lalo na kapag kami ay sama sama, tawanan, kulitan, asaran, at biruan ang aming nagiging libangan. At dahil gusto naming makapag-tapos nang pag-aaral at gusto naming masuklian ang pawis at pagod ng aming mga magulang ay nagsusumikap kaming makapasa sa bawat quarter ng aming klase. At nangako pa kami sa isat isa na hindi muna kami magfofocus sa mga bagay na magiging destruction sa aming pag-aaral at yan ay ang aming mga love life.

2 weeks later...

            Magdadalawang linggo palang ako dito sa aming school, pero marami na rin akong nakikilala at nakakausap.a t unti-unti na ring nagiging malapit ang loob nga king mga kaklase sa akin.

Lunch break...

           At sa di inaasahang pagkakataon, habang kami ay kumakain sa loob ng classroom ay may isang babaeng lumapit saken para ako ay kausapin..

"Hmm..helo ako nga pala si Mitch Perez..Tanong ko lang bakit Di ka masyadong nagsasalita eh magdadalawang linggo na ang nakalipas pero bakit ang tahimik mo pa rin"

            Bigla akong natulala na para bang Di mapakali sa aking upuan..

"Ano ba tong nararamdaman ko"

             Nauutal kong Sinabi sa aking sarili.. si mitch, sya ung isang tipo ng  babae na parang bang Wala nang iba inisip kundi ang mag focus sa kanyang pag-aaral, pala tawa at pala ngiti rin sya at syempre ay pala kaibigan rin siya. At kung di nyo naitatanong, hndi naman sa pagmamayabang pero isa kasi sya sa mga may matataas na nakukuha na grades sa aming school.."o diba perfect"..maganda rin sya kung tutuusin saka cute na rin.

            Naging magkaibigan rin kami at habang tumatagal ay mas nagiging close pa kami sa isat isa. Dahil kung minsan sa oras na Siya ay walang ginagawa ay lumalapit sya sa akin upang Siya ay makipagusap sa akin. Oo inaamin ko rin na masarap at masaya siyang kausap at kasama.

           Hanggang sa dumating ung time na napapadalas na ang aming paguusap na may halong kilig at kukitan. Nung una, oo Sabihin nalang natin na medyo na aasar ako at nakukulitan kung minsan sa kanya pero habang tumatagal ay mas lalo namang  gumagaan ang loob ko sa kanya.

            At lumipas pa ang mga araw at buwan ay tuluyan nang bumigay ang loob ko sa kanya. Gusto ko mang Sabihin sa kanya agad ang aking tunay na nararamdaman ay di ko magawa, dahil nga sa natatakot ako na baka masaktan at mauwi lang sa Wala ang aking nararamdaman.

            At matagal ko ngang itinago ang aking nararamdaman para sa kanay, kahit na mahirap para saken. Dahil may taong nakapag sabi saken na mataas daw ang standard niya pag dating sa lalaki.

           May mga oras din at panahon na gusto ko na talagang Sabihin sakanya pero hindi ko magawa dahil natatakot pa rin ako na baka hndi niya ako sagutin. Pero Sinabi ko sa sarili ko na wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko.

            At lumipas ang anim na buwan at tutal ay nagiging maayos naman ang daloy ng aming samahan at buo na rin ang loob ko na magtapat sa kanya. Kaya hindi nako nagpaligoy ligoy pa at Sinabi ko na sa kanya ang aking tunay na nararamdaman para sa kanya.

"Hmm... Mitch may gusto sana akong Sabihin sayo"...nauutal na Sinabi ko sa kanya.

"Wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko sayo...hmm..gusto ko lang sanang Sabihin sayo na may nararamdaman ako para sayo"..nauutal na sinabi sa kanya.

"Pasensya kana ah..pero hindi pa ko ready na magmahal ulit sa ngayon".. sagot niya

         Pero kahit na ganun ay hindi pa rin ako sumuko na suyuin sya. Hanggang sa mas lumalim pa ang aming pagkakaibigan at pagsasamahan.

         At sa tagal ng aking paghihintay, sa di inaasahang pagkakataon ay pumayag na din sayang ipakita ko ang aking tunay na pagmamahal sa kanya.

"Ralph Sige..payag na ako na ipakita mo saken kung gaano mo ko kamahal at bibigyan kita ng time hanggang sa March para patunayan yun".

"Sige payag ako"..nakangiting sagot ko.

       At nagdaan pa ang ilang Araw o Sabihin nalang nating buwan, naging maayos naman ang aming pagsasamahan sa isat isa.

        Oo, inaamin ko na  Di ako masyadong nag effort na nanligaw sa kanya, pero handa naman akong iparamdam sa kanya kung gano ko Siya kamahal at gano sya kahalaga sa akin.

           At hanggang sa dumating na ung time na hinding-hindi  ko inaasahan at un ay ang marinig ko Mula sa kanya ang matamis nyang oo. Sobrang saya ko Nung mga araw na un, dahil Di ko aakalaing magbubunga ang aking paghihirap at pagsasakripisyo para sa kanya.

            At eto na siguro ang tamang oras at panahon para sa akin.

            Sa kasalukuyan ay magiisang buwan pa lamang at masaya rin kami para sa isat isa.

..........

At hanggang dito na lamang ang aking kwento..
.
.
.
.
Please vote and comment thank you.
        

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE RIGHT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon