Hi ako nga pala si Dante J. De Leon Tawagin niyo na lang akong Dan.
Dan's POV
Unang araw ng pasukan...Medyo kinakabahan ako kase mga bagong mukha na naman ang makikita ko. Haha.
Pag akyat ko ng building,(4th floor kase ako buset) ay medyo nahihiya pa akong pumasok ng room... Pero pinapila kami ng isang teacher.
6:00 am na ng umaga ng mga oras na yun at pasikat pa lang ang araw...pero may nakita akong nagliliwanag...
Nagliliwanag sa kagandahan hahah charr..
"Pero parang pamilyar sakin tong babaeng to eh.. "pabulong kong sabi.
Nang makapasok na kami ng room ay agad kong sinundan nang tingin ang babaeng yon kahit sa likod pa ako naka upo...
Pinagmasdan kong mabuti ang mga mukha ng mga taong makakasama ko sa isang classroom ng isang taon..
Marami akong nakita na pamilyar...
Siguro naging kaklase ko na sila or whatever.
Pero nung makita ko na yung babaeng sinasabi ko...
Ay pakshet... Ang matagal ko ng crush since 2nd year high school paa. OMG
