PROLOGUE

6.2K 83 8
                                    

**********
BOOK 2 of
I'M IN LOVE WITH MY BODYGUARD
**********

PROLOGUE

Nakaupo silang dalawa sa isang bench na naroroon. Nasa isang park sila para pag-usapan ang isang bagay na nagpapagulo ng lahat.

"Bakit?" tanong niya.

"Anong bakit?" nalilitong tanong nito sa kanya.

Nag-uusap sila pero sa iisang direksyon lang nakatingin ang mga mata nila. Sa mga batang naglalaro habang nagpapalobo ng mga bubbles.

"Bakit hindi na lang ako ang piliin mo?" tanong niya dito at saka lumingon.

Nakita niyang kumunot ang noo nito saka sumagot.

"Kasi hindi ikaw siya." simpleng sagot nito.

Tumawa siya ng mahina saka niya muling ibinalik ang tingin sa mga bata.

"Pero..pero kung ako ba siya, ako naman ang pipiliin mo?" pagtatanong niya rito.

Ang bilis ng tibok ng puso niya. Kinakabahan siya sa bawat salitang binibitawan nito. Parang bawat salita, sinasaksak siya. Parang bawat salita, mapapatid ang hininga niya.

Narinig niya ang mahinang tawa nito saka siya lumingon rito. Nakatingin ito sa kanya.

"Nagpapatawa ka ba? Kahit bali-baliktarin mo man ang mundo, hinding-hinding ikaw ang pipiliin ko." mariing sabi nito sa kanya.

Agad-agad tumulo ang luha mula sa mga mata niya. Masakit pala.

"Hindi ka naman ganyan dati ah? Bakit pakiramdam ko, ibang tao ang kausap ko?" tanong niya sa kanya habang nakatitig pa rin siya sa maamo nitong mukha. Nakatingin na ito sa malayo.

"Tatlong taon ang lumipas. Sapat na ang panahon na iyon para makalimutan natin ang isa't-isa. Kung nagbago ka, nagbago rin ako." sabi nito.

"Oo nga eh. Sa sobrang pagbabago mo, pati ako nakalimutan mo. Oh wait, let me rephrase it. Kinalimutan mo ako." sabi niya rito.

"Nakalimutan mo bang ikaw ang naunang makalimot sa ating dalawa? Matagal na kayo hindi ba? Wag mo akong sisisihin. Dahil umpisa pa lang, wala nang totoo sa naging relasyon natin."

Bumuntong-hininga ito saka tumayo at humarap sa kanya. Tiningala niya ito.

"Sa susunod na kausapin mo ako, wag mo ng ipaalala sa akin ang nakaraan. Masaya na ako sa buhay na mayroon ako at sa taong mahal ko. Naiintindihan mo naman ako diba? Matalino ka. Kaya sana, hindi ka na bumalik pa, dahil wala ka ng babalikan pa." sarkastiko at mariing sabi nito sa kanya saka naglakad paalis.

Nakatingin lang siya sa likod nito habang lumalayo. Hindi niya namalayan ang paglandas ng patak ng luha niya mula sa kanyang mga mata.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

(a/n: Gagamit na ako ng Third Person's POV dito sa Book 2.

Itong prologue ay parang preview sa isang scene na mangyayari sa isa sa mga future chapter. Hehehe. Mawindang kayo. :D )

Steal the BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon