"Fuck!" He cursed at hinilamos ang kamay sa kanyang mukha. Hinihingal pa rin ako sa sobrang kaba. Sumagi sa isip ko si Seb at yung nangyari sa kanya. Bigla ako napaiyak, papaano pa kaya yung pakiramdam ni Seb nung nangyari yun. Napahikbi ako, bakit ko nga ba nagawang magpakasaya kanina samantalang andun si Seb nakaratay sa hospital.

Naramdaman kong kumalas ang seatbelt ko at ang mainit na palad ni Alex na pinunasan ang luha ko sa pisngi.

"I'm sorry, fuck" bulong niya, pinagdikit ang noo naming dalawa. "I'm sorry" paulit-ulit niyang sabi hanggang sa kumalma na ako.

"Tell me what happened to him" panunuyo niya sa akin. Umiling ako sa una pero kinuwento na din kalaunan. Ewan ko ba, sa bawat haplos niya ay para akong nababaliw, napapasunod.

"He'll be fine baby" sabi niga sabay binigyan ako ng halik sa labi. Saglit lang yun, parang daplis lang. Pinaandar na niya ulit ang sasakyan ng nakitang medyo kumalma na ako.

Nagising ako dahil nahirapan akong huminga, pagmulat ko ay nakita ko ang braso ni Alex na nakadagan sa aking dibdib. Ang kanyang mukha ay nakasubsob sa aking leeg at ang kanyang binti ay kinulong ang aking isang paa.

Unti-unti kong tinanggap ang pagkakayakap niya, mabuti naman at hindi siya nagising. Agad na akong nagprepare ng breakfast namin, hinanda ang lamesa at naligo na. Isang araw na akong hindi naliligo, nakakahiya. Hindi kaya niya ako naamoy kagabi?

Paglabas ko ng banyo ay chineck ulit si Alex na mahimbing parin ang tulog. Kumuha ako ng damit sa cabinet, nabigla pa nga ako dahil may halo na iyon ng mga damit na panlalake. Sa may sampayan naman sa cabinet ko ay may mga nakasabit na suit at iilang necktie na panigurado akong kay Alex yoon. Tinignan ko ulit siya at bumuntong hininga. Bakit pa siya makikisiksik dito eh ang laki na ng penthouse niya? Isa pa, andun lang sa baba ng penthouse ang opisina niya. Dumiretso na lang ako sa kabilang kwarto at mukhang wala naman na ako magagawa. Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko na si Alex na nakaupo sa hapag at nagkakape. Nakakahiya, 3 in 1 lang ang kape ko dito kumpara sa brewed coffee niya sa office. Sumimsim muna siya ng kape

"Morning" he said. At nilagyan na ang pinggan ko ng pagkain, sumunod niyang lagyan ay yung kanya. Sinangag, tocino at scrambled egg lang ang hinanda ko. Yun lang ang natira sa ref eh. Mag grocery na lang ako mamaya

"Ako na ang magligpit, maligo ka na" sabi ko, pinigilan siya dahil akmang liligpitin na niya ang pinagkainan namin.

"Okay misis ko" he said in a very cute tone. Natawa ako, ginaya niya si Nick kagabi. Ayaw talaga pakabog ng lalaking to

"What? Is there a problem?" Taka niyang tanong.

"Wala mister ko" panunuya ko pero parang iba ata ang dating sa kanya noon. Tinawid niya ang distansya naming dalawa at bigla ako siniil ng halik sa labi

"Damn, baka masanay ako" he whispered. Isang halik sa noo at iniwan niya akong tulala doon.

Tyaka lang ako natauhan ng nakapasok na siya sa banyo. Hinilamos ko ang palad at pinagsasampal ko ang aking mukha. Fuck! Ano ba nangyayari sa akin?

Nagpasya akong magbaon ng mga damit para kay mama mamaya, dadaan muna ako sa clinic bago ako dumiretso sa hospital kay Seb. At speaking of Seb binaunan ko din siya ng iilan niyang damit na nandito sa bahay.

Nilagay ko sa isang bag ang para kay Mama at sa isang back pack naman yung para kay Seb.

"Ang dami mo atang dala?" Tanong ni Alex.

"Uh- para kay Mama" sabay turo ko sa isang bag. Nag-iba ang ekspresyon ni Alex.

"At eto kay Seb" sabi ko turo sa back pack. Tumango naman siya

"So dun ka ngayong gabi?" Tanong niya

"Uh.. doon ako every night. Ako ang nakatoka mag bantay sa kanya" sagot ko. Nag-aalangan at tinatantya siya, para akong nabunutan ng tinik ng tumango lang siya bilang sagot.

Tatlong katok ang sa pintuan ang nagpalundag sa akin. Pupunta na sana ako pagbuksan iyon pero nilagpasan lang ako ni Alex

"Ako na, tapusin mo na yan" sabi niya sabay labas sa kwarto ko at diretso na sa pinto.

Bigla kong naalala na baka ang magulang ni Seb ang pupunta at makita si Alex na ganoong ayos. Nakapants lang walang suot pang itaas at ang twalya ay nakasabit sa kanyang kanang balikat.

"Alex ako na!!" Sigaw ko

Tinakbo ko palabas ng kwarto para habulin siya at pigilan ngunit huli na ang lahat. Nabuksan na niya ang pintuan.

Napapikit ako dahil ayokong makita kung sino ang iluluwa ng pintuang iyon. Lahat ata ng santo natawag ko sa ilang segundong iyon para hindi magulang ni Seb at ang nanay ko ang bumungad doon.

"Uhm? H-hello?"  Tinig ng isang babae


Chloe?

The Playboy and The CourtesanWhere stories live. Discover now