De-pindot

423 4 0
                                    

De-pindot by Alas de guapo
Iniaalay ko ang tulang ito para sa mga taong depressed katulad ko at sa mga taong may kakilalang tulad namin.

Hindi ko na alam yung tunay na kaligayahan
Yung sinasabi nilang saya at kagalakan
Yung mundo kong nasa kangkungan
Yung buhay kong wala ng patutunguhan

Hindi ko na maalala yung araw na ako'y masaya
Yung sa puso mo raw talaga'y nadarama
Hindk ko na maisa-isa
At hindi ko na maalala
Ang huling araw na ako'y masaya

Pakiusap ko lang sayo
Wag mong ibato
Mga sinasabi ng diyos mo
Dahil unang-una hindi sumpa ito
Sakit ito
Na damang-dama ko
Pinaglalaban ko
Iniiyakan at kinikimkim ko
Sa madilim na sulok ng buhay ko

Kung ako'y iyong tutulungan
Wag kang mag-alinlangang
Sabihin sa akin na nandiyan ka't hindi ako iiwan
Wag kang matakot
Na ipasa ang kasiyahan na iyong hakot
Bigyan mo ako
Salinan mo ako
Wag kang pasibo
Makinig ka sa aking kwento
Ang presensya mo
Iyon ang kailangan ko

No to plagiarism.

Love, Lust and LiesWhere stories live. Discover now