"Gising na alas-kwatro na ng umaga" nakaramdam ako ng yugyog mula sa aking paa na tila nang gi-gising.
Maaga nanaman, nakakatamad pumasok.
Sa totoo lang ay gusto ko na matapos ang klase kahit kaka-umpisa palang ng klase, nasa August pa lang at mag se-september na next day. Excited na ako dahil mukhang may masayang mang-yayari sa buhay ko ngayon, kahit di ko talaga ka-sundo ang mga classmate ko.
Maya-yaman sila. Samantala ako at ang mga kaibigan ko ay nasa mid lang ang buhay, nakakapasok araw-araw at nakakain ng tatlong beses pero bumili lang ng kwek-kwek ay hirap na maka-bili.
Nag umpisa na ako mag ayos ng sarili ko, paano ba naman lahat kami ay maaga ang pasok kaya kailangan kong mag madali.
"Ouch!" Angal ko ng may makapa na bukol sa aking likod, wala naman akong ganitk dati pero bakit biglang tumubo.
Muli ko itong pinisil ng maramdaman nanaman ang kakaibang sakit mula dito.
Natapos ako maligo at nag madali na mag bihis, 6:30 pa ang pasok namin pero isang oras ang byahe ko pa-punta sa school. Sa manila pa kasi ako nag aaral at traffic pa-puntang pasay!
Traffic na hindi malutas-lutas ng gobyerno.
"Ma, tignan mo may bukol na tumubo sa likod ko. Masakit."
Tinignan naman ito ni mama at biglang pinisil, napatalikwas naman ako dahil sa sakit na naramdaman ko mula dito.
"Ma masakit nga pinisil pa!"
Reklamo ko sa kanya at hinimas-himas ang bukol ko sa likod na pinisil pa ni Mama.
"Kagat lang ng ipis yan mawa-wala din yan"
Sabi nito bago ako tinalikuran, nag kibit balikat nalang ako sa sinabi niya at pumunta na sa hapag upang kumain.
Matapos akong kumain ay kinuha ko na ang baon ko, nag hihintay na sila Alexis sa akin sa labas.
Si Alexis Daradar. Ang bakla kong kaibigan, matalino yun pero mas ma-landi pa kesa sa akin. Magaling din siya sa Volleyball kaya sa tuwing ako ang trip na hampasin ay para na akong maiiyak sa sakit.
Nag madali akong pumunta sa bahay nila Alexis. Madadaanan lang naman kasi ang bahay nila papuntang sakayan.
"Ay hindi pa tapos" bulong ko, nakita ko kasi na nag hihintay pa rin si Jhayr at Riz John sa tapat ng bahay nila.
Sila rin ang mga kasabay ko. Si Jhay-r Jaro, isang Dancer sa school namin. Stem student siya at nakilala ko siya dahil kay Alexis, crush ko siya dati pero nawala rin agad yun dahil kaibigan lang talaga.
Si Riz John Ocampo, isang adik. Oo, isa siyang adik na hindi nag d-drugs. Mukha kasi siyang adik pero kasundo ko siya sa pam-bully kay Alexis pati na rin si Jhay-r.
"Alexis matagal ka pa ba, una nalang kami ah"
Sigaw ni Jhay-r sa pinto nila Alexis, narinig ko naman ang sigaw ni Alexis na pumayag.
Nag umpisa na kami mag rampahan na tatlo ng biglang kumirot nanaman ang likod ko, ano ba naman kasi tong bukol na ito.
Naka-punta na kami sa school at nakita kong mga naka-abang ang mga kaibigan ko, nag paalam na rin ako sa dalawa na hihiwalay na ako ako pero pag tingin ko sa tabi ko wala na ang dalawa at nakita ko na sa kanya-kanya na nilang kaibigan.
Mga bastos talaga. Ko-kotongan ko sila bukas eh!
"Uy Ren, may assignment ka na sa Business Management?"
