Kaibigan mo ako at Ka Ibigan naman kita.
Palagi kong iniisip na baka sakali ay Ka Ibigan mo rin ako, Gusto kong sabihin sayo na mahal kita pero sa tuwing magkakaroon ako nang pagkakataon ay bigla mong ipapaalala sakin na kaibigan mo lang ako, kaibigan mo lang ako. "Hinding-hindi mo ako iiwan kasi kaibigan mo ako, palagi mo akong sasamahan hanggang sa dulo kasi kaibigan mo ako".
Alam kong hindi mo sinasadya pero unti-unti mong pinapatay ang pag-asa sa puso ko na baka sakali ay magbago ang pagtingin mo sakin maging Ka Ibigan mo rin ako.
Iniisip ko kung ano ang kulang sa akin at bakit hindi mo ko kayang makita ang pagmamahal ko sayo na higit pa sa inaasahan mo at aasahan mo sa taong iniisip mo bilang Ka Ibigan mo. Bakit ?
Bakit hindi nalang ako?
Bakit hindi nalang ako ang taong iniisip mo na makikipagpalitan sa iyo ng matatamis na oo sa harap ng altar, sa loob ng simbahan at sa harap ng pari.
Bakit hindi nalang ako yung lalaking bubuo ng magiging pamilya mo at magiging tatay ng mga anak mo, bakit? Bakit ninong lang ako ? Bakit bestman lang ako?
Bakit hindi mo ko kayang mahalalin ng katulad sa pagmamahal ko sayo ?
Naiisip ko minsan na hindi sapat ang buong pagkatao ko para tapatan ang lalaki sa panaginip mo. Mahirap ba kong mahalin ? Simpleng yakap at pagmamahal lang naman ang kailangan ko, mahirap bang ibigay yon ? Ikaw lang naman ang gusto ko, hindi ba pwede yon ? Hanggang kaibigan nalang ba talaga tayo ? Hanggang ganito nalang ba tayo? Mahal kong KAIBIGAN...
