Beginning

9 1 0
                                    

Beginning:

Maxine Klare Mendoza A.K.A Bechay:

Naniniwala kaba sa love? Kasi ako noon, Oo, pero lahat ng yan nagbago. Gusto niyong malaman? Simulan natin noong ako'y bata pa. 

From the beginning i start to believe in Love but suddenly it fades away nung nagsimulang umalis ang isa sa inyong dalawa at ikaw yung naiwan mag-isa. Paano nangyari yun?.

Sige na nga magsisimula na ako.

"Bechaaaaaaaaaaaayyy?" Rinig kong tawag ni Nanay sa akin sa labas habang naglalaro ako ng Patentero.

"Naaayy" Sagot ko habang tinatry kung hulihin si Bianca.

"Halika na at kumain na tayo mamaya kana munang maglaro" Aniya. Napakamot nalang ako ng ulo at saka nagpaalam sa mga kalaro ko nakabusangot akong lumapit kay Nanay habang tatawa-tawa naman si Bianca sa akin.

"Oh? Ano yang mukha mo? Bechay ah wag na wag mo kuong bibigyan ng ganyang reaksyon" Ani ni Nanay "Ikawng bata ka ang pawis pawis muna at hmm!?, ang baho muna rin" Sabi ni Nanay habang ina amoy ako.

"Opo" Tanging na sagot ko sakanya.

"Teka? Asan na ang tatay mo?" Tanong niya sa akin habang naglalapag ng pinggan.

"Anditooooo na akooooo" Sigaw ni Tatay.

"Taayyy" Tawag ko at saka patakbong lumapit sa kanya atsaka niya ako binuhat.

"Ugh! Ang bigat mona anak ko nagpapakaraga kapa ke Tatay" Aniya habang kinikiliti ako sa tagiliran ko.

"Hehe, tatay nakikiliti ako" 

"O ano ba kayo kumain na muna kayo at mamaya na yang paglalambingan niya" Suway ni Nanay sa amin.

"Ano ba ang ulam natin mahal?" Tanong ni Tatay ke Nanay habang lumalaput ito. Hinagkan niya si Nanay at saka hinalikan sa labi.

"Ito, yung paborito niyong ulam" Sagot niya at saka inimuwestra ang Pinakbet na paborito namin ni Tatay.

"Woooow, Kainan naaaaaaaa" Sigaw ni Bianca. Ang bestfriend ko.

"Ang sweet sweet naman ng kumare at kumpare ko" Pangtutukso ng mama ni Bianca si Tita Beatrice.

"Hahahahaha" Tawa namin ni Bianca.

"Suuuss, alam ko kung anong gustoi mo" Pauna ni nanay.

"Ito naman si Kumare, hahaha makikikain lang naman ho" Sagot ni tita.

"Oh eh asan ba ang asawa mo?" Tanong ni tatay.

"Ayuuun Nasa sakahan" Sagot niya naman.

"Oh sige kumain na muna kayo" Anyaya ni Nanay.

"Salamat po Tita" Sagot ni Bianca.

"Salamat Chichay ah" Ani ni Tita.

Nagsimula na kaming kumain dumating si Tito Bernard at may dalang pagkain kena Bianca pero pinagsabay narin nila. Masayang kaming kumakain lahat Buntis si Nanay kay Mavis nung mga oras na yun doon ako nagsimulang maniwala sa True love kasi nakikita ko kung paanong naging masaya sina Tatay at Nanay sa isa't-isa. Namulat ako ng masarap palang magmahal ng tunay. Ilang buwan ang makalipas ay pinanganak ni nanay si Mavis Hale ang bunso namin 5 years ang age gap namin ng kapatid ko kaso mahina ang puso niya at kailangan niyang magtagal sa ospital para sa lahat ng kakailang niya doon kami nagsimulang malugmok. Kaya napagdesisyonan ni Nanay na magtrabaho sa Singapore para raw sa pang-araw-araw naming pangangailangan at para raw sa kinabukasan namin. Noong una ay ayaw ni Tatay naging makulit si Nanay at minsan nga nag-aaway na sila pero sa huli pumayag narin si Tatay sa gusto ni Nanay.

"Anak magpakabait ka rito ah? Wag kang pasaway kay Tatay mabilis lang si Nanay doon" Sabi niya habang umiiyak sa akin. Tumango ako at naiyak narin. Mamimiss ko si Nanay pero alam kong para rin naman to sa aming dalawa ni Mavis eh.

"Opo nay pangako yan" Sagot ko.

"Goodgirl basta always remember mahal na mahal kayo ni Nanay ah" Sabay siyang lumapit sa umiiyak kung baby na kapatid.

"Paano yan aalis na ako" Aniya atsaka yumakap ke Tatay.

"Pagbutihin mo ron ah, alagaan mo ang sarili mo at wag kang maging pabaya doon at tumawag ka palagi sa amin pag naka-oras ka" Habilin ni Tatay at Tumango naman si Nanay. Nung oras na yun ay umalis na nga si Nanay mabilis lang ang 2 years at umuwi si nanay kaso bumalik na rin siya kasi sabi niya kulang pa daw yung mga naipon nila umabot ng 10 years si nanay doon High School na ako at Grade 5 naman si Mavis. Naging maayos ang buhay namin, nakapagpundar kami ng malaking bahay, may negosyo na kami pero kung umanlad kami ay lumayo naman ang loob namin kay nanay at mas lalong lumayo ang loob namin ng biglang gumuho ang mundo ni Tatay.

"M-mga anak.... W-wala na ang N-nanay niyo.... May iba n-na s-sya" Aniya habang gumaralgal ang boses niya pinilit niyang magpakatatag sa mga sinasabi niya nung minsang kumakain kami ng hapunan.

"P-po? A-ano pong ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"Sumama na s-siya sa a-amo niya a-at m-magpapakasal na r-raw s-sila at i-a-aanal na nila ang kasal namin" Aniya at natahimik naman kaming dalawa ni Mavis habang tahimik na suminghap si Tatay.

And doon nagsimulang nagalit sa nanay ko. Gabi-gabi kong naririnig na umiiyak si Tatay ng dahil kay nanay kung ang mga babae ay umiiyak at masakit tignan pero mas masakit tignan ang lalaki pag umiiyak.

"Tay..." Mahinang tawag ko sakanya ng minsang magmakaawa siya kay Nanay sa Cellphone at kung paano rin siya bumitaw.

"Nak.." Ang nasambit niya at bigla ko nalang nakita ang tulo ng luha niya. Agad akong lumapit sa kanya at yinakap siya.

"Tay, B-bakit?" Tanong ko at nagsimula na akong umiyak rin "B-bakit ka b-bumitaw?" Garagalgal kong tanong.

"A-anak, may mga pagkakataong kailangan, kailangan kasi don na siya masaya, mahal ko ang nanay mo kaya ko narin naisip ang desisyong yun, kasi nga pagmahal mo siya hahayaan mo siya kung saan siya magiging masaya at alam kong hindi na ako ang kasiyahan niya at siguro panahon narin para bumitaw na ayoko nang masaktan pa ng husto tama na" Aniya at kami na ngang dalawa ang umiiyak.

Masakit. Sobrang sakit. And this is the reason why, why i didn't believe in true love. Kasi pagtalagang mahal mo siya ba't mo siya iiwan? Ba't ka maghahanap ng iba? Ba't hindi ka nakontento kung anong meron siya kung anong kaya niya at kung ano ang magagawa niya. Alam kong pagmagmamahal ka eh kailangan sumugal ka pero hindi naman siguro tamang iwan mo nalang siya noh? Nagmahal kalang pala para magpaiyak.

-------------------------

A/N: Wa'g niyo po akong Tawaging Miss Author o Author gusto ko pong Tawagin niyo akong Maviang kasi don ako komportable. Thank you po ❣❁♚

~Maviang♚❄

I believe in Love [On going]Where stories live. Discover now