Commander Olle: Hari ng Kamote

53 2 1
                                    

Tala ng Manunulat

       Marami sa atin ang naghahangad ng kapangyarihan.  Ang iba, nais magkaroon nito dahil gusto niyang tumulong sa mga naaapi.  Totoo?  Yung iba, oo gusto maging tagapagligtas pero ang nais lang yata ay makapagpasikat sa ‘crush’ o sinisinta niya.  Tanggapin din natin ang katotohanan na iba sa atin ay hangad ang kapangyarihan upang makapanlamang sa kapwa niya, o kaya naman ay upang siya ang magkamit ng matinding kasikatan.  Bakit hindi na lang sila mag-artista?  Ang tanong, puwede nga bang mag-artista sila?

            Karaniwan sa ating mga nababasa na nobela man o komiks, o kaya’y sa mga napapanood na pelikula; ang bida ay pihadong guwapo kung hindi man ay napaka-seseksi kagaya ni Darna.  Puwede rin naming pangit ang bida pero pag nagpalit-anyo, hayun at napakakisig o napakaganda—isang halimbawa nito ay si Captain Barbell.  Hindi ba, pangit muna si Ting?

         Paano kung baligtad ang mangyari?  Hindi kaaya-aya ang mukha ng bida o hindi kaya’y maganda o guwapo tapos kapag nag-transform ay kasulasulasok?  Maniniwala ka ba na siya’y isang superhero?  Magpapaligtas ka ba sa kanya?

       Ganiyan ang pananaw ng lahat sa buong mundo ukol sa mga superhero.  Buhay nga naman.  Hindi ba’t parang bias naman ito sa mga pangit kagaya ko?  (Teka, bakit hindi ko mabura yung huli kong sinabi?  Pogi naman ako ah.)

        Subaybayan ang kapana-panabik at nakayayamot din na kuwento in COMMANDER OLLE! (Weekly Update matapos mailabas ang Prologo)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Commander Olle: Hari ng KamoteWhere stories live. Discover now