Love Letters for my Baby

159 3 4
                                    

Hi guys I just wanted to say na HINDI ito story letter to para sa kaibigan kung si @BaekhyunBunny! This is for you.Happy reading! Maiyak ka ha! Maiyak ka.LOL

x-x

She is my,

-Bestfriend

-Kapwa Author

-Baby

Once upon a time may nakilala akong isang babae na nangangalang Jasmine G. Delacruz.Nung kinder kami parehas kaming service kwento niya pa nga sakin lagi ko daw siyang sinasabunutan,kinukurot ang kulit namin nun.Nung dumating ang elementary days nagkahiwalay kami hindi na kami magka service,hindi narin kami magkaklase.Magkaiba na kami ng section habang ako 2nd section siya naman 1st section.Tuwing nagkakasalubong kami parang hindi namin kilala ang isa't isa.Para naging strangers kami sa isa't isa na akala mo ay wala kaming binuong friendship nung kinder kami.

Years passed,ganun padin.Hanggang nung Grade 3 ako nagsikap ako I mean ginawa ko ang lahat para makapasok ako sa 1st section and then nangyari naman.Nung Grade 4 kaklase ko na siya pero hindi parin kami nagpapansinan iba ang circle of friends namin nun.Medyo hindi kami nagpapansinan.Nung Grade 4 ako nahihiya ako sa mga kaklase ko dahil hindi ko pa sila masyadong kilala.Pero tumagal ng tumagal nalaman kung mabait naman sila,medyo maingay nga lang.

Dumating ang Grade 5 at halos kaclose ko na sila medyo dumadaldal na ako at hindi na nahihiyang makipag usap sakanila.Nung Grade 5 kami naging close na kami ulit ni Jasmine.Hindi ko alam kung pano nangyari yun.Then one day gumawa siya ng story niya sa Wattpad eh saktong sakto gumawa din ako.Nung nalaman ng mga classmates ko at nung nalaman ni Jasmine mas lalo pa kaming naging close at bumabalik ang friendship namin.She even call me Kapwa Author or kapwa a for short.

Yun ang naging tawagan namin sa isa't isa hanggang isang araw lagi na kaming sabay kumukuha ng lunch,nagtatawanan.Hanggang sa naparami ang mga nagawa naming stories dito sa Wattpad.More of naging writer kami dito pero hindi kami ganun ka-popular.

One day,nalaman kung open siya for book covers.Gumagawa siya ng book covers for story.Eh ako hindi pa naman ako marunong gumawa ng cover kaya sakanya ako nagpagawa.Halos lahat ng stories ko siya ang gumawa ng mga covers.Kagabi naisipan kung gawin 'to para sakanya.

Gusto kung magpasalamat sakanya dahil araw-araw nandiyan siya sa tabi ko sinusupportahan ang mga ginagawa ko at kahit tatlong book cover pa ang ipagawa ko sakanya in one day hindi siya tatanggi go lang siya ng go.One word to describe her,mabait.Mabait siyang kaibigan,mabait siyang writer,mabait siyang classmate.Higit sa lahat,mapagmahal siya.Mahal niya ako,mahal niya si Matteo Do (haha xD mahal ko din yan LOL),mahal niya ang mga kaibigan niya,mahal niya ang mga kaklase namin,higit sa lahat mahal niya ang Panginoon at ang kanyang pamilya.

Tuwing uwian,kasama ko pa siya lagi ko ngang nililibre yan pero ako tsk.hindi niya ata ko nilibre?! Haha! Hayaan muna mahal ko naman siya ay ang sweet ko :) Hanggang makauwi kami nagchachat padin kami.Sasabihin ko madami naman akong kaibigan kasama na siya dun syempre.

Graduation.Graduation ng mga prep at kasama ang kapatid ko at kapatid niya.So magkikita kami,ang saya ko daw excited ako kasi makikita ko ulit siya.Nang makadating kami sa mismong venue ng graduation ng kapatid ko agad ko siya nakita,silang dalawa ni Yna.Simple lang ang ginawa namin,binigyan namin ng ngiti ang isa't isa at kumaway.Simple lang ang nangyari.Nahihiya kasi akong kausapin siya nun pero nagkausap naman kami nun yung hindi nga lang yung conversation na mahaba na may kasamag tawanan.

Recognition.Nasa top 10 ako at siya wala.Hindi ko naman pinagmamayabang na nakasali ako sa recognition.Nagpractice kami para sa recognition at dahil ka nga hindi siya kasali halos hindi ko siya nakita ng one week OA ba? Then dumating ang mismong day ng recognition hindi ko siya nakita.

Bakasyon na.Sa buong bakasyon hindi ko siya nakita nakakausap ko lang siya sa phone at nakakachat sa facebook.Lagi akong nagpapagawa sakanya ng book covers at go lang siya ng go.Never niya akong tinanggihan sa paggawa ng cover kaya I'm so happy na mayroon akong isang Jasmine na katulad niya.Kahit minsan may misunderstandings kami kailangan fix agad yan!

At ayun,I just wanted to say na thank you sa lahat Kapwa Author :) Hayaan mo makikita na kita sa Monday wag ka lan magulat sa peys ko dahil nagkapimples ako xD.

So,ayun see you sa Monday pasukan na ulit and Grade 6 na tayo graduating na :) Magkaklase parin tayo dapat ha? Ayun na tapos na an letter ko for you.Goodbye na.I miss you na.Hugs and kisses.

See you on Monday,Kapwa Author.

The friendship they made will never ever be broken.

Your kapwa author,

YngReid :)

Love Letters For My BabyWhere stories live. Discover now