Prologue

51 3 0
  • Zadedykowane moks :)
                                    

06/04/2014 Manila,Philippines

3:30 P.M. 

Present Time

Isang hapon, pinili kong maglakad lakad at mag muni muni sa isang parke sa Maynila , upang khit saglit ay matakasan ang aking problema sa  tahanang animo'y selda para sa akin. 

Sa aking paglalakad, nakasalubong ko ang iba't ibang tao.

May bata, may matanda , may mag-sing irog.

Mababakas ang ngiti sa kanilang mga labi, at dahil doon hindi ko maiwasang mainggit .

Hindi naman ako emo, hindi rin loner, sa katunayan isa akong masayahing tao- palabati, palangiti , palabiro.

Ngunit sa likod ng aking mga matatamis na ngiti at pagpapanggap na masaya, ay mababakas parin ang pait ng aking nakaraan. Muli, ay di na naiwasang lumingid ang mga luha sa aking mga mata.

Pangarap? Marami ako nyan. Matataas pa nga eh. Pero sa ngayon, simple lang ang aking pangarap. 

Ang lumaya, at maging masaya.

 

 DEFINE KALAYAAN ?

Ang Kalayaan ay isang napakahalagang karapatan ng bawa’t tao, kung mayroon ka nito, walang gumagapos o pumipigil sa anumang iyong ninanais at nilalayon sa buhay.

                                                  - http://wagasmalaya.blogspot.com

KALAYAAN  na siguro ang tanging bagay na ating nakamit simula nung tayo'y sinilang..

Kalayaan na mabuhay.. lumanghap ng sariwang hangin..kalayaan na magsalita ng saloobin kung ating gugustuhin..

At hanggang sa ating pagtanda.. dala dala natin ang kalayaang iyan..

Kalayaang pumili ng sarili nating landas para sa buhay natin sa hinaharap..

Kalayaang magmahal.. Kalayaang sumaya..

Ngunit sadyang lahat ng bagay ay may limitasyon..

May mga bagay na kahit gustuhin mo man.. hindi mo malayang masusunod ang sinasabi ng puso mo....dahil kapag ginawa mo yun.. tiyak maraming masasaktan.

Kaya kahit gaano katindi ang paghuhumiyaw nang iyong puso.. gaano man ang pagpupumiglas ng nasasaktan mong damdamin.. mas pinipili mo nalang na IKAHON at hayaang MAKULONG ang iyong tunay na nararamdaman..

KASE  sabi nila BAWAL. BAWAL. BAWAL.

Saka kahit anong gawin mo wala ka namang magagawa eh kundi sumunod. Dahil iyon daw ang katanggap tanggap at nararapat.

Dapat  daw Isakipisyo ang sariling kapakanan para sa kasiyahan ng marami..

Ako si Che at ito ang aking istorya.

 

Love in a BoxOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz